Chapter 5 Part 1-SPG!

3.2K 27 6
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Some scenes and words in this chapter isn't suitable for young audiences so please if you are not the person who like kinky scenes, please just skip this chapter. Read at your own risk!

By the way, please vote for my stories and leave your comments and suggestions. Malugod ko pog tinatanggap ang inyong mga suhestiyon at komento. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito nina Orja at Adon.

TRIVIA:

ORJA means slave

ADON means master

Enjoy reading their kinky love story!

********************************************

Napabalikwas ng bangon si Ja ng marinig na nagri-ring ang kaniyang cellphone, napaungol siya ng maramdaman ang pag-ikot ng kaniyang paningin at kumirot ang kaniyang ulo. Kinapa niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bedside table at sinagot iyon ng hindi na tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"hello?",pupungas-pungas pa niyang sagot.

"Magkwento ka, bilis!", tili ng kaibigan sa kabilang linya.

Nailayo naman niya saglit ang telepono sa sobrang lakas ng tili nito.

Napakaaga namang mang-istorbo ng babaeng ito, napapangiting saad ng isip niya na dahan-dahang bumangon.

Napatda siya sa kinauupuan ng mapansing hindi pamilyar ang kwartong kinalulunan niya. Napahinto siya at napalinga-llinga sa paligid bago muling inilapit ang cellphone sa tenga niya.

"I'll call you back later", at dali-dali niyang inayos ang sarili at kinuha ang bag na nasa couch ng kwarto.

Napatda siya ng muling mabistahan ang kwartong kinarorooonan niya.

Kaninong kwarto to?! At sinong hombre ang sinamahan ko kagabi?

Nakatulala niyang tanong sa sarili na hindi pa rin makapaniwala na nasa isang napakalaking kwarto siya, mas malaki pa ata ang kwartong iyon sa apartment na tinutuluyan niya dito sa Maynila.

The apartment is an airy, ground-floor duplex, with a spacious living room, floor-to-ceiling windows, ; upholstered floral sofas, armchairs, a built-in bookcase, and a large television screen. The walls were rainbowed with colourful paintings.

"Done checking my room?", mabilis siyang napalingon sa nagsalita sa likod niya.

"Shi---", napamura siya sa sobrang kabiglaanan ngunit hindi itinuloy ng maalala na isa pa rin siyang guro.

Napahalakhak ang lalake sa naging reaksiyon niya.

"What am I doing here? Did we..did we..you kn-know..?", hindi niya alam kung paano sasabihin at itatanong dito ang bagay na iyon.

"no..don't worry Ja, we didn't do it", she saw a glint of smile in her face;halatang pinipigilan lang nito iyon.

Siguro hindi ka ganoon ka-attractive para patulan niya, bigla siyang nalungkot sa naisip.

Baliw k aba? Were you hoping n asana may nangyari sa inyo ng estrangherong ito?, galit naman sa kaniya ng isang bahagi ng isip niya.

Napatuwid siya ng tayo ng marinig ang pagtikhim nito npara makuha ang atensiyon niya.

"Dumating na ang ini-order kong breakfast para sa'tin, let's go", yaya sa kaniya ng lalake sabay hawak sa kamay niya para igiya siya palabas ng kwarto nito.

Kagyat siya napaigtad ng maramdaman ang kuryenteng dumaloy mula sa mga kamay nilang magkahawak patungo sa kanyang puso.

Nang tingnan naman niya ang binata ay parang wala itong naramdaman kaya't binaleawala niya iyon.

Slave to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon