Part 4

170 7 0
                                    

“and what are you doing here?” galit na bulalas ko. Ang aga aga nandito siya sa harap ng kumpanya namin.

Agad naman siyang napatayo ng Makita ako at agad na lumapit “mangungutang ako. Please?” sabi niya saka akmang luluhod sa harap ko.

“hey. Stop it. Para kang tanga.” Aniko. Bakit ba ako nakikipag usap dito sa babaeng to? Matapos akong iwan kagabi eh ngayon lalapit lapit siya?

“at bakit naman kita pauutangin? May pambayad kaba?” nagmamataas kong sabi saka pumamewang.

Umayos muna ito sa pagkakatayo saka nag pout. “ uhm pag nakahanap na ako ng trabaho unang sweldo ko sayo ko ibibigay. Promise”

Tinignan ko muna siya ng mabuti ano ba kasing pumasok sa kokote ng babaeng ito at ditto pa naisipan maghanap ng trabaho sa manila? Tss aga aga eh.

Bumuntong hininga muna ako saka napahawak sa ulo ko “ fine. But we’ll talk about it later I have a lot of things to do okay? Bumalik ka nalang.” Aniko saka tuluyan ng pumasok sa building

Dahil nasa 4th fl rang office ko napahinto pa ako sa elevator.  Nakita ko si Stephen my bestfriend. Anak siya ni tito tim isa sa mga malalapit na kaibigan ni dad para na din silang pamilya sa amin.  Mas pogi nga lang ako ditto siyempre villafrancia eh hahaha

“yow. Morning aga aga naka kunot yan noo mo.” Sabi niya agad sa akin ng makalapit na siya sa kinatatayuan ko.

Tinaasan ko lang siya ng dalawang kilay bilang sagot.

“any updates about sa binibili nating mga properties?” bigla kong tanong siya kasi nakatoka sa mga properties na pwede pa naming mabili para tayuan ng ibang br. Ng business namin.

Humalukipkip muna ito. “ yes. Sa isabela meron isa malapit na marimata. Sure na sa atin bagsak nun.” Kampante niyang sabi.

“good then” aniko saka tatango tango. Agad naman na kami sumakay din sa nagbukas na elevator.

Pagdating sa 4th floor ako lang ang bumababa dahil may meeting daw siya sa 7th. Haha, busy siya ako

hindi. Joke. Mas pogi kasi ako. lol

dere derecho lang ako pumasok sa opisina ko tinanguan ko lang yung napakaganda kong sekretarya kasi binati niya ako eh.  Kindatan ko pa sana kaya lang wag nalang hehe.

Hindi naman din kasi maipagkakaila na maraming gusto akong maakit ditto sa mga empleyado palang eh. Pero hindi ko sila binibigyan pansin. Baka malagot ako kay dad. Sayang hot pa naman yung iba naming mga empleyado na may gusto sa akin. Tsktsk hay buhay!

Well mukhang bumabalik nanaman ako sa pagiging chicboy ko ha. Mag 1 week na din ng maghiwalay kami ni Courtney.  Napailing nalang ako ng bigla kong maalala yung pangalan niya.

Naupo naman na agad ako sa swivel chair ko ang nagumpisa ng magtrabaho.

Nadine pov

Ugh. Saan ako pupunta ngayon? Mamaya pa daw ako pauutangin ni kuyang pogi. Hay! Wala naman iba matambayan dito.

Tumayo na ako sa inuupuan ko kanina pa. napagpasyahan kong maglakad lakad muna. Medyo nagugutom na din ako. Kagabi pa yung huling kain ko. Tss ililibre niya kaya ako ulit mamayang lunch? Hay!

Sa kakaiisip ko hindi ko alam na may nabunggo nap ala ako napaupo ako sa sahig ng wala sa oras

“ouch ha. Bulag?” aniko habang dahan dahang tumatayo.

“sorry miss.” Ani ng boses nakita ko nalang yung paglahad niya ng kamay sa akin agad ko naman sinundan ng tingin yung mukha yung mukha niya kung sino man siya.

Marrying Ms. Annoying (ONS II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon