Chapter 7 : Moving On

0 0 0
                                    

Lerica

Nagising ako at wala na si K sa kama ko. Nakaayos na ang pinaghigaan niya, nakatiklop ang kumot na mukhang plantsado. Wow naman K! Napaka linis ah! Talo pa niya ako! HAHAHAK.

Umalis na siguro siya nung nagising siya. Maaga rin kasing pumapasok yung mokong na yun! Di nga kami nakakasabay na pumapasok sa school sa sobrang aga niya!

Naghanda na ako ng sarili ko at lumabas na ng kwarto ko para kumain. Muntik malaglag ang panga ko sa gulat, nang makita ko si K na nakauniform na at nakaupo sa dining table.

"Good morning tay! ", bati ko kay papa na naka upo at nagkakape na. Umupo na rin ako sa isa sa mga upuan habang nakatingin pa rin kay K na nginunguya ang pagkain niya.

"Di ka pa umalis?", tanong ko sa kaniya saka pinulot ang kutsara at tinidor ko. Umiling lang ito.

"Oo, sabi ko hintayin ka na niya at sabay kayong pumasok.", sagot ng tatay ko saka sumipsip ng kape niya. Napatango tango nalang ako. Napatingin ako sa orasan at alas sais palang naman. Mukhang napa aga ako ng gising ngayon.

Nang matapos na kaming kumain, kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na sa tatay ko. Pati si K ay nagpaalam na rin. Sabay kaming naglalakad at walang umiimik. At dahil na hindi ako sanay sa katahimikan eh dadaldalan ko siya!

"Hoy! Alam mo bang napaka bigat mo! Kawawa kaya akong pinag hihila ka kagabi!", basag ko sa katahimikan. Nilingon ko siya para makita ang ekspresyon niya. Naalala ko na naman tuloy yung aksidente niya akong nahalikan. Sana maulit ulit :3 Hays! Erase! Erase! Kung ano-anong pinag-iisip ko!

"Yeah, thanks.", simpleng sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako at patuloy na naglakad.

Nang malapit na kami sa school, nakita ko si Toto.

"Hi toto!", bati ko kay Toto na papasok na ng gate sa school. Napatigil naman ito at lumingon sa direksyon namin. Kumaway naman ito.

"Bilis maka move on", asar sa akin ni K na naka poker face. Tinitigan niya lang ang direksyon ni Toto.

"Syempre naman! Hindi pa naman ganun kalalim ang feelings ko kay Toto eh!", sabi ko kay K. Sinigurado kong hindi yun maririnig ni Toto. Nilingon ako ni K at napailing iling sa sinabi, ayun binatukan ko tuloy siya. Edi wag siya maniwala! Di ko naman siya pinipilit na paniwalaan ako! Halla! Anong meron sa akin ngayon? Mukhang ang sungit sungit ko.. =_= dala na rin siguro ng puyat. Hays.

"Good Morning! ", nakangiting bati sa amin ni Toto. Nginitian ko rin siya.

"Morning.", bati ni K sa kaniya saka nagdirediretsong pumasok sa school.

"Good Morning Toto! Tara pasok na tayo!", sabi ko sabay hila sa kaniya. Bigla namang bumungad sa harapan namin si Natasha na ngiting ngiti.

"Good Morning Toto! Good Morning Lerica!", bati niya sa amin. Nginitian ko lang siya, tinanguan saka umalis. Hinayaan ko nalang silang magsama ni Toto. Kesa namang maging third wheel ako roon, mapahiya pa ako.

Napadpad ako sa Library. Wala akong klase ng first subject hanggang 3rd subject. Napuyat rin ako kagabi dahil sa pisteng K na yan! Matutulog nalang muna ako dito. Tahimik dito sa library, hindi maingay. (malamang tahimik nga eh kaya hindi maingay
-__-* )

I Wish I Can Have YouWhere stories live. Discover now