CHAPTER 47

95 5 0
                                    

Chapter 47

Bago ang lahat follow nyo po si Lanzcxs worth it basahin ang mga stories nya salamat po

MIA POV

"Bhie tara lunch na tayo sige na" sabi ko at inuga uga sya

"Sandali lang" sabi nito at nagsulat pa

"Sige na oh mamaya na yan" sabi ko
"Mauna ka na mamaya pa kasi 'to eh" sabi nito at ngumiti

Wala na akong nagawa kundi mag lunch gutom nadin ako.Pumunta ako sa cafeteria at doon kumain.As usual yung favorite ko parin na mocha slice cake tsaka cookies and cream shake.Napatingala ako ng may naglapag ng tray

"Pwedeng maki share?" tanong ni Xyvier

"Oo naman" sagot ko agad

"Nasaan nga pala si Kurt? Bakit hindi mo sya kasama?" pagtataka nya

"Busy eh may ginagawa pa" sabi ko at sunod na hinigop ang shake.

"Ganon ba" tamad na sabi nya

Tahimik na ulit tanging mga kutsara' tinidor lang ang naririnig namin.
"Gusto mo bang sumama muna sakin?" tanong nito

"Sige lang.Saan tayo pupunta?" sabi ko

"Basta" sabi nito at ngumiti

May binabalak na naman siguro 'to.

Sabay na kaming umalis doon sa cafeteria.Hinila nya ako at dumaan sa likod ng campus.May puno ng mangga roon.Malamig ang hangin nakakagaan sa loob.Umupo kami sa ilalim ng puno upang sumilong.

"Alam mo ba tuwing nalulungkot ako dito lang ako pupunta" sabi nya

Napatango lang ako.

"Dito pa lang makakalimutan mo saglit ang problema." pagpatuloy nya

Tinitigan ko sya ngumiti.Ang gwapo nya parin.Mula sa kulay itim na buhok.Sa mata nyang kulay asul,matangos na ilong hanggang sa malambot nyang labi.

Teka hoy Mia! Erase! Erase!
Wala sa sariling nasampal ko ang sarili ko at napansin ni Xy iyon.

"Oh ba't sinampal mo sarili mo?" pagtataka nyang tanong

"Ah ano may lamok kase eh" palusot ko

Gosh! Muntik ka na self waaah!

Hinawakan nya ulit ang kamay ko.Nakatingin ako sa magkahawak naming kamay.Lumingon sya sakin at ngumiti ng malaki.

"Ang ganda mo parin" puri nya

"Sus.Bulero ka talaga" sabi ko at tumawa ng mahina

"Oh ayan mas maganda ka kapag tumatawa nakakainlove" sabi nito at kumindat

"Tsee abnormal" sabi ko

Tumayo sya.

"Tara na.Balik na tayo baka hinahanap ka na nya" sabi nya

Tumango ako at tumayo.Ipinagpag ko ang palda ko.

Bumalik ako sa room baka sakaling makita ko doon si Kurt pero wala.Nagvibrate phone ko at kinuha ko iyon sa bulsa.Nagtext si Kurt na nasa cafe sya.Agad na pumunta ako doon.Nakita ko syang may kasamang babae.Lumapit ako doon.

"Bhie nariyan ka pala" sabi ko

"Oh bhie" sabi nito
Akala ko lalapit sya para halikan sa pisngi nang titigan lang nya  ako.Sinubukan kong pakalmahin sarili ko.Umupo ako at pinag order nya ako ng makakain.Tahimik lang akong kumakain habang may pinaguusapan sila.

STORY CONTINUES BELOW

Biglang nagvibrate phone ko at nakita ko sa screen na nagtext si Xy.

"Labas ka na nga dyan nagmumuka ka lang tanga eh"

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now