ch.4: Sunday

9.4K 303 5
                                    

(A/N HELLO SAINYO PLEAS DON'T COPY MY STORY AND DON'T UPLOAD TO OTHER SITE AT KUNG MAY NAKITA KAYO NA NAG COPY NUNG STORY NA TO PLEAS CHAT ME AND INFORM ME.. THANK YOU)


Akiro pov

Linggo na ngayon at dahil wala naman kaninang umaga yung xeiver na yun hindi ako nahirapan umalis nang bahay.

Pakiramdam ko kasi kailangan bawat galaw ko alam niya... Ano ako babae? Kaya kong protektahan ang sarili ko

12:16 pm na pala at nandito kami ngayon sa arcade.

Hindi ko alam kung bat kami nandito pero ito yung gusto nila puntahan.

"Hoy pre.. padamihan tayo nang ma shoot!" Aya ni gerald at binigyan niya kami nang tig iisang token.

Mga bobo ako pa talaga ang hinamon.

Kaagad kami puwesto sa mga basketball ring at nag umpisa na namin ihulog yung nga coins.

(AFTER A WHILE)

"Gago ang hina niyo naman" pagmamayabang ni felix sabay wagayway nang mga ticket na napalanunan niya.

Isip bata..

"Atlis gwapo" biglang sabi ni emman.

"Tangina mo sa panget mong yan sino nag sabing gwapo ka..?" Pang aasar na tanong naman ni gerald.

"Nanay ko palibhasa walang nagsasabi nun sayo.." ganti din emman kaya napailing na lang ako sa ugali nang dalawa.

Alam naman naming lahat na ako ang pinaka gwapo samin at ako din ang pinipilahan nang mga babae..

"Pakyu" huling nasabi na lang ni gerald.

Tsk mga bobo..

"Bro.. di ka nag kwekwento samin na sa ibang lugar ka na pala nakatira"biglang sabi ni felix at inakbayan ako.

"Hu bakit..?" Takang balik na tanong ko, at yung dalawang ugok naman ay sinabayan na kami sa paglalakad.

"Nung isang araw diba sabay tayo.. sa pag kakaalala ko di ka naman nakatira dun.." paliwanag niya kaya tumango na lang ako.

"Wala lanh trip lang namin lumipat nang bahay" sagot ko at pagtapps nun ay naglakad na kami papunta sa kung saan.

Habang naglalakad kami halos titigan na kami nang lahat nang babae.

Ganun ba ko kagwapo para titigan nila? Hay nako.

"Putangina naman.. ano maglalkad na lang tayo? Nagugutom na ko.." biglang reklamo ni gerald kaya tinignan ko siya.

"Aba gago ka ahh.. ikaw nag aya aya dito tas wala kang plano kung saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Tsk mamaya pa magbubumas yung club kaya kumain na muna tayo" aya niya kaya napa iling na lang ako.

May saltik talaga utak neto..

(MEANWHILE:6:30 PM)

Magagabi na nang mag aya na si gerald na pumunta sa club nila dahil mas enjoy daw pag mga ganung oras.

Nandito na nga pala kami sa club at sobrang ingay at punong puno nang tao ang lugar.

Ang daming nag hahalikan na halos mag hubad na mismo dito.

Ahh ganto pala yung sinasabi niyang enjoy..

"Oy pre gusto mo hard drink?" Tanong ni felix kaya tumango lang ako.

"Tangina mga pre nakikita niyo yun?" Biglang turo ni gerald kaya tinignan naman namin yun.

Nakita namin yung isang babae na halos lumuwa na yung utong sa kakasayaw.

Obsession (BxB) (Mpreg)(COMPLETE)Where stories live. Discover now