CHAPTER 15

269 9 0
                                    

Chapter 15

MIA POV
"Tito please wag na" pagmamakawa ko kay tito
"Bakit ayaw mo? niloko ka na nga diba?!"
"Oo alam ko pong niloko ako pero wag yung papatalsikin pa sila"
"Wag mong sabihin mahal mo pa sya?" paghihinala nya kinagat ko labi ko at yumuko
"Oh ghad! Mia noon nung sinigawan ka sa maraming tao ayaw mo silang paalisin ngayon niloko ka nga ayaw mo parin" inis na sabi ni Tito
"Tito please? Hindi na sya makakalapit sakin tsaka andyan naman po si Casey tsaka si Kurt magbabantay sakin" sabi ko
"Okay sige pagbibigyan kita alam narin ito ng Family mo" sabi nya
Nagulat ako dahil hindi ko pa sinasabi kila daddy yon.Tumango na lang ako.
"Salamat po" sabi ko habang nakangiti
"Look Mia Sorry ayoko lang na masaktan ka ayoko lang na umiiyak ka okay" sabi ni Tito lumapit sya sakin at niyakap ako.Pagkatapos nun ay nagpaalam nako.Nakita ko sila Kurt at Casey naghihintay sakin
Isang ngiti ang sinalubong nila sakin.Pumunta na kami sa room namin.Dumating narin prof namin at nagsulat sa blackboard.Hindi naman gaano kahaba ang sinulat nya.

Ramdam kong may nakatingin sakin.Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsulat na lang ako.
Pagkatapos ay Lunch na namin pumunta kami sa mga streetfoods.

"Mia oh" sabay abot sakin ni Kurt ng Isaaw

"Salamat" sabi ko
Nakita ko si Casey halos manlaki mata ko sa mga ginawa nya.Pano ba naman lahat binili nya kulang na lang pati tindera bilhin na nya.Lumapit ako.

"Besh ano ba yan andami nyan oh makakain mo ba lahat yan!" sabi ko lumingon pa sya sakin at tumawa
"Gaga! eh sa ngayon na lang ako ulit kumain neto" sabi nya habang natatawa.
Natawa na lang din kami ni Kurt.

May naririnig akong nagchichismisan pero nakatalikod sila sakin.

"Narinig mo na ba?" tanong nung babae sa isang babaeng katabi nya
"Ang alin?" tanong nya
" Yung pamangkin daw ng University tsaka si Xyvier ng Campus Prince break na daw" sabi nya.

Bigla ko na naman naalala mga sinabi ni Xyvier sakin.

"Sabagay isang nerd tas isang campus prince yaak! di bagay"
"Uy girl ganda mo ah wag ka maingay baka marinig ka nila sige ka baka mapatalsik ka nila" banta ni ate sa kanya
Umalis na sila tumalikod ako para di nila ako mahalatang nakikinig sa kanila.

"Hey, okay lang yan" sabi sakin ni Kurt habang hinahagod ang likod ko
Ngumiti lang ako.
"Tara na" aya nya
Sumunod narin si Casey at mukang busog na busog sa kinain nya.

Dumating na kami sa room namin.Biglang may lumapit na klasmeyt ko si Abie.
"Totoo bang wala na kayo ni Xyvier?" tanong nya
Hindi ako nakasagot.
"So tama pala chismis break na kayo" sabi nya
"Chismosa ka kase" sabi ni Casey
"Nagtatanong lang naman arte mo" sabi nya
"Ano? Laban?!" hamon ni Casey
Tumalikod na sya samin sabay irap.

Humarap sakin si Casey hinawakan nya kamay ko.
"Okay lang yan hayaan mo sila" sabi
Ngumiti na lang ako.Sa totoo lang pinipigilan kong umiiyak.Ayokong maging mahina sa harap nila.

Uwian na magkasabay kaming umuwi nila Casey at Kurt.Hinatid nila ako at pumasok.Nakito kong nagaantay sila mommy,daddy alam ko na sasabihin nila.Umupo kami sa sala.

"Sinabi na sakin ng tito mo ang nangyari" sabi ni mommy
Yumuko lang ako at hindi kumibo.
"Anong pumasok sa isip mo at nagawa kang lokohin ng lalaking iyon!" inis na sabi ni mommy nakakatakot talaga sya kapag nagagalit
"Tapos ayaw mo pang paalisin sa University ha!"
"Mommy sobra naman po iyon kung papatalsikin sila" angal ko
"Eh yang panloloko nya sayo hindi sobra sayo?!"

Hindi ako nakakibo matapos sabihin iyon.Nanginginig na mga kamay ko naluluha narin ako.Hindi ko alam gagawin ko.

"Oo niloko nya ako. Bakit? dahil ba nerd ako? pangit? Manang manamit? Eh sa ganto gusto ko.Wala akong pakialam sa itsura ko!" inis na sabi ko at umakyat sa kwarto.

Humiga ako sa kama at doon umiyak.Mga ilang minuto din akong umiyak.Narinig kong kumakatok sila Casey,pagkatapos ay pumasok sila.Umupo sila sa gilid ng kama.

"Tahan na" sabi sakin ni Casey
"Kinausap ko na sila Tita naintindihan na nila" sabi ni Kurt
Tumayo ako at inayos ang muka ko.Pinunasan ni Kurt ang mga luha ko.
"Alam mo maganda ka naman eh ngiti ka lang maganda ka na" sabi nya
Napatawa nya ako
"Alam mo Beshy maganda ka naman talaga ayaw mo lang ilabas" sabi ni Casey
"Hindi mo na kailangan ng salamin hindi naman malabo mata mo" dugtong nya
"Ayusin mo lang magdamit yabg buhok mo wag ka na magsuot ng salamin maganda ka na" sabi nya
"Daming mong alam noh" sabi ko
"Edi wag arte mo" sabay irap sakin
"Mia magsorry ka sa mommy mo hindi tama ginawa mo nasagot mo sya" Singit ni Kurt samin
Ngumiti ako at inayos muna an sarili ko.

Bumaba ako at nakita ko sila mommy.Nakita nila ako.
"Mommy Im sorry" sabi ko
Niyakap ako ni mommy.
"Im sorry too sweetie.Sorry kung nagalit ako.Ayoko lang kasi na umiiyak ka at nasasaktan dahil mas doble sakin yon" sabi nya
"Opo sorry po" sabi ko
"I love you sweetie"

"I love you too mommy"
"Ang drama ng magina ko" singit ni daddy.Natawa kami at nagyakapan kami.Ngumiti sila Casey at Kurt samin.Lumapit ako sa kanila at niyakap sila.Nagulat sila sa ginawa ko pero niyakap din nila ako pabalik.

"Salamat sainyo" sabi ko
"Wala yon importante nagkaayos kayo" sabi ni Kurt
"Kainggit nga kayo eh" angal ni Casey
Natawa na lang ako sa sinabi nya.

Inaya nila mommy sila na sumalo sa dinner namin.Si Casey naman pumayag agad talaga kapag pagkain usapan wala syang inuurungan.Si Kurt naman nahihiya pa.Napangiti na lang talaga ako sa kanila.Dahil sa kanila naging malakas ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na silang umuuwi.Hinatid ko sila sa labas.

"Mia" tawag sakin ni Kurt
"Bakit?"

"Ah ano kase"

"May sasabihin ka?"
"Ah ano Goodnight Mia" sabi nya
"Ah yun lang pala goodnight din sayo" sabi ko habang natatawa pa.Nagulat ako dahil bigla na lang akong hinalikan sa noo ni Kurt.
"Goodnight Mia" sabi nya at umalis na
Naiwan akong tulala.Anong pumasok sa isip nya at ginawa nya yun? Hays pumasok nako sa loob at nagpahinga.

Yan na muna gagawa pako report husko😂Maguupdate ako bukas pag natapos lahat HAHHAHAHAHAHA! keep supporting I love you all😘😘

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now