Chapter 29 Hernando...

2.8K 60 17
                                    

Annalise Athena Macardi

"Sir, please let me talk to her."

"No! Nakita mo ba ang nangyari sa anak ko, Mr. Saavedra? Because of you she almost lost her sanity!"

'Yan ang unang narinig ko nang magkaroon ako ng malay. Narito pa rin ako sa Hospital. Naka higa sa hospital bed at dahan dahang iminumulat ang mga mata.

"Sir, Annalise and I need to talk. Hindi po siya magiging maayos kapag pinabayaan lang natin. This is between me and your daughter. Annalise lost her memories for four long years and as a man who care for her, I want to clear everything and give her the peace of mind that she deserve." Narinig kong sabi ni Frenan.

Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan nila at nakita kong nag-uusap sila ni Daddy. Parehong seryoso ang mga mukha nila at tila galit si Daddy kay Frenan.

"Sir please, I want to set her free. Ayokong makulong siya sa nakaraan," dagdag pa niya.

"Dad," tawag ko sa ama at pareho naman silang napatingin sa akin.

"Annalise, anak!" nag madali si Daddy na pumunta sa kama ko at hinawakan at hinaplos niya ang buhok ko.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo?" tanong niya at umiling lang ako.

"Dad,"

"Yes, anak?" agad na tugon ni Daddy.

"I want to talk to Frenan." Nag bago ang ekspresyon ng mukha ni daddy kaya agad kong sinundan ang sinabi.

"Please, dad." Paki-usap ko pa at napuntong hininga siya bago tumango.

Nag lakad si Daddy palapit sa pintuan at nakita kong nandoon pa rin si Frenan. Nag hihintay at bakas ang awa at sakit sa mga mata.

"She wants to talk to you. Please, be gentle to my daughter. Set her free, Saavedra." Malungkot ang boses na tugon ni Daddy.

Tila may humaplos sa puso ko nang makita ang pag pipigil ng luha ni Daddy.


"I'll be waiting, anak. Sa labas lang si Daddy," nginitian ako ni daddy at gano'n rin ang ginawa ko.

Pumasok si Frenan sa kwarto ko at umupo sa tabi ng kama ko. Dahan dahan rin akong umupo sa kama ko at ngitian siya ng bahagya.

"Hey," malungkot ang ngiting bati ko.

"How are you?" paunang tanong ni Frenan.

"I'm fine."

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin pero hindi ako nakaramdam ng awkwardness.

"I'm sorry," basag niya sa katahimikan.

"Why are you saying sorry?" malumanay na tanong ko habang naka tingin sa kaniya.


"I'm sorry for believing that letter." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.


"What letter?" tanong ko at may inilabas na papel si Frenan sa bulsa niya.

"Your brother Rushian gave this to me one week before you woke up in the Hospital," he smiled sadly at me and handed me the letter. "I always bring that letter with me, hoping that I would see you again and ask you about it."

Binasa ko ang laman ng sulat at namuo ang mga luha ko.

How could they wrote this letter? I can't imagine how hurt he is.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon