CHAPTER 32

136 4 0
                                    

Chapter 32

MIA POV
Sa pangalawang araw may challenge kaming gagawin.
Lilinisin namin ang mga kalat sa bodega.By team yan Team A,B,C.Kami ang team B na sina Casey,James,Troy,Xyvier at syempre ako.

Pinagigihan namin ang paglilinis.

"Nakakapagod!" angal ni Casey
"Bilisan mo na lang dyan para matapos na tayo" sabi ko
"Ayoko na nakakapagod ang dami naman kasing lilinisin dito eh!!" Pagmamaktol nya

Tinalikuran ko sya at inayos ko yung mga libro.

"Tulungan na kita dyan" pagprisinta ni Xy

Linis namin ang mga libro mga nasa 90's na ang mga ito.
Umupo ako sa sahig at nagbasa ng mga libro.

"Hanggang dito talaga nagbabasa ka ng libro" sabi ni Xy at nakangiti
"Alam mo namang libro ang pinaka mahal ko" sagot ko
"Sana ako din" bulong nya
"Ano?" Tanong ko
"Wala.Sabi ko patingin nyang binabasa mo" sabi nya at umupo sa tabi ko

Tiningnan nya lang ang binabasa ko.Tahimik lang din syang nakikibasa sa akin.May nabasa ako na nakaka ganda sa kalooban nga naman.

"May our heart's filled with joy and love to live a happy life"
"Ang ganda naman nang nakasulat" sabi ko
"Mas maganda ka" sabi nya
"Ewan ko sayo" tinulak ko sya ng mahina
"Halika na tapusin na natin to para makapag pahinga na tayo" aya ko

Agad namang tinulungan ako ni Xy.Nakatapos naman kami agad.Sina Casey at James nagtulong din.Si Troy naman nakayanan nyang mag-isa maglinis.

"Nauuhaw ako" sabi ko at hinawakan pa ang lalamunan
"Teka kuha lang ako ng iinumin" pagprisinta ni Xy at umalis

Umupo ako sa sahig habang hinihintay si Xy.Nag vibrate ang phone ko may isang message galing kay Kurt.

Bie,

Hey, I miss you sorry hindi na kita natawagan kagabi may meeting kase eh.I promise pag uwi ko babawi ako okay.I love you

Nagreply naman ako.

"Oh eto na yung tubig mo" inaabot sakin ni Xy
"Salamat" kinuha ko at uminom na

Sumandal ako sa balikat nya.Nakakapagod na araw.Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hindi ako unan" sabi nya
Napangiti ako.
"Wag ka munang magulo magpapahinga lang ako" sabi ko
"Mia halika na tulungan natin sila Casey oh" sabi nya
"Oo na eto na" sabi ki at tumayo

Tinulungan namin sila Casey at James.Kanina pa kasi nagaaway yung dalawa.Akala mo aso at pusa eh.

Natapos din kami agad.Lahat kami ay napaupo na magkakasandal sa pagod namin.

"Aba good job Team B kayo ang unang nakatapos" wika ni Prof

Dahil sa una kami nakatapos kami ang unang kumain nang sabay sabay.Kapag hindi pa tapos hindi ka makakain kahit gutom na gutom ka na.Kaya swerte namin at nakatapos kami agad.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas muna ako at pumunta ng hardin at umupo sa may duyan.Hilig kong tambayan ang lugar na ito dahil masarap ang siwa ng hangin at tahimik pa.

XYVIER POV

Sinulyapan ko sya sa hardin habang nakaupo sa duyan.Nakangiti sya habang nilalanghap ang sariwang hangin.

Naiimagine ko na kapag may sarili na kaming pamilya.Nakaupo sya sa duyan habang kausap nya ang anak namin habang nakatingin sa kanila.

Balang araw mapapasakin ka rin Mia.

Lumingon sya sakin.Tumayo at pumunta sa akin.

"Kanina mo pako pinapanuod?" Tanong nya
"Oo" sagot ko
"Tara don tayo masaya don sa duyan para naman may kasama ako" aya nya
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya ako.

Pinaupo nya ako at ganon din sya.Dinuyan nya ng kaunti.

"Alam mo ba kung bakit lagi akong pumupunta sa hardin na to?" Tanong nya

Hindi na ako sumagot at hinihintay ko na lang susunod nyang sasabihin.

"Kase sa hardin may sariwang hangin kase na nakakagaan ng loob ang mga bulaklak naman para makapag isip ako" sabi nya
"Yang mga bulaklak nayan ang nagpapasaya sakin"sabi nya sabay turo

"Ikaw ang nagpapasaya sakin" sabi ko
"Haaa?" Tanong nya
"Haaaa?ano? Ahh wala ituloy mo lang sasabihin mo" shiit!! Bakit ba kase diko mapigilan mga sinasabi ko.

"Huuy!" Sigaw ni Mia
"Haaa?" Tanong ko
"Halika na kako tinatawag na tayo" sabi nya

Agad naman akong sumunod sa kanya.

"San kayo nagpunta?" Tanong ni Casey
"Ah nagpahangin lang" sagot ni Mia
"Kayong dalawa?" Turo sakin niya
"Oo nagkwentuhan lang naman kami ah" paliwanag nya
"Ah okay" sabi nya at tumalikod na

"Oy bro.Ano balita?" Tanong ni James
"Wala.Nagkwentuhan lang kami" sabi ko
"Weeeh? Eh kung maka ngiti ka dyan wagas.Pumapalakpak pa ang tenga oh" tukso nya
"Wag ka nga maingay" suway ko sa kanya
"Nako kinikili-" napahinto sya sa sinasabi nya nang takpan ko ang bibig nya

Lumingon samin si Casey at nakataas ang isang kilay nya.

"Ang ingay mo kase" sabi ko
"Woah easy bro" tinanggal na nya ang kamay ko sa bibig nya

"Halika na nga" sabi ni James at inakbayan ako

Hays bat ko ba to naging kaibigan.Siraulo hahahaha.

Pumunta kami kung saan naroon sina Casey at Mia.
Lumingon sakin si Mia at ngumiti ng malapad.Shiit Mia! Wag ganyan pleaseee.Mas lalo akong nahuhulog na naman eh.

Nilapitan nya ako at hinila kay Casey.

"Tanungin mo pa sya eh" sabi nya
"A-ano yun?" Nauutal ko pang tanong
"Nagpahangin lang talaga kayo?" Tanong nya
"Oo nga.Bakit ano ba masama don?" Tanong ko din
"Wala naman.Hindi lang kase halata sayo na sinamahan mo lang sya magpahangin.Last time na naalala ko sinaktan mo bestfriend ko!" Diniinan nya pagsabi ng "sinaktan" no
"Aish! Sinamahan ko nga lang bakit ba ang kulit mo!" Inis na sabi ko
"Bro easy okay" pag pigil sakin ni James

Umalis nako roon at iniwan sila.Tsk! Bwisit!

Keep supporting po.I love you all.

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now