Annalise Athena Macardi
Napahinto si Marian sa tabi ko at tinignan ang tinitignan ko. Halos mabuwal siya sa kanyang kinalalagyan ng makita ang mga galit kong kapatid.
"Annalise..." nanginig ang boses ni Marian at napahawak sa akin dahil alam niya kung anong aabutin ko sa bahay.
"I will be fine, Marian. Umuwi ka na, okay. Keep safe." paalam ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"S-sasama nalang ako sa'yo!" determenadong aniya.
"What's happening?" napalingon kami ni Marian kay Frenan nang tumabi ito sa amin.
"Si Annalise... baka saktan siya... Kuya niya sila." hindi malaman ni Marian kung paano bubuuin ang kanyang salita kaya putol-putol ito. Tinignan ni Frenan ang itinuro ni Marian at umigting ang kanyang panga.
"Do you want me to just give you a ride?" nag-aalala ang tinig niya ngunit galit ang mga mata niya.
"I-its fine! Umuwi na kayo." ngumiti ako sa kanila upang maibsan ang kanilang pag-aalala ngunit hindi 'yun tumalab.
"Stop faking a smile, Athena." puno ng pag-aalalang ani Frenan.
"Just go. Wala na tayong magagawa. You both know that." yumuko ako at nakita ko ng papalapit ang mga kapatid ko.
"Please, umalis na kayo. Ayokong madamay kayo." pag-mamakaawa ko.
"Annalise, ayoko," naiiyak na ani Marian. "Kasalanan ko naman 'to eh. Inaya kita kaya dapat kasama mo ako!" pag pupumilit niya.
"It's my choice, Marian. Please, umalis na kayo. I will be fine." sabi ko at nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Nang hindi sila gumalaw ay ako na ang kumalas sa hawak ni Marian at sinalubong ang mga kapatid ko.
Marahas akong hinawakan ng kapatid ko sa palapulsuhan at hinatak sa kotse. Narinig ko pa ang nanginginig na boses ni Marian ngunit hindi ko na nalingon.
"Kuya..." naiiyak na tawag ko.
"Who told you to went to that Island, huh?!" sigaw ni kuya Rushian ng makasakay kami sa kotse.
"Ng dahil sa'yo napahirapan nanaman kami! You should be doing your job in the company, pero anong ginawa mo? Nag bulakbol ka at nang lalaki! Anong klaseng anak ka!" nanginig ako sa takot dahil sa boses ni Kuya Ravern.
"Hintayin mong maka-uwi tayo at si Daddy ang kakaharapin mo." malamig na ani Kuya Rushian na siyang nagpa tulo sa mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na 'yun dahil namayagi ang takot at pag-aalala sa puso ko. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko lalo na ng makita kong malapit na kami sa aming bahay.
"Baba." utos ni Kuya Ravern at nanginginig ang tuhod na bumaba ako.
Nang pumasok kami sa bahay ay sampal agad ang sumalubong sa akin.
"Go to the library!" sigaw ni Daddy at hindi naman makaimik si Mommy at tahimik na kinaawaan ako.
Umiiyak na umakyat akong library at ng dumating si Daddy ay ginawaran nanaman ako ng sampal.
"Sinong nag sabi sa'yong pwede kang sumama sa Islang iyon, ha!" sigaw niya.
"Alam mong ayokong lumalabas ka! Ang gusto ko mag-aral ka at tumulong sa kompanya! Wala kang karapatang mag-saya dahil wala ka pang maipag mamalaki!" iyak lang ako ng iyak dahil sa masasakita na salita niyang bumabaon sa aking dibdib.
![](https://img.wattpad.com/cover/240922264-288-k470603.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]
RomanceWARNING! SPG| MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK! Kainuyan Island Series #2 (Completed) Annalise Athena Marcadi is a beautiful and fine lady. Her family is one of the most successful family around Asia. Annalise is engaged to Frenan Lucas Saavedr...