Part 18

20 0 0
                                    


3rd person POV

buhat buhat ni ethan si nadine hanggang makarating sa unit nito, nasa harap na sila ng pinto at nakatayo.. "uhmmm" ani nadine, "what?" balik tanong naman ni ethan, "ummm, pwede na siguro ako maglakad simula dito, para din makapag password ka na sa door." aniya ng nahihira, binitawan naman siya agad ni ethan "sabi ko nga hehe" anito saka nag pindot sa door. 

pagpasok nila sa loob, nagmasid agad si nadine.. "uhm.. nandun yung kitchen, cr dito sa kanan and kwarto nandun sa left," pag tuturo ni ethan dito saka naupo sa sofa.. "salamat ha." anito saka naupo na din.. "wala naman ako choice, kung iiwan kita dun tapos ma murder ka, konsensya ko pa." natatawa nitong sabi, sinimangutan lang siya ni nadine, "hmm yabang ka talaga.. " saka niya ito inisnaban, 

"haha joke lang.. " pagbawi nito saka tumayo na din, "saan ka?" tanong ni nadine, "uhmm.. uuwi?" ..napakunot noo naman si nadine "ha? ito yung bahay mo diba?".. natawa lang si ethan.. " no.. i mean yeah this is my house, pero since nandito ka hindi naman pwede na dito din ako mag stay, " paliwanag nito habang nagsusuot ng jacket, "bakit naman?" tanong nito ulit, nilingon siya ni ethan saka nag smile.. "bakit? ano ba tayo? para magsama sa iisang bahay?" .. 

napaisip din si nadine kaya tumango na lang din ito.. "o sige na aalis nako.." paalam ni ethan pero pinigilan siya ni nadine.. "eh teka teka.." anito, "ano nanaman?" inis na sabi ni ethan "eh san ka ba uuwi?" tanong nito, "kailangan mo pa ba malaman?" inis na sagot nito saka akmang aalis pero pinigilan ulit siya nito.. "what now?" .. "sabihin mo na para di ako mag alala!" inis na din niya na sabi.. napahinto saglit si ethan saka nilingon si nadine, tinitigan niya muna ito ng mga ilang segundo saka sumagot " sa bahay namin." maikli niyang sabi saka tuluyan ng lumabas.

"tss. dun lang pala eh, ayaw pa sabihin agad.." masungit na bulong nito saka naupo ulit sa sofa, nakita niya yung paper bag na binigay sakanya ni ethan.. " ano kaya ito, " curious niya na tanong.. nakita niya doon ang pair na pantulog at toothbrush and shampoo. "wow ah.. infairness ethan, " anito na medyo natutuwa.. "not bad." dagdag pa niya.

NADINE POV

Naligo agad ako to freshen up. cute din ng pantulog na to ah color pink na my giraffe na drawings hehe.. habang busy ako sa pagpunas ng buhok ko, pumasok na ko sa kwarto, namangha ako sa linis ng kwarto niya, yung kulay black and white lang, Lalaking lalaki!, napansin ko din yung picture sa side table niya , family picture nila nung bata pa siya.. "cute!" aniko saka pinindot yung mukha niya sa picture. 

ang dami niya din books.. kaya nagtingin ako ng mga pwedeng mabasa.. then after hindi ko na namalayan na nakatulog na ako..

kinabukasan

3rd Person POV

pupungas pungas na bumangon si nadine halatang antok pa ito, palabas palang siya ng pinto ng kwarto ay sinalubong siya ni ethan, nanlaki ang mga mata nito at narealize niya na nakatapis lang ito ng tuwalya galing sa banyo at bagong ligo ito.. pinikit pikit niya pa yung mata niya dahil baka nananaginip lang ito pero.. "morning.." maiksing bati ni ethan na nagpa gising sa kanya,, "aaaah!" sigaw nito.. "hoy! bakit ka sumisigaw." nabibinging sabi ni ethan, saka nagtakip ito ng mata niya "bakit ka nandito" .. saka nagtakip ng mukha "ha? eh malamang bahay ko 'to noh, " paliwanag naman ni ethan habang nagpupunas ng ulo niya, nakapamewang itong pinagmasdan si nadine sa pagiging innocent nito, he smirked.. saka hinawakan si nadine sa balikat at dahan dahan tinulak palabas sa kwarto,.

"diyan ka muna magbibihis ako," aniya saka sinara yung pinto.. napasimangot naman si nadine saka tumungo nalang sa kusino, nauhaw siya bigla.

"hmmmmm..ano kaya masarap i-almusal.." bulong nito habang nag iinventory ng mga stocks na pagkain ni ethan sa ref at sa pantry.. "magluto kaya ako?" tanong nito sa sarili, "tama, hehe" agad naman siya kumuha ng mga ingredients at nagumpisa na mag luto..

Marrying Ms. Annoying (ONS II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon