nine

41 3 1
                                    

narration
jeongin

natapos na yung volleyball game and our school's team ended up winning.

halos lahat ng students ay nagsibalikan na sa kanya-kanya nilang classroom dahil may klase pa after ng game. sila chan ay nagpaalam narin habang ako naman ay nag aabang dito sa gilid ng pintuan ng gym.

"sachi!" pagkalabas palang niya ng pintuan ay sinalubong ko na siya, she was carrying a lot at halata naman na iniinda niya yung sakit ng injury niya.

"oh, jeongin? may klase ah? why are you still here?" nginitian ko siya at kinuha ang mga bitbit niya.

"minor subject lang naman, it's okay for me to skip one time" mahina niya akong binatukan at sinabayan na ako sa paglalakad.

"ikaw talaga, bakit mo ba ako inantay? pag ikaw talaga nakasuhan ng cutting, graduating ka pa naman" ang cute talaga nito magalit, akala mo guguho ang mundo pag nakasuhan ako ng cutting.

"pano ba naman kita iiwan eh injured ka tapos ang dami dami mong bitbit?" she looked at me for a while sabay ngiti sakin.

ganda talaga

"o sige na, after ko dumaan sa shower room, review nalang tayo ah? para ahead ka sa next lesson niyo sa bio" after hearing that, i instantly smiled and nodded my head.

@yangyen just posted a tweet!

@yangyen just posted a tweet!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

replies

after studying ay dumiretso kami ni sachi sa isang convenient store sa tapat ng uni

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

after studying ay dumiretso kami ni sachi sa isang convenient store sa tapat ng uni.

"anong oras ka uuwi sainyo? 8:30 na oh baka hinahanap ka na sa bahay" umiling ako kay sachi at tumungo.

"di naman ako hahanapin sa bahay, kahit bukas pa ako umuwi" mukha namang nagulat siya sa sinabi ko kaya naman ay napa buntong-hininga ako.

sachi

anong ibig niyang sabihin na hindi siya hahanapin?

"okay ka lang ba?" he smiled at me pero kita naman na malungkot talaga siya kahit naka ngiti siya.

"sa totoo lang, hindi kasi kami okay ng mga magulang ko, lalo na si mama. kaya ako bumagsak sa bio exam non, hindi ako nakapag focus" tinanguan ko siya, signaling him na ituloy lang ang mga sasabihin niya.

"may kapatid kasi ako, 3rd year college na siya. aspiring architect, nasa dean's list at very active sa orgs niya. kada magkakamali ako, hindi mawawala ang pag banggit sa pangalan ni kuya. kesyo buti pa raw yung kapatid ko magaling sa ganito ganiyan, bakit hindi raw ako gumaya?" hearing him say these words made me feel bad.

so kaya pala pursigido siya maipasa mga exams niya, to prove to his parents na kaya niya.

"you know i'm here right? i'll help you kasi alam kong kaya mo, we'll work on it together. i'll do my best to teach you everything i know in bio" after saying this, he smiled at me.

"may sasabihin ako sayo, sachi" napakunot naman ang noo ko sakanya.

why is he serious all of a sudden?

"crush kita"

tutor | yang jeonginWhere stories live. Discover now