Kabanata 2

5 2 0
                                    


"Aida! Bumangon ka jan" Napakasarap ng aking tulog ng may kung sinong yumuyogyog sa akin, unti unti kong iminulat ang aking mga mata para makita kung sino itong gumigising sa akin.

Nang tuluyan ng nakadilat ang aking mga mata, una kong napansin ang isang bayong na nasa aking paanan, napatingin ako sa gasera na nasa aking lamesa.

"Aida, bumangon ka na jan ikaw ang isasama ko sa pamilihan ngayong araw" Nahagip ng mata ko si Manang Felipe na inaayos ang kanyang Palda.

"Manang anong oras na po?" Nakita ko sa may bintana dito sa maliit na kubo kung saan ang bahay na tinutuluyan ng mga tagapagsilbi na madalim pa sa labasan.

"Alas kuwatro palang ng madaling araw, kaya mag bihis ka na para maaga nating masalubong ang barko ng mga mangingisda at makapamili tayo ng magagandang isda" Wika ni manang.

Tumango ako at inayos ko na rin ang aking sarili upang makaalis na kami.

"Magandang umaga ginoong Dencio, Maaari mo bang ipagbili sa akin ang mga magagandang isda na inyong nahuli?" Aniya ni manag felipe sa Ginoong kabababa palamang sa barko, napansin ko na ang ginoong ito ay may isang biloy sa isang kalowang pisnge noong ngumiti siya sa amin ni manang felipe.

Nandito kami ngayon sa pangpang kung saan dumadaong ang mga barko ng mga mangingisda, Minsan palamang akong nakasama kay manang felipe sa pamilihan, at ilang beses ko palamang nakikita si ginoong dencio na mangingisda.

"Makakasa ka, Manang Felipe saiyo ko ipagbibili ang mga magagandang isdang nahuli namin" sabi ng ginoo at bumaling sa akin "Teka may kasama ka palang magandang binibini" Napatingin sa akin si ginoong dencio, napaka ganda ng ngiti nito na sinalubong ang mga mata ko, mas lalong kapansin pansin ang biloy niya sa kanang pisnge kapag malapitan.

"Maaari ko bang malaman ang ngalan ng magandang binibining inyong kasama manang?" Nakangiting Wika ni Dencio kay manang felipe.

"Aida, magpakilala ka sa ginoo" Bulong ni manang sa akin, agad naman akong unayos ng pagkaka tayo.

"Ginoo Kinagagalak kong makilala ka, ang ngalan ko ay Zenaida" pagbati at pakilala ko sa ginoong mangingisda.

"Binibining Zenaida, napaka gandang pangalan para sa magandang binibini na kagaya mo, bagay na bagay" Nakangiting wika ni Ginoong dencio, nakaka tuwa din ang ginoong ito dahil panay ngiti at parang hindi siya nangangalay sa kakangiti, pagkausap mo ang ginoong ito at hindi mo maiiwasan na hindi pag masdan ang kanyang biloy na nasa kanang pisnge.

"Kinagagalak ko ding makilala ka Binibining Zenaida, ang ngalan ko ay Dencio ako ang kapitan ng barkong ito na lumalayag para mangisda sa madaling araw" Wika ng Ginoo sa akin.

Napansin ko ang pangpang ng dagat na papasilay na ang Araw, lumiliwanag na din ang kapaligaran at nakikita ko na din ang ilang bangka at barko na naglalayag.

"Ginoo mawalang galang kailangan na naming umalis, kailan pakasi kami sa Hachienda Godofredo" Nang makuha na ni manang felipe ang mga isdang binili niya ay nagpaalam na kami kay ginoong Dencio.

"Ganoon po ba? Sa muli nating pagkikita Binibini." Yumuko si ginoong dencio at sumilay muli ang kanyang biloy, tinitigan ko ito bago tumalikod sa kanya.

Natutuwa ako sa ginoong mangingisda na iyon, bukod sa lagi siyang nakangiti nakakatuwa din ang kanyang kabaitan.

"Gusto ko aida na matuto ka kung paano ang kalaraan dito sa Pamilihan, sa susunod ikaw na ang uutusan ko na mamili, kaya gusto ko ngayon palamang pag aralan mo na kung paano pumili ng magagandang produkto" nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni manang at itinatatak ko ito sa isip ko, si manang felipe ay nasa singkuwente anyos na matagal na siyang naninilbihan sa mga Godofredo, kaya malaki ang tiwala sa kanya ng pamilya.

143 Years In PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon