Part 7

158 6 2
                                    

Kristine Pov

Its nice to be back. Magkahawak kamay kami ni hubby na pumasok sa mansion. Kakarating lang namin nakakamiss lang.

“im gotta go upstairs to change. See you guys in a min!” paalam ng babaeng anak ko na si Jessie parang kalian lang..

Napabuntong hinga muna ako saka ako hinarap ni james sakanya

“I know you treasure this place. Ang dami natin memories dito right?” nakangiti niyang sabi sa akin saka ako hinalikan sa noo.

“yeah. “saka ako yumakap ng mahigpit kay james

Umakyat na din kami sa kwarto naming para ayusin ang mga gamit at magpalit na din ng damit.

Ethan Pov

7pm na ng makarating ako sa mansion natraffic pa ako leche. Nakakabadtrip kanina pa sana ako dito eh kung hindi lang din sa babaeng mikropono na yun.

Flashback

“tapos na kayo sir?” tanong niya sa akin ng makalapit na siya sa table ko

Tumango lang ako saka nagpunas sa bibig. “magkano?” aniko

Saka inabot sa akin yung bill. 250? Not bad. Saka kinuha yung 500 pesos sa wallet ko at inabot sakanya.

“ah sige po wait lang sa sukli.” Aniya saka akmang aalis na sa kinatatayuan niya

“no need. Keep the change” pormal kong sabi saka tumayo na.

“ay hindi po pwede wait lang.” aniya naman saka dumeresto doon sa cashier.

Nakapamewang akong hinintay siya agad naman na siyang nakabalik.

“ito nap o sukli niyo.” Magalang niyang sabi.

‘thanks.” Inabot ko nalang iyon saka kinuha ang coat ko na nakasabit sa sandalan ng upuan at isinuot

Napansin ko siya na parang may gusto sabihin dahil hindi pa ito umaalis sa harap ko at balisa siya.

“what?” tanong ko

“uhm kasi..” aniya na nauutal

“spill it.” Aniko

“baka matagalan pa kita bayaran dahil.. “ hindi nanaman niya natuloy yung sasabihin niya tss

“kasi?” pagdudugtong ko naiinip na ako ano ba gusto niyang iparating

“si nanay kasi sinugod sa ospital. Yung inutang ko na 50k mukhang ayun ang magagamit ko para kay inay. Pero babayaran naman kita eh. “ pagkwento niya

“okay.” Pag sang ayon ko nalang. Hindi namna big deal sa akin yun “wait. Pano yung lupa niyo?” pahabol ko

“yun na nga eh.uutang pa sana ako ulit sayo.” Nahihiya niyang sabi.

What? Baka malubog na siya ng utang sa akin. Tss

“wait. Mababayaran mo pa ba ako? Lalo na at dito ka lang nagtatrabaho?”

“mag iipon ako. Kung kinakailangan na hindi na ako kumain para di gumastos gagawin ko.” Pagmamakaaawa niyan

Napabuntong hinga muna ako saka tumango “fine. Tomorrow in my office.” Aniko saka umalis na.

“thanks.” Rinig kong sigaw niya

Kakalabas ko lang ng kainan ng nakaramdam ako ng umay tss. Naisipan ko muna na bumili ng yosi sa tabi.

Marrying Ms. Annoying (ONS II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon