Chapter 17 Internship 2

2.4K 56 4
                                    

Annalise Athena Macardi

The day of Internship came and Marian and I decided to just meet in the Hospital. I was a bit nervous but excited at the same time. Hindi ko alam kung paaanong itatago ang excitement ko dahil napakalawak talaga ng ngiti ko.

"Take care, Annalise." paalam ni Mommy at hinintay na makaalis ang sasakyang kinalululanan ko bago siya tumalikod at pumasok sa bahay.

Pag-dating sa Hospital ay agad akong lumabas sa kotse at dumeretso sa area kung saan sinabihan kaming mag gather.

"Annalise, here!" nakataas ang kamay na tawag ni Marian sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Kinakabahan ako!" bakas sa mukha niya ang kaba kaya napa ngisi ako.

"Ako rin naman, pero we should enjoy." tumango siya sa sinabi ko at agad na humarap sa harapan nang makarinig ng boses.

"Good morning everyone. I am Doctor Nathan Dondiego. Welcome to TrustyMed Hospital."

Umugong ang palakpakan mula sa aming mga intern at ang iba naman ay walang hiyang pinag-usapan si Doc Dondiego.

"Napaka-kisig naman ni Doc! Ilang taon na kaya siya?" bulong ng katabi ko sa akin. Tinignan ko lang siya at agad namang nawala ang ngiti niya dahil siguro sa intimidating na aura ko.

"Gusto ko hawakan ang mga braso niya!" mahinang nag tilian ang dalawang intern na galing sa ibang school at mukhang napansin iyon ni Doc.

"What's happening? Bakit kayo tumili?" may pagka-strikto ang mukha ni Doc ngunit hindi natinig ang dalawa.

"Wala lang po, Doc. Nakakita lang kami ng magandang tanawin." tila nananaginip nang gising na aniya.

"Well then, let's continue."

Ipinagpatuloy ni Doc ang sinasabi niya at doon ko nalang itinuon ang aking attention. Nang matapos si Doc mag salita ay umalis na siya at hinayaan ang Head Nurse ng Hospital ang mag salita para sa gagawin namin.

"For now, we'll be having orientation and I will give you a booklet guide."

Matapos mag salita ng Head Nurse ng Hospital ay pinapunta nila kami sa isang hall. Doon kami nag tipon lahat ng Interns at nag simula na ang orientation. Pareho kaming focus sa pakikinig ni Marian dahil importante ang orientation na ito.

The orientation lasted for two days at nang sumapit ang araw na kung saan ay malalagay na kami sa designated wards namin ay halos hindi magkanda ugaga ang puso ko sa pag pintig.

"This is it! We can do this!" ani Marian bago kami pumasok sa loob.

Sa Pediatrics Ward ako na assign samantalang sa Maternity Ward si Marian. Pag pasok namin sa loob ay agad na kaming dumeretso sa aming kakalagyanan at sinimulan na ang trabaho.

Sa bawat ward ay may mga nag susupervise sa amin. Si Nurse Kim ang sa Pediatrics ward at masasabi kong sobrang bait niya. Hindi siya nag kulang sa pag guide sa amin at sa pag tuturo ng dapat naming gawin. Bumibisita naman ang Head Nurse sa bawat ward upang tignan kung ano ang performance namin. Madalas niya rin kaming e-guide at e turo ang mga bagay bagay na kailangan naming gawin.

"Ms. Macardi, please feed Zione. Sa room 106." utos ni Nurse Kim na agad kong sinunod.

Kinuha ko ang food na para kay Zione at dumeretso sa kanyang silid.

"Hello, Zione. Time to eat." sabi ko ng nakangiti ngunit nakasimangot lamang ang bata.

"I don't want to eat. I want my mom." malamig na aniya.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon