nineteen

27 2 5
                                    

best boys

minho
eh bakit kaya tayo sinungitan nung isa diyan kanina

chan
kaya nga eh🤔

sachi
heh
sorry na

minho
eh bakit nga?

sachi
wala! nastress lang ako sa school yun lang

chan
ok sabi mo eh

sachi
libre ko kayo
sorry ulit wala lang talaga ako sa mood kanina
bawi nalang ako sainyoy dalawa

minho
sainyoy

chan
sainyoy

sachi
pag bubuhulin ko kayong dalawa🤗

minho
HAHAHAHA JOKE LANG
kelan ba libre

chan
oo nga kelan ba

sachi
tamo tong dalawang to
basta libre talaga!

narration
sachi

after class

nagkayayaan kami nila chan at minho na mag sabay sabay kami umuwi ngayon. pumayag na ako dahil mukhang hindi naman kami magsasabay ni jeongin ngayon.

kanina pa nga walang paramdam yun sakin, usually kasi after class mag memessage na yun sakin.

umuna ako sa may tawiran, dun ko nalang daw intayin sila chan at minho dahil may dinaanan pa sila sa office.

habang naka tayo ako sa may gilid ay may nahagip ang mga mata ko sa loob ng mcdo.

hindi ba si jeongin yun? i squinted my eyes to see a bit clearer at nakitang kasama niya pala si chloe.

i just kept looking at them at nakita ko naman na tawang tawa silang dalawa sa kung ano man ang pinag uusapan nila.

edi wow

umirap ako sa kawalan at nagulat nang biglang lumitaw si minho sa harapan ko.

"oh? bat mukhang nalugi ka diyan?" titingin na sana siya kung san ako nakatingin kanina nang pigilan ko siya at higitin na.

"wala! tara na nga, uwi na tayo." buong byahe namin pauwi ay wala akong kibo sa kanilang dalawa.

wala ako sa mood.

pagkarating namin sa apartment ko ay nagpasalamat ako sakanilang dalawa at nag dirediretso na papasok sa bahay.

kaya naman pala hindi nag tetext, tuwang tuwa ka pa ah.

happy?

nakahiga lang ako sa kama, hawak hawak ang cellphone. iniintay yung isa diyan na mag text.

nang mag 7:30 ay hinayaan ko nalang na, iniwan ko na ang cellphone ko sa lamesa.

edi don't

bakit ba ako inis na inis? tropa lang naman kami. diba? tropa lang diba?

umiling ako at finocus ko nalang yung attention ko sa pag rerewrite ng notes ko.

yang jeongin, bakit ba ako nabbwisit?

ayoko aminin pero ayoko talaga sa nakita ko kanina, i hate it.

after an hour ay nag vibrate na ang phone ko at nakita kong nag message si jeongin.

hindi ako masyadong naging welcoming sa mga replies ko sakanya.

ang petty ko nakakainis!

@chihirosachi just posted a tweet!
@yangyen and @minholee replied.

it was already morning, tapos na ako mag ayos ng sarili at ready na ako pumasok, pagka labas ko ng gate ay nandon si jeongin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

it was already morning, tapos na ako mag ayos ng sarili at ready na ako pumasok, pagka labas ko ng gate ay nandon si jeongin.

"good morning sachi!" tinanguan ko lang siya at sinabayan niya na ako mag lakad.

hmp

"ang sungit naman." hinigit ako ni jeongin papunta don sa bakery malapit samin at inupo ako sa upuan.

"malalate tayo niyan, ayokong ma late." simpleng sinabi ko sakanya.

"maaga pa, mag uusap muna tayo." hinawakan niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sakanya.

"bakit ka galit sakin?" malumanay ang pagkakasabi niya non sakin.

parang nanlambot ako don ah?

"wala, hindi naman ako galit." narinig ko siyang natawa.

"eh bakit mo ako sinusungitan?" malumanay na tanong niya ulit.

"hindi ako nagsusungit." umiling ako at tumingin sa mga tinapay dahil ayoko tumingin sakanya.

"oh eh bakit hindi mo ako matignan?" automatic naman na napatingin ako sakanya. nakatingin lang siya sakin habang naka ngiti, kitang kita ang dimples.

nag iisip ako ng isasagot ko sakanya, ayoko naman sabihin sakanya yung tunay na rason.

na ayoko siyang nakikita na may kasamang ibang babae.

saming dalawa ako ang mas nakakatanda pero bakit parang ang immature ko mag isip ngayon.

nalilito na ako sa nararamdaman ko.

kelan ka pa nagkaganyan savanna chihiro?

(a/n: double ud! see you on the next chapter !!)

tutor | yang jeonginWhere stories live. Discover now