Chapter 5 : Heart Attack

3 1 0
                                    

September 28, 7:00 pm

L E R I C A

Napaka engrande ng party nitong si Natasha. Akala mo mag dedebut eh 17th birthday party palang naman. Expected na rin dahil mayaman ito at may mga investor at partners ng kumpanya nila na dumalo rito. May ilan rin akong nakitang estudyante na nag aaral sa school namin at mga teachers na rin.

Hindi kami sama sama ng mga kaibigan kong pumunta dito dahil ang iba sa kanila eh may inasikaso pa.

Kaya naman palibot libot lang ako hanggang sa makita ko si Tata. Kinawayan ko ito para makita ako. Napansin naman niya ang pagwagayway ko sa kamay ko kaya napangiti ito at lumapit sa akin.

Naka all white ito at hindi ito naka salamin, siguro nag contact lenses ito. Tinitignan din siya ng ibang mga bisita dahil nag i stand out ito dahil sa suot niyanat dahil na rin sa pag mumukha niya. Hindi ko naman itatanggi na may itsura rin itong si Tata lalo na at wala ang eye glasses nito. Mukhang siya lang din kasi ang nakaputi dito. Halos lahat ng mga lalaki na bisita eh naka black ang mga ito. Kaya lahat ng atensyon eh napupukaw sa kaniya.

"Muntikan akong nahilo! Akala ko nawawala na ako!", sabi nito sabay inom ng tubig na nasa table namin. Natawa nalang ako at bigla namang dumating si Tete na anlawak ng ngiti at mukhang excite na excite sa okasyon.

Naka vintage style ito. Ang style niya eh parang mga loan shark na nakikita ko sa mga palabas okaya mga gangster. Nakasuot kasi ito ng hawaiian top bilang panloob at pinartneran ng Brown na Coat at pants, naka vintage sunlasses pa ito at pasayaw sayaw pa ito na papunta sa amin. Nagmukha tuloy siyang engot.

Palapit na ito ng palapit hanggang sa makarating na siya sa table namin at umupo. May mga sinabi pa siya pero may hinahanap ako.

Bigla namang dumating si K na naka white polo shirt lang at pants hindi nito suot ang coat niya dahil naka hang lang ito sa braso niya. Nagulat rin ako sa hairstyle niya naka push back, nagliwanag tuloy ang mukha nito dahil wala na ang hoodie nito at bangs nitong naka takip sa pagmumukha niya. Walang emosyon itong nakatingin sa amin saka umupo sa tabi ni Tete. Magsisimula na ang party pero hindi ko pa rin mahagilap si Toto. Makakapunta kaya yun?

"Let's all welcome... The star of the night! Nathalie Shannon Salvador!", pag welcome ng MC kay Natasha at nagsi palakpakan naman ang mga bisita syempre pati na rin kami. Lalong lumakas ang palakpakan ng biglang lumabas ang isang babaeng naka Pink Ball Gown si Natasha kasama si Toto na naka navy blue suit at mukhang prinsipe ang datingan.

Tinitigan ko lang silang maglakad papunta sa Stage. Kaya pala hindi ko mahagilap itong si Toto, kasama pala ni Natasha. At dahil nasa harapan kami ng stage eh kitang kita ko ang pag mumukha nilang dalawa. Si Natasha naman na todo ngiti sa audience eh bigla itong napatingin sa akin at ngumisi na para bang sinasabi niya na panalo siya. Ewan ko lang kung yun ang pinaparating niya o ako lang tong ilusyonada.

Bumaba na si Toto sa stage matapos maihatid si Natasha sa may gitna at lumapit sa may mic.

"I am so thankful to each and everyone who is here to celebrate a big, great, and a very special day with me. Specially, to my parents, relatives, and friends.", pagsisimula nito sa Speech nito. Nakangiti pa rin ito ng malawak pero hindi ko ramdam na totoo yun. Hindi siya genuine katulad nung pinapakita niya sa amin tuwing kasama niya si Toto. Ewan ko lang kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Lalo na ng makita ko ang nga mata niya, feeling ko hindi siya masaya sa araw na ito. Ewan ko lang ha kung totoo ba ang pinag iisip ko.

I Wish I Can Have YouWhere stories live. Discover now