Paaralan

4 3 0
                                    

Paaralan (12/3/22)
— BlackRhunterxWP

Simula ng nagkapandemic, nagbago na ang lahat.
Lahat ng mga bagay, naging parang isang bula.
Mga kasipagan ay naglaho at tila ba'y may kailangan pang ayusin
Para maging sanay sa buhay, ngayong pandemya

Simula ng nagkaroon ng face to face classes
Akala ko'y magiging masaya na ito
Pero kabaligtaran lamang pala ito ng aking iniisip
Dahil sa paglipas ng mga buwan unti unti na akong natatakot na pumasok

Dati ninanais kong pumasok sa paaralan
Paaralan na alam ko marami akong matututunan
Paaralan na magsisilbing gabay sa akin para matupad ang aking mga pangarap
At pangarap na gusto kong abutin pagkatapos kong makagraduate

Pero dahil sa aking mga kaklase
Gusto ko ng lumipat ng paaralan o tumigil na lamang
Mga plastic ang kanilang pag-uugali at ang iba ay di maaasahan
Wala silang pake sa mga kanilang kamag-aral basta't sila ay natutuwa sa kanilang pinaggagawa

Ganto na ba ang henerasyon ngayon
Napakadami ng walang pake sa nararamdaman ng iba
Mga bully at higit sa lahat nanakit ng damdamin
Damdamin na napakalaking epekto sa lahat lalo na pag nasaktan

Sana nga mabago ang lahat, bago pa ito mahuli
At isa sa aking mga kamag-aral ay mawala sa mundong ibabaw
Dahil sa mga aksyon na kanilang pinaggagawa
Dahil di lamang ako nakakaranas ng ganto, pati pa ang iba kong mga kaklase

⚜️SweetHeartPrincessWP One Shot Stories⚜️Where stories live. Discover now