CHAPTER 48

106 3 0
                                    

Chapter 48

Bago ang lahat paki support po si Lanzcxs maganda po ang stories nya worth it basahin.Thank you in advance I love you all :>

MIA POV

Wala akong gana sa klase ngayon kaya hindi ako nakikinig.

Hanggang sa cafeteria tahimik lang akong kumakain.

"Hoy beshy ba't ang tahimik mo ata?" tanong ni Casey

Umiling lang ako sa kanya.

"Ah I know.Nag-away kayo no?" sabi nito

Tumingin ako sa bintana ayokong sagutin ang tanong nya.

"Sabi na" sabi nito

May narinig akong nilapag na tray.Lumingon ako sa gilid ko at bumungad sakin si Xy.

"Hi Mia makiki-share lang ha?" paalam nya

"Sige upo ka" sagot ko

Umupo sya sa tabi ko at nagsimulang kumain.

"Teka bakit ka ba nandito?" tanong ni Casey

"Para kumain cafeteria to diba?" pilosopo nya

Napangiwi naman si Casey sa sagot nito.Pinagpatuloy na lang nya kinakain nya.Inilipag ni Xy sa harap ko ang isang burger at tubig.

"Kumain ka" utos nito

Umiling ako.

"Kakain ka o kakain ka" seryoso nyang sabi

Wala sa sarili kong kinuha ang burger at kinain iyon.Napangiti naman sya at tumango saka nya ipinagpatuloy ang kinakain nya.Nakatingin naman sakin si Casey na parang may iniisip na naman na iba.Pinandilatan ko sya ng mata para tigilan ang iniisip nya.Napatawa sya ng mahina at kumain na ulit.

Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Kurt na papunta samin.

"Mia can we talk?" seryoso nyang tanong

"Ayoko." tanging sabi ko

Nagulat sya sa sinabi ko na mas lalong nainis sya.Hinawakan nya braso ko ng mariin.

"We will talk" sabi nito
"Aray Kurt!" sabi ko
"Teka pre bitawan mo sya nasasaktan sya" pag tanggol ni Xy

"Wag kang makealam dito!" sigaw nito

Sa amin na ngayon ang atensyon ng lahat.

Halos mapa pikit ako sa hapdi at higpit na hawak ni Kurt sa braso ko.

"A-aray Kurt masakit!" sabi ko
Hinawakan ni Xy ang kamay ni Kurt.

"Pre bitawan mo braso nya" seryoso nitong sabi

"Sinabi nang wag ka mangelam diba?!" sabi Kurt at inambahan ng suntok si Xy

Nailagan naman nya ito.Binitawan ako ni Kurt at inambahan ulit ng suntok si Xy.

"Hoy tama na yan!" Awat ni Casey

"Kurt tama na!" sigaw ko

Ayaw parin nilang umawat.Nilapitan ko na sila para awatin.Hinihila ko na si Kurt pero ayaw nyang magpatinag.Dumating na yung girlfriend ni Xyvier para awatin sya.Ang sama ng tingin sa akin ni Margarette.

"Tama na sabi eh!" malakas na sigaw ko at ipinaglayo silang dalawa

"Sinabi ko na sayong wag mo syang lalapitan diba!" sigaw ni Kurt kay Xy

STORY CONTINUES BELOW

"Babe let's go" sabi ni Margarette

Pinunasan ni Xy ang bibig nya na may dugo.Saka sya umalis hila ng kanyang nobya.

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now