CHAPTER 26

1.8K 56 0
                                    

Sofia POV

"THE father of modern accounting is Italian Luca Pacioli, who in 1494 first described the system of double-entry bookkeeping....."

Pahikab-hikab ako nakikinig sa guro namin.Halos wala ako naiintindihan dahil sa antok.

"....used by Venetian merchants in his Summa de Arithmetica, Geometria, Proportioni et Proportionalita"

Mapupungay mata ako tumitig sa harap.Sinampal ko ang sarili kong pisngi,napa kagat labi pa ako ng maramdaman ko ang sakit.Shit! Hindi man lang ako nakatulog sa buong araw.Labis akong nag-sisisi ng hindi nalang ako kay Dee tumuloy.

Dahil kung aalahanin ko palamang ang nangyari kahapon ay kinakalibutan ako sa oras na maalala ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko'ng sinasabayan pa ng paminsan-minsan niyang panghahalik sa sensitibo nitong parte.Naalala ko pa ang nakakahiya kung halinghing pag sa oras na ginawa niya iyon.Lalo't hindi ako makatulog dahil sa mapang-angkin nitong mga braso.

Dilat na dilat ako habang siya ay ang sarap-sarap ng tulog.Fuck! Sisiguruduhin kung hindi ako muli tatapak sa kwart--no sa tinutuluyan niya!

Natapos ang klase ng wala man lamang akong nalaman tungkol sa klase.Biglang kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom,ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumain ng umagahan dahil sa pagdadaling hindi makasabay si Erick.

Hindi pa masyadong maraming estudyante pagkadating ko sa cafeteria dahil sa pagkakaalam ko ay oras pa ng klase ngunit sa kahit gaano man kaunting tao ang andito ay alam kung pinagtitinginan parin ako.Ganito na ang buhay ko simula't pumasok na ako dito.Hindi na bago ito sa akin,naka sanayan ko nalang.

Hindi ako nahirapang humanap ng upuan dahil sa maraming bakante.Agad ko nilabas ang niluto ko kaninang pagkain.Hindi ko alam kung ano ang kinalabasn ng lutong ito dahil sa pagdadali,pero kung sa titignan....okay naman.

Susubo na sana ako ng may biglang naglapag ng pagkain sa kabilang upuan.Nakanganga ko itong tinitigan at bumungad sa akin ang isang lalaking may pagka chinito at may inosenteng ngiti sa mapupulang labi niya.

"Magandang umaga.Maari bang umupo?"

Tsk! Nagtanong pa! "Nakaupo kana?"

Napapahiya naman itong ngumiti "HEHEHE...patawad"

"Okay lang" saad ko bago ko tuluyang sinubo ang pagkain.

"Ako nga pala si Joshua"pakilala nito.

"Hmmm Sofi__"

"Ahh HEHE kilala na kita"

Owwwkay

"Ganito na pala ako ka sikat dito dahil maski ikaw kilala ako?"wala sa sarili kung tanong habang nasa pagkain ang atensyon ko.

"Ahh...kilalang-kilala ka nga! Dahil palagi mo kasing nakakasama ang anak ng may-ari ng school...."

Sa totoo lang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya.

"....sabi nilang nagpapanggap ka lang daw na kaibigan niya para makalapit kay Erick__"

Marahas ako napalingon sa sinabi niya.Anong sinabi niya.Nagpapangap?

"What?"

"No offense,Sofia pero iyon kasi ang naririnig ko sa kanila"

Hindi na ako nagsalita pa.Napapaisip ako sa mga sinabi niya,kaya ganun nalang pala ang inis ng mga estudyante dito dahil iyon ang akala nila.Hindi ba nila alam kung gaano ako ka stress sa baklang iyon.

Napakunot noo ako.Bakla? Bakit ngayon lang pumasok sa isip kona parang nagbago ang katauhan ni Erick.Maari bang makakalimutan din ang pagiging bakla kapag may amnesia?

Agad ako lumingon kay Joshua,nagulat pa ako ng napansin kung nakatitig siya sa akin na may galit sa mga mata nito...nang mapansin niyang nasa kanya ang paningin ko ay agad ito ngumiti.May pagtataka akong tumitig sa kanya.

Napansin kung namumula pisngi siyang umiwas tingin sa akin.Best actror goes to....Him.

"May itatanong sana ako?" peke ngiti kung saad.

"Ano iyon?"

"Maari bang makalimu___"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang marahas humawak sa kwelyo nito.Kahit hindi ko ito tignan ay alam kung sino iyon pero ang mata ko ay nakatuon kay Joshua.

"Back off"singhal ng isang pamilyar na boses.

"Ahh...Mr.Hamilton.Nag-uusap lang kami ni So__"

Agad niya ito binitawan na naging sanhi ng pagkaupo ng binata sa sahig.Kahit gaano man kalakas ang pagkabagsak niya ay wala makikitang kahit anong sakit sa mga mata nito.

"Leave!"

"Ho?"

"Fuck! I said leave!"

Aligaga itong bumalik sa mesa at kinuha ang pagkain niya "I would like to talk to you...next time,Sofi__"

"Wala nang next time!" sambit ni Erick

"Okay?"saad ng lalaki pero ang mga mata nito ay nasa akin parin.

"Fuck! I said back off!"

Agad naman itong tumakbo.Sinundan ko ito ng tingin dahil naiiba ang mga yapak nito,ibang-iba dahil kahit gaano man kabagsak ang mga paa nito sa sahig ay wala kang maririnig ng yapak....kagaya ng yapak ko.Na para bang multo.Alam kung hinding bastang tao lang si Joshua dahil,ako nga ay nag daan pang ilang buwan upang mapraktis ko ang ganyang taktika.

Sinundan ko ito at tinitigan ang bawat hakbang ng lalaki pero agad nawala ang paningin ko ng may mainit na palad ang humila sa pisngi ko at bumungad sa akin ang galit na si Erick.

"Fuck! You making me jealous,Baby"

Pero parang wala akong narinig dahil hindi mawala-wala sa isip ko si Joshua.Who the hell he is?

"Did you know that guy?"wala sa sariling tanong ko habang titig na titig sa mga mata niya.

Napakunot noo ito "Who?"

"Yo'ong kausap ko kanina.Si Jushua__"

"King ina naman ohh! Tinatanong mo siya sa akin habang nasa harap mo ako"inis niyang singhal.

Ano naman ang problema nito?

"Syempre magtatanong ako.....umalis ka nga sa harap ko"

"Hu? Bakit?"

"Tatanungin ko ang hangin baka kilala niya iyon.Sa hangin nalang ako magtatanong keysa saiyo.Peste!"inis kung singhal at pabagsak na umupo sa upuan.

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now