CHAPTER 48

1.1K 46 8
                                    

Sofia POV

HINGAL-HINGAL akong nagising. Ang bilis ng tibok ng puso ko sinasabayan pa ng marahas kung paghinga. What kind of dreams that I had? Parang totoo. Nangdahil dito ay nakaramdam ako ng uhaw, tatayo na sana ako ng mapansin kung naka handcuff ang kaliwa kung kamay sa higaan.

Nagtaka ko pa itong tinitigan bago ko nilibot ang buo kung paningin sa buong lugar. Makikita mo agad ang karangyaan sa buong silid, pero napangiwi ako ng makita ko na halos lahat ay kulay pink. Hindi ko man sabihin ay alam kona kung sino ang nagmamay-ari nito.

Napabaling mukha ako ng agad bumukas ang kulay pink na pinto at iniluwa dito si Erick, nakita kung nagulat siya, Nagulat saan? May nagdaang emosyon sa mga mata niya, nang dahil sa sobrang rami nito ay hindi ko na mabasa pero hindi nagtagal ang mga emosyon na iyon dahil agad iyon nawala at pinalitan ng malamig na emosyon.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, ngayon ko lang napansin ang dala niyang pagkain. Sa nakikita ko sa mga dala niyang pagkain na para bang hindi niya inihanda para sa akin kundi ay para sa kanya.

"You're awake" malamig niyang saad na kinagulat ko.

"May nangyari ba..." napatigil ako sa pagsasalita dahil ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko na para bang mga ilang araw hindi ako umiinon ng tubig "...na hindi ko alam, Erick?" patuloy ko.

Natigilan siya sa paglagay ng pagkain sa mesa dahil sa sinabi ko, iwan ko pero parang ang weird niya. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Kain ka"

"Erick?"

"Please wag muna ngayon, Sofia" he stopped "Kumain ka muna"

"No! Paki explaine muna sa akin kung bakit ako nakagapos dito at bakit tayo andito, tapos....ikaw"

"Anong ako?"

Napakagat labi ako sabay iwas tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano masasagot ang tanong niya, pero may iba sa kanya na hindi ko manlang masagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. May katanungan na gusto kung itanong sa kanya pero parang umurong ang dila ko.

Napalunok bago dahan-dahan lumingon sa kanya. Para akong maiiyak sa hindi ko alam na dahilan. I felt guilty. Hindi ko alam kung bakit pero, kinain ang buo kung sistema ng pagka guilty.

"Sorry Erick" agad kung sabi, maslalo siyang natigilan sa sinabi ko at napansin ko nalang ang namasamasa nitong mga mata.

Kitang-kita ko kung paano niya pinigilang umiyak, kitang-kita ko kung paano niya pinigilang lumabas ang mga luha pero wala siyang nagawa. Ngayong ko lang napagtanto na sa rami ng emosyon ang makikita ko sa mga mata niya, isa sa mga doon ang lungkot at pangungulila.

Para siyang batang sinisinok, sa pagpahid ng luha sa mga mata niya. He reach my other hand at put to his cheeks, pumikit siya kahit sunod na sunod parin ang pagtulo ng luha niya, maingat niyang nilagay ang pulsuhan ko sa pisngi niya na para bang niraramdaman niya ang init na galing sa palapulsuhan ko.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko nang makita kang nakaratay, Sofia" he gently kissed my hand "Para narin akong pinapatay" he mumble.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. Ano ang ibig niyang sabihin?

Magtatanong na sana ako pero agad siyang tumayo sabay pahid ng luha niya. Nakatunganga lang akong nakatingin sa kanya ng tinanggal niya ang pink na handcuff sa kamay ko. Nang matanggal iyon ay lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng masuyong halik.

"Kumain ka muna, iinumin mo pa ang gamot mo"

Huli niyang saad bago niya ako iniwan.

Wala sa sarili kung binagsak ang aking katawan sa higaan, feeling ko galing ako sa mahabang tulog. Napabuntong hininga ako bago ko lingunin ang pagkain sa gilid. Kanina ko pa naaamoy ang masarap na amoy nito, gusto konang kumain. Wala akong sinayang na oras at kumain.

Nang matapos akong kumain ay dahan-dahan akong tumayo, bigla pa akong natumba mabuti nalang at nakahawak ako sa higaan. Nagdadahan ako sa paghakbang, I hate to admit it, but I hate pink sa totoo lang. Masakit sa mata. Nang mabuksan ko ang pinto ay halos mapanganga ako sa lawak ng lugar. Masasabi kung nasa pangatlong palapag ako dahil nakikita ng malapitan ang malaking chandelier ng mansyon. Iba ito sa bahay nila, kung malaki ang isang iyon mas malaki ito.

Naglakad ako habang tinitignan ang paligid, naaaliw ako sa pinta na nasa mga haligi. Agad ako bumaba sa hangdan patungo sa unang palapag, agad ko napansin ang likod ng isang tao.

"Yes, she's waking up already" ngayon ko lang napansin na may kausap pala sa telepono si Erick "Got it, alam ko ang gagawin ko" he stopped for a second na para bang nakikinig siya sa kabilang linya "Okay, I gotta go"

Dahan-dahan itong humarap, natawa pa ako ng bigla itong napatalon.

"The fuck! Bakit ka lumabas sa kwarto!"

Nagulat ako sa biglaang sigaw niya "Ba't ka sumisigaw!"

Napatigil siya sa sinabi ko, may gusto sana siyang sabihin pero agad niya itinikom ang kanyang baba bago napabuntong hininga.

"Look!" he gulp "Pasensya na kas__"

"Aalis na ako!" agad ako tumalikod bago ko po matapos ang sasabihin ko. Napapahid ako ng luha, peste bat naging emosyonal kona.

Narinig ko ang mabilis nitong yapak papalapit sa akin "Walang aalis"

Wala sa oras akong napahinto at marahas lumingon sa kanya "Anong ibig mong sabihing walang aalis?" tagong inis kong sabi.

He reach my cheeks and wipe my tears "Yes, you heard it right, Baby. Walang aalis, ikaw at ako, tayong tatlo.....dito na titira"

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now