CHAPTER 33

116 6 0
                                    

Chapter 33

MIA POV
4th day sa camp kaya susulitin na namin ito.

Naka short at white t-shirt ako ay pumunta sa swimming pool.Umupo ako sa gilid ng swimming pool at binabad ang paa ko.

"Oh nariyan ka lang pala" sabi ni Xy
Umupo sya sa tabi ko.
"Bakit?" Tanong ko
"Hinahanap ka kasi ni Casey" sabi nya at binabad din ang paa nya
"Last na kasi tong camp natin kaya sinusulit ko na" paliwanag ko
"Hmm sabagay" sabi nya at tumatango

Tahimik lang kami habang nakababad ang paa namin.

Kamusta na kaya si Kurt
namimiss ko na sya.Sana okay lang sya.Miss ko na miss ko na talaga sya.
"Oh bakit naka nguso ka dyan" tanong nya
"Namimiss ko na kasi si Kurt' sabi ko
"Uuwi yon" sabi nya
Nakanguso na lang ako.
"Ano ka ba uuwi yon" sabi nya at pinisil pisnge ko
"Araaaay masakit!" Sabay hagod sa pisnge ko
"Ang cute mo kasi" sabi nya sabay ngiti

Winisikan ko sya ng tubig at nagulat sya sa ginawa ko.

"Ah ganon" sabi nya

Ginawa nya rin ang ginawa ko.Nagwisikan kami nang biglang nahulog kami sa pool.
Kumapit ako sa kanya.Eto na naman nagkatitigan na naman kami.Ang lapit ng muka nya.Hinampas ko sya.

"Ikaw kase ayan tuloy nabasa tayo" sabi ko

Hindi parin sya umiimik.Nakatingin sa labi ko.Hinampas ko sya ng malakas.

"Aray ha!" sigaw nya
"Kanina ka pa kasi tulala dyan" angal ko
"Aba pasensya naman" sabi nya
"Halika na umahon na tayo" aya ko

Inalalayan nya akong umahon.

Nakita ko si Casey kasama si James at Troy.

"Oh bat basang basa kayo?" Tanong ni Casey
"Nahulog kami sa pool eh" sabi ko
"Halika na nga magpalit ka na" aya ni Casey

Pumasok na kami sa loob.Lumingon ako kay Xy na nakatingin din sakin at ngumiti.Nagpalit na ako ng damit.

"Bakit ba nahulog kayo sa pool?" Tanony nya
"Si Xy kasi ang harot" sabi ko
"Mukang nagkaka mabutihan na kayo ah" sabi nya
"Hindi ah" pagtanggi ko
"Wushuu deny pa" tukso nya
"Bahala ka nga" sabi ko at lumabas na ng kwarto
"Hoy! saan ka na naman pupunta?" Lumabas din pala sya
"Maglilibot lang" sagot ko
"Maglilibot o hahanapin si Xy?" Ang babaeng to talaga kung ano ano sinasabi.
"Ewan ko sayo" tinalikuran ko sya at naglakad lakad na

Hinanap ko si Xy.Sakto naman na nakita ko sya sa ilalim ng puno.Kinalabit ko sya.

"Oh bakit?" Tanong nya
"Kanina pa kasi kita hinahanap eh" sabi ko
Hinila nya ako at inakbayan.
"Miss moko agad no haha." Sabi nya
Siniko ko sya nang mahina.
"Baliw ka talaga haha." Sabi ko
"Shhh wag kang maingay sabayan mo yung hangin" sabi nya

Nanahimik ako at pinakiramdaman ang hangin.
Sumabay ako sa paghangin nya.Ang sarap sa pakiramdam.
XYVIER POV
Pinagmasdan ko sya habang nakapikit.Pinapakiramdaman ang hangin.Nilapit ko pa sya sa akin.Hindi na akbay ginawa ko.Hinawakan ko ang kamay nya.Hindi naman sya nagulat doon.

"HOY!"
Napayakap sakin si Mia.

"Ay butiking palaka!" Sigaw ni Mia
"Gaga tara na mag retreat pa tayo sa ni prof" sabi ni Casey
"Eh bakit kailangang manggulat ha!" Angal naman ni Mia
"Tsee tara na" sabi nya at naunang lumakad

Humarap sakin si Mia.Umalis na sa pagkakayakap.

"Ah eh sorry" sabi nya
"Wala yon halika na hinihintay na nila tayo" sabi ko at hinawakan ang kamay nya at naglakad.

Nagsimula na ang retreat. Naka pabilog kaming lahat si prof naman ay nasa gitna habang may apoy sa gilid niya.Kaharap ko naman sila James,Troy,Xyvier.

"Okay guys tell me what is Love?" Tanong ni prof

Nagtaas ako ng kamay.

"Sir,Love is the most powerful that people have it makes you happy and joyful kapag nakikita mo ang nagpapasaya at nagpapatibok nang puso mo.That is love for me" sinabi ko yon habang nakatingin kay Mia

Tuloy tuloy ang pagsesermon sa amin ni prof pero hindi ako nakikinig nakatingin lang ako kay Mia.Nakatingin lang din sya sakin.

Natapos ang retreat naisipan namin na maglaro.Spin the bottle.Marami ang sumali kaya go kami.
"Oh ito na iikot ko na ah" sabi ni James at inikot na nya.
Tumigil sa harap ni Casey.
"Casey Truth or Dare" tanong ni James
"Dare" tamad na sagot naman ni
"Okay I dare you to kiss me" sabi nya
"Woy bro chansing ka hahahhaha" asar ko
"Wth!! Ang kapal mo ah ayoko nga!" Pagtanggi naman ni Casey
"oh dare pinili mo kaya gagawin mo ang arte" angal naman ni James
"Eto na gagawin na" sabi ni Casey at lumapit kay James
Hinalikan nga ni Casey sa pisnge nga lang.

Umalis ako sa laro at hinanap si Mia.

Nasa pool na naman sya.

"Gusto mo na namang maligo sa pool?" tanong ko
"Sira dito ka" sabi nya at umupo ako
"Bakit hindi ka sumali doon naglalaro sila" dagdag ko
"Ayoko gusto ko yung tahimik" sabi naman nya
"Ang ganda ng stars oh" sabi ko at tinuro ang kalangitan
"Wow!" mangha nya
"Uy may shooting star wish tayo" sabi nya
"Ikaw na" sabi ko
"Ang wish ko umuwi na si Kurt miss na miss ko na sya" sabi nya habang nakapikit.

Huy Mia eto naman ako ah.Ako na lang oh nandito naman ako eh.Wag na sya ako na lang.Paliligayahin kita magbabago ako para sayo.Gagawin ko lahat para sayo.Ipaglalaban kita hangga't kaya ko.Mahal kita Mia.

Sabi ko sa sarili ko.

"Huy!" kalabit sakin ni Mia
"Huh?A-ano?" tanong ko
"Kanina ka pa nakatulala dyan eh" sabi nya
Pinitik ko noo nya.
"Oy aray ah!" angal nya
"Ang cute mo kasi" sabi ko
"Sira ka talaga haha" tawa nya
"Yan ngumiti ka na rin mas maganda ka kapag nakangiti" sabi ko
"Oo na po haha" sabi nya

Inakbayan ko sya.

Masaya noong gabing iyon feeling ko okay na kami pero alam ko na hindi dahil nasasaktan parin sya.Sana maging okay narin kami please.Natulog na ako dahil maaga kami bukas.



Ang sakit naman para kay Xy yon! Ouch! De charot keep supporting my story.I love you all <3.

THE NERD REVENGE (COMPLETE)Where stories live. Discover now