twenty two

10 1 0
                                    

@yangyen just posted a tweet!

@yangyen just posted a tweet!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

narration
jeongin

naiwan akong naka upo sa bench, hindi ko na hinabol si sachi dahil alam kong kailangan niya ng time sa sarili niya.

hindi ko alam kung anong bumabagabag sa kanya ngayon pero nag aalala ako para sa kanya.

ano ang nasa isip mo, sachi?

nakatulala lang ako nang mag vibrate ang phone ko.

chan
san ka ayen?

jeongin
andito sa grounds, tambay lang sa bench

chan
umuwi ka na gabi na, kasama mo pa si sachi?

jeongin
hindi ko alam kung nasan

chan
ha? magkasama kayo diba?

jeongin
nag usap kami kaya lang umalis siya bigla

chan
hay
hayaan mo nalang muna siya
mukhang alam ko narin naman ano pinag usapan niyo

jeongin
i know, i'll give her time nalang rin muna siguro

chan
uwi na
andito kaming lahat sa unit

jeongin
huhhh anong meron?

chan
nag aaya uminom si seung wahshshsh iyak siya eh

jeongin
sige sige uuwi na ako

nagsimula na ako mag lakad, napagdesisyunan kong bumili ng meat at may inuman palang magaganap sa unit ni kuya chan.

nag iikot ako sa store at hindi parin mawala sa isip ko si sachi. nabobother talaga ako and hindi rin kasi maganda ang kutob ko.

as if on cue, tumunog ang phone ko dahil nag text si sachi sakin.

sachi
pasensya ka na jeongin
marami lang ako iniisip

jeongin
ayos lang, naka uwi ka na ba?

sachi
ah oo kanina pa, sorry ulit.

pinatay ko na ang phone ko at huminga ng malalim

mag iisip isip nalang muna rin siguro ako.

pagkapasok ko ng unit ay nakatingin silang lahat kay seungmin na pulang pula na sa lasing.

"tangina tol, binabaliw talaga ako nung babaeng yun" hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay seungmin na naiiyak na habang nag rrant.

"lintik na pag-ibig nga naman, buti pa ako single lang" humalakhak naman si kuya changbin habang kumakain ng sisig.

natawa nalang ako at umupo na sa sahig, nilabas ko na yung mga binili ko at kumain naman sila agad.

"ikaw? san ka galing?" nilingon ako ni felix at tinuro ako.

"wag niyo anuhin yan si jeongin masama ang loob niyan" umiling iling nalang ako sa sinabi ni kuya chan.

"si sachi, sasabihin rin nun sayo lahat! dapat maging patient ka lang talaga. matalinong tao yun kaya lang manhid at tanga sa pag-ibig" inabutan ako ni kuya minho ng baso at uminom narin.

hindi ko alam kung naka-ilang baso na ako pero karamihan sa kanila ay tulog na habang si seungmin naman ay may kinakantahan sa call.

lover boy na lover boy ang datingan ah.

umubo ako ng malakas at napatingin naman agad siya sakin. sinenyasan niya lang ako na wag ako maingay kaya lumabas muna ako sa balcony.

ano ba ang dapat kong gawin, savanna?

di ko alam kung ano nagtulak sakin para tawagan siya pero di ko na namalayan na pinindot ko na ang call icon.

baka kasi naka-inom ako.

"hello? jeongin?"

tumambad sakin ang mahina niyang boses, nagising ko ata siya.

"hey, sorry did i wake you?"

"okay lang, 4 am na ah? bakit gising ka pa?"

"uminom kami nila kuya minho, di ako makatulog"

"huh? umiinom ka pala?"

"hindi naman, pag may okasyon lang talaga"

"lasing ka?

"hindi"

"why did you call?"

"wala lang, gusto ko lang"

narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa

"oh? bakit mo ako tinatawanan?"

"wala lang ang cute mo kasi, halatang naka inom ka"

"savanna"

"hmm?"

"gustong gusto talaga kita"

"sleep na jeongin okay?"

"hmm okay"

"goodnight, innie"

"goodnight lovie"

lasing na nga talaga ako.

(a/n: see ya on the next chapter!)

tutor | yang jeonginWhere stories live. Discover now