CHAPTER 5

2.7K 102 0
                                    

ANG matalim na titig ni Erick ay naging sanhi ng paglunok ni Sofia.Shit!! Mura ng babae sa kanyang isip.Pilit siyang ngumiti at patagong kinagat ang kanyang labi.

"Erick? Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" agaw hininga niyang bigkas.Kita-kita niya ang pagtaas ng kilay ni Erick.Imbes matakot siya sa pagtaas ng kilay ng binata ay parang nakahinga siya ng maluwag dahil parang nagbalik ang dating Erick kaya walang pasabi niya itong niyakap dahil sa nangyari.Hindi parin tumigil ang bilis ng pagtibok ng puso niya dahil sa pangamba at lalo't na sa takot.Dahil sa lakas ng impak sa pagkakayakap niya ay napaupo si Erick sa sofa at siya naman ay nakaupo sa kandungan ng binata,agad niyang isinubsub ang kanyang mukha sa leeg ni Erick.

"Kaloka ka Gurl! Umalis ka nga!"rinig niyang angil ng bakla ngunit imbes bumitaw siya ay maslalo niya itong hinigpitan.

"Sorry na bakla! Alam kung galit ka sa akin!"

Ramdam niyang natigilan si Erick sa sinabi niya at mga ilang segundo lamang ay naramdaman niya ang pagganti ng yakap nito sa kanya at sabay sa pagsubsub ng mukha sa leeg ng babae.Saglit siyang napaigtad ng maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa leeg niya.

"Hindi ako galit saiyo"mahina at halos bulong na saad ni Erick "Galit ako sa sarili ko dahil maski ikaw pinagseselosan ko" huminga ito ng malamim "Sorry"

Napatulala saglit ang dalaga,gusto niyang umiyak ngunit nang maisip niyang masyadon ng OA kaya parang biglang umurong ang luha niya.

"Akala ko hindi muna ako kakausapin.Mga ilang oras din iyon"

"Sorry na nga!"

"Sorry din!"

Wala na siyang narinig mula sa bakla kaya mga ilang minuto sila sa ganoong posisyon at mga ilang minuto din sila tahimik ngunit agad siyang kinalibutan ng naramdaman ni Sofia ang pagsingkot ng leeg niya.

"Ano ba!? Erick tigilan mo nga iyan!"angil niya.

"Anong gamit mong pabango?"tanong ng bakla.

"Wala akong ginagamit na pabango! Alam mo na iya--te-teka tumigil ka nga nakikiliti ako"itutulak niya sana ito ng biglang hinigit ng binata ang kanyang bewang papalapit sa bakla.

"Then why it's so addicting!"

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now