Kabanata 1

8 3 0
                                    

Dumating ang araw ng Bithday ko at nag aayos na ako ngayon dahil nag text na si Lola isabelle na susunduin niya daw ako dito sa Tinutuluyan kong apartment

"Aw...... Aw........" Napatingin ako kay Baltik na nanonood sa akin habang nagsusuklay ako.

"I know right" Sabi ko at nangingiti ngiti pa.

Sabi saki sakin ni Baltik ang Ganda ko daw.

"Aw....... Aw........" Sabi niya.

"Sure, basta maging Goodboy ka okay?" Sabi ko sa kanya at Hinimas ang ulo niya.

Sabi niya kasi dalhan ko daw siya ng pasalubong.

Masaya ako kahit si baltik lang ang nasa tabi ko at kasama ko, para rin kasi siyang tao na laging nakaabang at kumakausap sa akin, at ang ganda ng communication namin kasi nagkakaintindihan kaming dalawa.

"Alis na ang amo mong Maganda Babye baltik" Paalam ko kay Baltik noong nag text na si Lola Isabelle sa akin.

Lumabas ako ng maliit kong bahay pero kumpleto sa gamit.

Nakita ko sa labas ng gate ko ang sasakyan ni Lola Isabelle, Hindi ko naman matanggihan ang Matanda sa request niya na samahan siya, wala naman akong gagawin at wala naman akong plano ngayon sa birthday ko, tyaka masaya naman kausap at kabonding si lola isabelle.

Nangmakapasok ako sa sasakyan niya binati ako ni Lola at Niyakap.

Last kita namin ni lola ang weird ng mga sinasabi niya, out of nowhere ang mga sinasabi niya like.

'Matagal niya daw inantay ang araw ng birthday ko'

Bakit mas excited pa si lola sa pagiging 21 ko?

'Sana daw umayon na saamin ang tadhana'

Sinong bang tinutukoy niya? Ako ba?

'Masaya daw siya na muli kaming magtatagpo'

Nino? Sino bang katatagpuin ko?

Diba ang Gulo ni lola.

"Muling magtatagpo ang mga puso na tinutulan ng tadhana" Bulong ni lola, pero sapat na iyon para marinig ko siya.

"Ano yun La?" Tanong ko sa kanya.

"Wala apo, Excited lang talaga ako" Sabi niya. Ano kayang Itsura ng isang mansyon na pupuntahan namin ni lola? Maganda kaya kagaya ng mansyon nila?, siguro Oo kasi yung mansyon nila dito Nakakamangha na eh.

Napatango ako at bumaling na sa labas ng kotse dahil umadar na ito.

Saglit lang naging byahe namin ni lola isabelle, hindi naman kasi kalayuan ang Mansyon na tinutukoy niya dito lang din naman sa  Bayan ng Mercedes matatagpuan ang mansyon na pupuntahan namin, halos 30 minutes lang ang naging byahe namin.

Unang bumaba si lola at sumunod ako, napatingin ako sa Gate na nasa harapan namin, may nakasulat doong.

'Hachienda Godofredo'

Napakunot ang noo ko, hindi naman Godofredo ang Surname ni Lola Isabelle, pero baka kanila rin ito, baka nabili nila.

Nakita ko na si lola ang bumukas ng gate, kaya dali akong tumulong sa kanya.

"Wala na kasing naglilinis sa Mansyon ng mga Godofredo kaya ito kinalawang na ang Gate" Sabi ni Lola.

Napatango naman ako at binuksan nangnapakalawak ang gate para makapasok ang sasakyan na dala namin.

143 Years In PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon