Hindi rin kami nag tagal ni Lola Isabelle sa Hachienda Godofredo, agad din kaming umuwi at ihinatid niya ako sa tapat ng apartment ko."Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa" Sabi ng matanda nang makababa na ako sa kotse niya, Napaka weird talaga ni Lola Isabelle hindi ko alam kung bakit nitong mga huling kita at usap namin ay madami siyang sinasabi na out of nowhere, Gusto ko nga siya tanungin kung logic yung mga sinabi niya at kailangan ko munang pagisipan ang sagot para magets, kaso tinamad na ako, next time na lang.
Kaloka din kasi ang Gift na painting sa akin lola isabelle, medyo kalakihan kasi itong painting at nasa bigat na 10 kilos or something, basta ang bigat, tas medyo malaki pa.
"Huh" Takang tanong ko kay lola gusto ko kasing ulitin niya yung sinabi niya baka pag inulit niya pa magets ko na talaga.
"Nothing Hija, O siya contact-in mo lang ako incase na may problema ka, Mauuna na ako, Happy Birthday ulit apo" Sabi ng matanda at yumakap muna sa akin bago sumakay sa sasakyan niya.
"Ingat lola, Thanks po sa Gift" kumaway ako at tuluyan ng makalayo ang sasakyan niya.
Napalingon ako sa painting na gift ni lola, Ang painting ni Demetrio, parang may kung ano sa painting na ito na hindi ko maexplain, tapos kapag tinititigan ko ang mata ni demetrio sa painting para itong nanghihigop, siguro masyado lang magaling ang pintor na nagpinta kaya masyadong perfect ang angolo ng pagkakagawa.
Gusto ko din tuloy magka painting tas yung mag papaint sa akin yung nag paint sa Pamilya Godofredo, ang galing kasi, parang buhay na buhay ang mga itsura nila kahit dekada na ang dumaan.
Lumapit ako sa painting at binuhat muli ito, pagkabukas ko ng gate nakarinig agad ako ng tahol ni Baltik ang favorite kong aso, Kasi siya lang naman ang aso ko.
"AW........... AW............" tahol ng alaga kong askal.
Binuksan ko ang pintuan ng apartment ko at sinalubong ako ni baltik, kumakaway kaway pa ang buntot niya tila tuwang tuwa na makita ako.
Sa hindi malamang dahilan maya maya ay napahinto si baltik at napatingin sa painting na hawak ko.
Ang maamong si baltik ay biglang umangat ang tenga at tumahol ng sunod sunod, ang tahol niya ay parang nakakita siya ng taong hindi niya kilala.
"What's Wrong?" Hinaplos ko ang Ulo ni baltik para tumigil siya, ibang iba kasi ito sa laging pagsalubong sa akin ng alaga ko.
Tumigil naman si baltik at tumabi sa gilid para makadaan ako, tuluyan na akong nakapasok sa apartment ko. Inilapag ko sa kama ko ang painting ni demetrio at pumunta sa sala para lagyan ng dog food ang pagkain ni baltik.
"Sorry Walang pasalubong ang amo mong pretty" Sabi ko at hinaplos ko ulit siya sa ulo na kaagad kinaamo niya.
Nang matapos ako sa pagpapakain kya baltik, pumasok muli ako sa kwarto ko at nag isip kung saan ko isasabit ang painting ni Demetrio.
Napapaisip ako sa painting na ito kung magkano kaya ito kapag ibinenta ko?, tamang tama mabibili ito okaya naman ipagbili ko ito sa mga Antic Collector, sure magkakapera pa ako.
Ang kaso nakakakunsensya naman kung gagawin ko yun, Gift sa akin ito kaya kailangan ko itong pagkapahalagahan at ingatan.
Nang may makitang magandang spot ko saan pwede kong isabit ang painting ni Demetrio agad akong kumuha ng pako sa ilalim ng lababo at martilyo, bumalik ako sa kwarto ko.
Nadatnan ko ang aso kong si baltik na nakaakyat na sa kama ko at nakatingin sa Painting ni Demetrio, kumakaway ang buntot nito na parang amo niya ang nasa larawan.
BINABASA MO ANG
143 Years In Painting
RomanceLetitia Muñoz is a rich girl who can buy anything she want, pero ang kanyang kalayaan ay hindi niya mabili ng pera niya, siya ay sunod sunuran sa ama niya, wala siyang ginawa kundi sundin ang ama sa kahit ano nitong ipag utos, pero isang araw natukl...