seven

39 1 2
                                    

narration
jeongin

it's been 3 days since the exam, hindi ko masyado nakikita si sachi kasi wala kaming session and she's busy for an upcoming vball match next month.

mamaya iaannounce yung results ng exam but i'm
not anxious since i'm confident with my answers.

"jeongs! dalian mo, nasa canteen na daw sila kuya minho" nagulat naman ako dahil madalang silang makasabay samin dahil sa schedule nila.

pagdating namin sa canteen ay andon na silang lahat, ang iingay akala mo sila lang tao sa canteen.

"sports fest na pala next week, maglalaro daw si sachi ah? diba jeongin?" tumingin naman silang lahat sakin.

bakit ako?

"ah oo, sinabi niya nga" ngumisi naman si kuya chan at inasar asar ako.

"naks updated, jowa?" tumawa naman silang lahat sa table namin at sigurado ako na pinagtitinginan kami ngayon.

"mga sira, magkaibigan lang kami" hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang.

"oh speaking of, ayan na pala eh papasok na ng canteen" di nalang ako lumingon kasi alam kong aasarin lang ako ng mga to.

"ay kaso may kasama" napalingon naman ako sa sinabi ni ni seungmin at tama nga siya, may kasama si sachi.

sino yan?

"may boyfriend pala si sachi, chan?" nagtatakang tanong ni jisung, curious rin ako.

"hindi niya boyfriend yan, higher batch samin yan na may crush kay sachi dati pa. kaso hindi siya type ni sachi eh, older brother lang ang tingin sakanya ni sachi" tumango tango naman sila samantalang ako napaisip naman.

ano ba ang type ni sachi?

narration
sachi

kasama ko ngayon si apollo, he's a friend that i met 3 years ago. nagpasama kasi siya sa lib at may kukunin raw siya.

"dismissal niyo na pala, hatid na kita?" nag offer siya na ihatid ako, sasagot palang sana ako nang tumunog ang cellphone ko.

jeongin
sachi!
i passed my bio exam!!
highest pa ako😎

sachi
aaaaaa! omg congrats!!
it's still early
do u want me to treat u na?

jeongin
sasabihin ko palang sana
asan ka?

sachi
andito ako sa main gate
daanan ba kita?

jeongin
no
ako ang susundo sayo
otw na ako

sinara ko na ang phone ko at tumingin kay apollo.

"sorry apollo, may kikitain ako today eh. ttreat ko ng lunch" nginitian niya ako at tumango.

"ah, classmate mo?" umiling ako

"nope, a friend from shs hehe. ay! ayan na pala siya! got to go na" lumingon naman siya sa direksyon kung saan naglalakad si jeongin.

kumunot naman ang noo ni apollo pero hindi ko nalang ito pinansin.

"ready to go, sachi?"

tutor | yang jeonginWhere stories live. Discover now