Kabanata 4

12 2 0
                                    


May roon akong walking alarm clock at ito ang alaga kong Askal na si baltik, Sobrang proud ako dito sa alaga kong ito never pa siyang pumalpak na gisingin ang maganda niyang amo, ang pasok ko kasi sa trabaho ay 7:30 am kaya kaya 6:30 am palang nagsisimula ng manggising at tumahol ng tumahol ang aso ko.

Pero ngayon mag isa akong gumiwing, kung hindi pa nag ring ng nag ring ang cellphone ko hindi pa ako magigising.

Dinampot ko ang cellphone ko na nasa side table at sinagot ang caller, hindi na ako nagabalang tignan kung sino ang tumatawag.

"Hello" I said sa bagong gising na tinig.

"Leti, kanina pa kita tinatawagan, anong oras na nasan ka na ba, girl may Pasok ngayon sa coffee shop nakalimutan mo na ba?" Sunod sunod na salita ni Lyn sa kabilang linya.

Ang kaninang mata kong nakapikit pa ay biglang napadilat ng malaki, Para akong si flash na napatayo at napalingon sa wall clock ko sa kwarto.

"Shit!, BALTIK, bakit di mo ko ginising mag 9:30 na" Natatarantang sabi ko at hinagilap ang alaga kong aso, Never pang pumalpak si baltik sa paggising sa akin, ngayon palang.

"Oh, Kagigising mo lang pala" lyn said.

"Oo, Nakakaloka hindi ako ginising ni baltik" Kahit anong himbing ng tulog ko kaya akong gisingin ni baltik, nakakapagtaka lang kung bakit hindi ako nagising ngayon.

"Ano pang hinihintay mo leti, Go na mag asikaso ka na ng maka pasok ka na" Sabi ni lyn at ibinaba na niya ang tawag.

Nataranta naman akong inilapag ang cellphone mo at patakbo akong pumunta sa cabinet para maghanap ng damit na maisusuot ko sa trabaho, pero bago yun napadaan pa ako sa Salamin ko at nakita ko ang reflection ko dito,

"Syete na alagkit" Pabulong na sabit ko ng makita ang sarili na gulo gulo ang buhok nagkalat pa ang lipstick at suot ko padin ang damit ko kagabi noong nag bar kami nila lyn.

Napangiwi na lang ako at agad naghanap ng damit na maisusuot ko pantrabaho, Humugot ako ng kahit anong Bra at panty pagkatapos ng damit na susuotin ko,
Napahinto ako sa pagkalkal ng cabinet ko ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto ko.

Dali dali akong lumapit sa pinto at idinikit ang tenga ko doon, Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang TV ko na nakabukas.

"Alam ko umuwi ako kagabi na nakpatay ang TV, pinatay ko pa nga ang Ilaw sa sala bago ako pumunta sa kwarto ko" Napapaisip ako habang inaalala kung naiwan ko bang nakabukas ang TV ko kagabi noong umuwi ako galing bar.

Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng pagtawa ng lalaki at tahol ng aso kong si baltik.

Agad nag flex lahat ng muscle at mga organ ko at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Ganun na lang ang gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang Sala ko na may lalaking nakaupo sa sofa, at ang magaling kong aso ay katabi ng hindi ko kilalang lalaki, Dahil sa lakas ng pagkabukas ko sa pintuan ng kwarto ko ay napatingin sa akin ang dalawa.

"S-sino ka?" Turo ko doon sa lalaking nakaupo sa sofa ko.

Nanlaki ang mata ko at napaatras pa ng tumayo ang lalaki, napakatangakad nito parang bigla akong nanliit.

Nakasuot ng puting Longsleeve at itim na Slocks ang Lalaki.

"S-SABI KO SINO KA?" Pasigaw kong tanong sa hindi ko kilalang lalaki, pero parang namumukhaan ko siya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

sino bang hindi magugulantang kung may hindi ka kilalang tao na pumasok sa bahay mo? Tapos close pa sila ng Aso mo, speaking of Baltik Ang lintek na aso ay katabi pa ang lalaki, sa pagkakatanda ko bantay ang ibinigay sa kanilang Role, pero bakit ngayon close pa siya sa lalaking nag tresspass sa bahay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

143 Years In PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon