eleven

29 2 2
                                    

narration
sachi

nag bus kami papunta kila jeongin, 10 mins lang ang byahe kaya nakarating na rin kami agad sa bahay nila.

pagpasok palang namin ay napansin ko na, maraming pagkain na naka hain sa lamesa nila.

huh? parang may birthday sa sobrang daming pagkain.

"ma, bakit ang daming pagkain? anong meron?" tinignan ni jeongin ang mga pagkain na naka hain sa lamesa nila at nagtatakang kinamot ang ulo.

"ay hindi ko ba nasabi sayo? umuwi ang kuya mo. nasa taas siya nagbibihis. ayaw daw muna sa dorm kaya dito muna siya for 2 months." tumango tango nalang si jeongin at itinuro ako sa mama niya.

"ma, si sachi nga pala. siya yung nagtuturo sakin ng bio." kinamayan ako ng mama niya at nginitian.

"nako! ang ganda mo naman! ilang taon ka na ba sachi?" nahihiya akong ngumiti at sumagot sa kanya.

"thank you po, second year college na po ako. 20 years old." parang namang lumiwanag ang mukha ng mama ni jeongin at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"ah ganon ba? ako nga pala si elizabeth pero tita nalang ang itawag mo sakin. isang taon lang pala ang tanda ng panganay ko sayo, sachi." sasagot palang sana ako nang magsalita si jeongin.

"ma, don na kami sa sala ah? may rereviewhin pa kasi kami." tumango tango nalang si tita elizabeth at sinabing dadalhan niya raw kami ng snacks maya maya lang.

dumiretso na kami sa sala nila, nilabas ko narin ang mga old notes and books ko sa bio para ibigay to kay jeongin.

"sachi, akyat lang ako ah? andon kasi yung mga gamit ko, kunin ko lang saglit." bingyan ko siya ng thumbs up kaya naman ay dumiretso na siya ng akyat para kunin ang gamit niya.

i started putting sticky notes don sa part na aaralin namin today, masyado akong busy mag-ayos to the point na hindi ko napansin na may iba na palang tao sa sala.

"oh? who's this pretty lady sa sala natin mama?" napaangat naman agad ako ng tingin don sa nagsalita. hindi ko siya kilala pero may hawig siya kay tita elizabeth.

hmm, siya siguro yung kuya ni jeongin?

sakto naman na bumaba si jeongin at nadatnan na nakatingin sakin ang kapatid niya.

"ah kuya, bumaba ka na pala." tumango lang ang ang kapatid niya pero nanatili parin itong nakatingin sakin.

look away, i don't feel comfortable.

"is she your friend? pakilala mo nga sakin jeongin."

"she's my friend and tutor, kuya. her name's sachi" lumapit yung kuya niya sakin para makipag kamay, tinanggap ko iyon.

"hi! kuya ako ni jeongin. i'm kalel but pwedeng kal nalang." i nodded and smiled at him, may sasabihin pa ata siya kaya lang ay tinawag na siya ng mama nila.

dalawang oras rin kaming nag review ni jeongin bago kami tawagin ni tita for dinner.

(a/n: long time no update!! sorry huhu been super busy but i'll try to update often!)

tutor | yang jeonginWhere stories live. Discover now