Chapter 2 : Comeback!

7 1 0
                                    

Lerica's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Tete. 10:30 am na at naabutan ko naman si K na papunta na rin doon.

"Oh K!", bati ko sa kaniya pero tumango lang ito. As Usual. Sumabay na akong maglakad sa kaniya.

Parang engot naman tong lalaking to. Ang init init ng panahon naka jacket. Siguro nagpapaputi to!

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang bahay nila Tete. Mag isa niya ngayon dito dahil nasa ibang lugar ang magulang at mga kapatid niya.

Isasama sana siya doon pero nagpumilit siya na magpa-iwan nalang dito. Kaya ayon solong solo niya ang mansiyon nila. Kaya mas napapatagal na rin ang pagtambay namin sa mansiyon nila.

Tumakbo ako papasok na dahilan ng pagkatapilok ko at nabunggo kay K. Nagka-untugan naman kami. Agad namang namula ang noo nito. Sa sobrang tigas ba naman ng ulo ko, buti nga hindi nasugatan ang noo niya.

"Halla! Sorry! Sorry talaga! Kahit kaikan talaga napaka bobo ko!", pagsosorry ko habang hinahaplos ang noo niya. Nakatingin naman to sa akin ng seryoso.

"Okay lang yun hahahaha.", nakangiting sabi nito saka tumuloy na sa bahay ni tete. Weird.

Isang buwan na ang nakalipas nang umalis si Toto papuntang Canada.

Nasanay na rin kami na wala siya.

"Riri!! Tata!! K!! Si Toto tumatawag!!!!", tawag sa amin ni Tete. Napa takbo naman kami sa kinauupuan niya.

"Uyy!! Kamusta ka na diyan?", pangangamusta ko sa kaniya. Mukhang nasa ibang lugar siya ngayon. Baka nasa sala lang nila.

"Okay lang naman ako, kayo kamusta na kayo? Miss na miss niyo na ako siguro no! Miss ko na rin kayo!", sagot nito. Natawa naman kami sa sinabi niya. Itong si Tete naman touch na touch sa sinabi niya! Mangiyak ngiyak na eh!

"Huhuhu syempre naman Toto! Hindi ako kailan man masasanay na wala ka huhuhu!" at ayon guys tumulo na ang mga luha niya.

"Teka mukhang lumipat ka yata ng kwarto? Iba background mo ngayon eh!", napansin na rin ni Tata ang napansin ko kanina.

"Hahaha oo nandito ako sa bahay ng kaibigan ko.", natatawang sabi nito.

"Siguro marami ka ng mga ibang kaibigan diyan! Huhuhu sana wag mo kaming kalimutan!", naiyak na ulit si Tete.

"Syempre naman hinding hindi ko kayo pag papalit! Ah nga pala may surprise ako sainyo. Sandali kunin ko lang.", umalis ito habang hawak ang cellphone niya.

May mga likod ng tao sa harap niya. Teka.

Napalingon ako sa likuran ko at

"Surprise!!", sigaw nito sa likuran namin.

Si Tete hindi makapaniwala

"Grabe Toto sa sobrang miss ka namin nakikita na kita sa bahay na-- HAAAAA! Toto!!!!!!", narealize na niya na si Toto nga talaga ang nandito sa bahay niya.

"Totooooo bakit napa aga naman yata ang pag uwi mo?" tankng ni Tata.

"Bakit ayaw niyo ba? Sige babalik na lang ako.", tampo naman siya agad.

I Wish I Can Have YouWhere stories live. Discover now