Simula

5 3 0
                                    


"Aida ayusin mo ang iyong tindig, tumayo ka ng tuwid, nakakahiya sa pagdating ng mga Señor" Wika sa akin ni Manang Felipe na may kasamang kurot sa tagiliran ko.

Napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot niya, parang sasama sa kurot niya ang laman ko.

Nakahilera kaming mga Tagapagsilbi ngayon dito sa may Salas ng mansyon ng mga Godofredo, sasalubungin namin ang pagdating ng mga anak ni Don Guvano at Donya Felicidad na galing pang espanya, nabalitaan ko na magbabakasyon ang dalawang señor habang hindi pa sila nakakabalik sa eskwela.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kadahilanan na kanina pa sumasakit ang aking pantog, kanina ko pa pinipigilan ang paglabas ng aking ihi, gusto ko na sanang tumungo sa palikuran at ibuhos lahat ng inipon ko ngunit kahit paggalaw ay bawal kay manang felipe.

"Manang Lalabas na talaga"  Wika ko kay manang nang tumabi siya sa gawing kanan ko.

"Anong Lalabas na Aida?" Sinamaan ako ng tingin ni Manang Felipe, hindi niya nakuha ang nais kong iparating sa kanya.

"Maari po ba akong gumamit ng palikuran Manang" Bulong ko sa kaniya, Bumilog ang kanyan mga mata ngunit biglang ring naningkit.

"Tiisin mo, parating na ang mga Señor"  Sabi niya at umayos na siya ng pagkakatayo.

Napapikit ako at pilit pinigilan ang ihi ko.

"NANDITO NA ANG MGA SEÑOR NA ANAK NI DON GUVANO" Napaayos kaming mga tagapagsilbi ng marinig namin ang isa sa mga Guwardya na sumigaw.

Nakayuko lang kami lahat at hinihintay na batiin ang mga anak ni Don Guvano na nanggaling pa sa espanya.

Dahil sa di ako mapakali sa kinatatayuan ko, habang nakayuko ako maslalo kong nararamdaman ang ihi ko na gusto ng lumabas, sinisilip ko ang bukana ng pinto dahil antagal pumasok ng mga Anak ni don guvano.

"Tagal" Namimilipit na sambit ko sa hangin.

Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto, ito na marahil ang pinakahihintay ko, ang mabati ang mga señor upang makapunta na sa palikuran at ilabas itong nagpapahirap sa akin.

Pag angat ko ng aking ulo agad dumako ang aking mga mata sa Ginoong may kulay kayumanggi na buhok at mga mata, nakangiti ito habang kausap si Don Guvano na kanyang ama.

May kung ano akong kislot na naramdaman sa mga ngiti ng Señor, Kislot na alam kong bago sa aking pakiramdam.

Napayuko akong muli ng may kung anong kurot sa tagiliran ko.

"Yumuko ka Aida" Pabulong na Sambit ni Manang Felipe.

Nang maramdaman naming nasa harap na namin ang mga señor sabay sabay kaming bumati.

"Magandang Umaga sa inyo mga Señor" Sabay sabay naming mga wika ng nasa tapat na namin ang magkapatid na Godofredo.

Nakayuko lamang ako sa mga sandaling iyon pero alam ko na ang lalaking nasa tapat ko ay ang Señor na may magagandang ngiti at kulay kayumanggi na mga mata.

'Gusto ko ulit makita ang kanyang kulay kayumangging mga mata' bulong ko sa aking isip.

"Eto ang aking mga anak, si Luciano Elizar Godofredo ang aking panganay at si Demetrio Elizar Godofredo ang aking bunso, Andito sila upang magbakasiyon ng ilang buwan" sabi ni Don Guvano na may galak sa kanyang Boses.

Ngayon ko palang nakita ang magkapatid na Godofredo, sa kadahilan na bago palang ako dito sa bayan ng mercedes, tubong bulacan ang aking pamilya at aking mga ninuno, dayo lang kami dito ng aking pamilya.

143 Years In PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon