Sofia POV
HINDI ko mapigilang humanga habang nakatanaw sa malaking unibersidad. Ito ang unang araw ko sa kolehiyo, at hindi ko alam kung ano ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito. Sana naman walang mangyaring masama. Napabuntong hininga ako bago dahang-dahan hinakbang ang paa ko. Agad ko nalanghap ang bagong simoy ng hangin.
Sa totoo lang, hindi ko akalaing makakapasok ako sa ganitong prestihiyosong paaralan. Hamilton University is one of the most prestigious universities in the Philippines. Most of the students here, as expected, have a higher social status and authority over the teachers. But like me, a scholar, I couldn't predict my school year here. Based on the books I've read, it seems that those who are supposed to be pitied are the ones being bullied.
Muli akong bumuntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad habang dala-dala ko ang isang simpleng bag at isang maitim na maleta na hiniram ko pa kay Aling Isang. Ang paaralang ito ang nagsisilbi kong bahay para sa bawat estudyante dahil dito ay may kanyang-kanyang dorm.
Habang naglalakad sa may kanlurang bahagi kung saan naroroon ang dorm ko, may mga mata na palihim sa pag irap at pagsulyap sa akin ng mga estudyante, at sinabayan pa nila ng bulong. Hindi ko mapigilang yumuko habang nakatanaw sa mga mapanuring mata nila. Ito na nga ang tinatakot ko—bullying.
Hindi ko kayang iangat ang aking paningin dahil ayaw kong makita ang ekspresyon na pinapakita nila sa akin. Alam kong wala akong kayang ikabuga sa kanila, pero anong magagawa ko? Ganito na ako, ganito na ang estado ng buhay ko.
Dahil hindi ko masyado makita ang daan, hindi ko inakalang may mababangga ako. Bahagya pa akong napaatras dahil sa lakas ng impak.
"Gosh!" Agad ako napangat nang marinig ko ang matinis na boses na iyon. Bumungad sa akin ang isang lalaki. With his alluring blue eyes, his sinister lips, and his perfect jawline that every girl falls for, he seemed almost godlike. May pagka-chinito at malaporselang balat din siya. At ang nakakaagaw pansin ko sa kanyang porma ay ang isang maliit na kulay pulang ribbon na nakaipit sa kanang bahagi ng buhok niya.
"I know I'm beautiful, but don't look at me like that."
My jaw dropped when I heard the way he spoke. Sa ganitong kagwapong nilalang na halos ihahalintulad ko kay Adonis ang tindig at ganda, pero isa palang dyosa. Isa lang ang masasabi.
"Damn!" sayang. I muttered under my breath.
-YUMEKO|√
A/N:
I know masyadong Lame ang chapter na ito pero try kong.
-Love Lots💓

YOU ARE READING
When Gay Fall In love To The Girl
Random"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Erick Allstate Hamilton