PROLOGUE

8.4K 167 25
                                    

"BESH!" sigaw ko habang hinahabol ko ang kaibigan kong si Erick. Galit na galit siya nang makita niyang kausap ko ang crush niya. Pero, sa totoo lang, wala naman iyong malisya sa akin dahil nagtatanong lang naman si Lloyd.

"Erick!" muli kong sigaw. Ayokong mag-away kami dahil siya lang ang tanging kaibigan ko sa unibersidad. Alam kong seloso siya, lalo na kapag tungkol sa crush niya.

Hindi ko na mabilang kung ilang estudyante ang nabangga ko habang hinahabol siya. Kailangan ko siyang maabutan at makausap. Nang ilang hakbang na lang ang layo namin, agad kong hinablot ang braso niya at walang sabi-sabing hinila papasok sa isang silid. Isinandal ko siya sa pinto at nilapat ang magkabila kong kamay sa gilid ng ulo niya.

"Hey, kausapin mo naman ako," pakiusap ko, pero umiwas lang siya ng tingin. Napakagat-labi ako at bahagyang pumikit, naiinis sa pagiging isip-bata niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pilit siyang pinaharap sa akin. Ngunit laking gulat ko nang makita kong tumulo ang kanyang luha.

"Sorry na, besh," mahina kong sabi. "Nagtatanong lang naman si Lloyd sa akin. Sayong-sayo na siya."

"It's nothing" malamig niyang sagot.

"Anong wala lang? E umiiyak ka nga!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinila ang bewang ko at niyakap ako nang mahigpit. Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghikbi habang nakasubsob siya sa balikat ko.

"Please," bulong niya, halos pabulong ngunit puno ng emosyon. "Stay away from them, Sofia. Nasasaktan ako kapag kasama mo sila. I don't like sharing what's mine. You are mine. Mine alone."


-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now