CHAPTER 30

155 4 0
                                    

Chapter 30

MIA POV

Nagising na lang ako nasa kwarto na ako.Bumangon ako sa pagkakahiga.Nakita ko na may notes sa study table.Kinuha ko iyon sulat ni Xy.

Mia,
Hindi na kita ginising pa alam kong pagod ka.Yung mga pinamili mo ako na nag-ayos.Sleep tight<3

Hindi ko alam na napangiti na lang ako.

Inayos ko ang muka ko at bumaba na.Nakita ko si manang.

"Oh ija kain na" aya nya

Umupo na ako

"Salamat po" sabi ko

Kumain na ako nang tahimik.

Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.Kinuha ko ang susi at lumabas nako sumakay sa kotse ko pinagana iyon.

Nakarating nako sa school.

Sinalubong ako na naka ngusong si Casey.

"Oh bat ganyan muka mo?" tanong ko

Umiling lang sya at tumalikod sakin.Kumunot noo ko.Problema nang babaeng to.

Napailing na lang ako.Sakto naman na dumating ang prof namin.

"Okay I have an announcement class" salubong nya

"May  camp tayo at sa Makati iyon 4 days tayo doon bukas ang alis natin so pack your things later okay" paliwanag nya

Agad agad bukas na kami aalis di naman sigurado nagmamadali si sir.

Kinalabit ako ni Casey.

"Bakit?" Tanong ko
"Sainyo ako matutulog first,samahan moko mag-ayos ng gamit para sa youth natin" sabi nya
"Ah okay" tipid na sagot ko

Nagsimula na ang klase.

Lunch time  nasa  cafeteria kami ni Casey.Tahimik lang kaming kumakain.

"Hi Mia" bungad ni Xyvier

Walang emosyon na tiningnan ko sya.Napakamot na lang sya sa batok.

"Seat" sabi ko

Umupo naman sya sa tabi ni Casey.Nakakunot ang noo ni Casey.

"By the way,thank you pala sa paghati and pag-ayos sa mga pinamili ko" sabi ko
"Ah no problem" sabi nya
Napatigil sa kinakain si Casey.

"Magkasama kayo kahapon?" Tanong nya
"Oo" sagot ko
Tinaasan nya ako ng kilay
"Anong meron? May alam ba kayo na hindi ko alam?" Sabi nya
"Nope.wala accident lang kami nagkita sa mall sumabay na sya sakin then ayon lang" paliwanag ko
"Yup yon lang" dagdag ni Xy

Mukang naintindihan naman nya dahil natahimik naman sya.

To be honest,wala lang sakin talaga ang paghatid nya.Anong akala nya okay kami.Gagantihan ko pa sya sa ginawa nyang pananakit sakin.Ngayon sisimulan ko na.

Tumayo na si Casey.

"Mauna na ako marami pa akong tatapusin" sabi nya at nagpaalam na

Pinagmasdan ko lang sya habang lumabas sa cafe.Kami na lang dalawa ngayon.

"Ah Mia?" Tawag nya
Lumingon ako sa kanya
"Hmm?"
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nya
"Wala naman" sagot ko
"Labas tayo mamaya" aya nya
"Sure what time?" Tanong ko
"Pagkauwi mo susunduin kita" sabi nya
"Sige" tumayo na ako
"Mauuna na ako may klase pa ako" sabi ko
"Hatid na kita" sabi nya
Tumango ako at hinatid nya ako sa klase.

Inayos ko na mga gamit ko at lumabas.Nakita ko na naghihintay na sya sa labas.
Nagtext ako kay Casey na hindi ako makakasama sa kanya itetext ko na lang sya kapag nasa bahay na ako.

"Sorry kanina ka pa ba?" Tanong ko
"Ah.hindi naman" sabi nya
"Tara" aya ko

Nauna syang naglakad at pinagbuksan ako ng pinto.
Habang nasa byahe kami ay nakikinig ako sa tugtog sa mula sa radyo.

Napatingin ako kung saan direksyon ang tinatahak namin.

"Malapit na tayo" sabi nya

Nakita ko ang isang restaurant maganda nagniningning ang kulay gold na nakapintura dito.

Nagpark muna kami bago lumabas.

"Let's go" aya nya

"Welcome ma'am/sir" pagbati nang isang lalaki
"Table for two" sabi nya sa lalaki
Itinuro naman kami sa aming table.Pinanghila nya ako ng upuan at umupo na sya.

Lumapit ang isang waiter sa amin na nakangiti.

"Ano pong order nyo po?" Tanong nito
Tumingin ako sa pagpipilian namin.Ang mamahalin ng mga pagkain.Tumingin ako kay Xyvier.

"Ikaw na lang pumili para sakin" sabi ko sa kanya

Umorder na sya.

Umalis na yung waiter.

Lumingon sa akin si Xyvier.

"Bakit ako ang pina order ng kakainin mo?" Tanong nya
"Ang mahal kasi tsaka wala akong mapili kaya ikaw na lang tutal mukang sanay ka naman at alam mo mga pagkain dito" paliwanag ko

Lumapit sa amin ang isang waiter.Nilagyan ng wine ang baso namin.

Kinuha iyon ni Xyvier itinaas nya papalapit sa akin na mukang nag-aaya na inumin ko.

"Cheers?"
Kinuha ko ang baso ko at pinagdikit sa baso nya.Sabay naming ininom.Maya maya ay dumating na ang pagkaing inorder namin.Tahimik lang kaming kumakain.

Hinatid na nya ako sa amin.

"Mia thank you for the night" sabi nya
"Sure your welcome" sabi ko at ngumiti nang malapad
Aalis na sana ako nang humirit tawagin nya ako.
"Hey goodnight" wika nya
"Goodnight" sagot ko

Pinaandar na nya ang sasakyan.Kumaway ako hanggang sa makalayo na sya.Pumasok na ako at umupo sa sala.

"Bakit ngayon ka lang?"
"Shiit!!" Napatayo ako sa gulat
"Whaat?"
"For pete sake Casey wag ka nga nanggugulat!" Paliwanag ko
"Hindi naman ako nanggugulat ah!" Diin pa nya
"Argh! Never mind"napahilata na lang ako sa sofa
"Bakit ngayon ka nga lang at inihatid ka pa ni Xyvier?" Tanong nya habang naka pamaywang sa harap ko
"Wala kumain lang kami" tamad kong sagot
"Kumain lang? Eh bakit ang tagal ha" singit pa nya
"My God Casey yun lang naman eh walang malisya sakin yon" nakakainis na
"Okay sige matulog ka na maaga tayong aalis bukas" sabi nya at umakyat na

Ghad! Bakit ba bestfriend ko yang abnormal na babaeng yan!.Nakatulala ako sa hangin at inayos ko na ang
sarili ko.

Umakyat nako at pumasok sa  kwarto.Nakita ko syang nakatulog na.Nakita ko ang dalawang bag sa gilid ng kama isa doon ang bag ko.Mukang inihanda na nya rin ang gamit ko.

Nagbihis na ako at nahiga sa tabi nya.niyakap sya.

"Alam kong di ka pa tulog thank youuuu" sabi ko
"Ano ba ang gulo mo" inis na sabi nya

Ngumiti na lang ako at ipinikit ko na ang mata ko.

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now