Annalise Athena Macardi
Pag sapit ng umaga ay sobrang sakit ng ulo ko at naabutan kong tulog na tulog pa ang mga kasama ko sa kwarto. Lumabas ako sa teresa ng aming silid at dinama ang init sa aking mukha. Nakita ko naman ang iba na masaya ng naliligo sa dagat kaya naman nag desisyon na rin akong bumaba at ang nag baba-kasakaling matatanggal ang sakit ng ulo ko.
"Athena!" tawag ng isang pamilyar na tinig. Humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"How did you know my second name?" sabi ko na ikinatawa niya.
"Kahapon pa kita tinatawag na 'Athena' ngayon ka lang umangal." sabi niya at bumunghalit ng tawa.
"Anong nakakatawa?" tinaasan ko siya ng kilay at tumikhim naman siya.
"Kasi late reaction ka. Or sadyang lasing ka lang talaga kahapon?" itinaas taas niya ang kilay niya habang may mapang-asar na ngiti.
"Tigil-tigilan mo ako," inis na sabi ko.
"Ang panget mo palang umiyak." bahagya akong nahiya sa sinabi niya kaya naman tinalikuran ko siya at pumikit ng mariin.
"Tumigil ka riyan!" naiinis na angil ko.
"Cry baby ka pala, Athena. Tsk tsk. 'Wag kang mag-alala, ako ang crying shoulder mo sa twing umiiyak ka." seryoso ang boses na aniya. Nilingon ko siya upang tignan kung seryoso talaga siya ngunit nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong sugurin siya at hampasin sa braso.
"Nakakaasar ka!" sabi ko habang hinahampas siya.
"Ouch! Athena, enough! Enough!" awat niya habang tumatawa at sinasangga ang mga hampas ko.
"Ayoko na sa'yo! Nakakaasar ka!" sabi ko at nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at ipinirmi sa kanyang dibdib sabay hila sa akin papalapit sa kanya.
"Don't say that," seryosong aniya.
"W-what are you doing?" utal na sabi ko.
"Bakit ayaw mo na sa'kin? I didn't do anything wrong." titig na titig siya sa akin at dahilan iyon upang kabahan ako.
"Frenan..." kabadong sabi ko. Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin at hindi ko na alam ang gagawin ko.
"You're blushing!" sabi niya saka bumunghalit ng tawa.
"Argh! I hate you!" hinampas ko pa siyang muli bago ako tumakbo papalayo sa kanya. Rinig na rinig ko pa ang tawa niya at ang loko, halos hindi na makahinga!
Tinanggal ko ang cover na nakabalot sa katawan ko at tumambad ang pulang bikini na suot ko at narinig ko namang may sumipol sa likuran ko.
"Hi." sabi ng isang lalaking napadaan.
"What's your name?" tanong niya pa ngunit hindi ko siya pinansin.
"Miss, wait!" hinawakan niya ang braso ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Don't touch me," malamig na ani ko.
"I just want to know your name," maloko ang ngiti niya kaya naman pumiglas ako sa hawak niya.
"Let go!" naiinis na sabi ko. Hindi pa rin ako binitawan ng lalaki kaya naman mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Bitawan mo ko. Kung hindi, sisigaw ako rito!" pag babanta ko ngunit hindi siya na tinag.
![](https://img.wattpad.com/cover/240922264-288-k470603.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]
RomansaWARNING! SPG| MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK! Kainuyan Island Series #2 (Completed) Annalise Athena Marcadi is a beautiful and fine lady. Her family is one of the most successful family around Asia. Annalise is engaged to Frenan Lucas Saavedr...