3rd Person Pov
Mag 9pm na ng magpasyang umalis ng bar si Ethan. Medyo lasing na din ito pero nagawa niya pang sumakay sa kotse niya.
Agad naman niya itong pinaandar ng mabilis.
Hindi kalayuan bumagal na din yung pagpapatakbo niya sa sasakyan niya pero biglang may humarang sakanyang kotse kaya napahinto iton.
Medyo inaantok na siya pero lumabas pa siya ng kotse para komprantahin yung humarang sa daan.
“look who’s here” ani ng lalaki na naka black na jacket pagkalabas sa kotse. Sumunod naman na lumabas yung dalawa pa niyang kasama na nakaupo sa passenger seat.
“Mr. Villafrancia.” Ani ng isa saka humalukipkip.
Inaninag ni ethan kung sino yung mga iyon. Pero isa lang ang nakilala niya doon. Yun yung lalaking kasama ni Courtney kanina. Yung lalaking nakajacket na black.
“tss. Ano bang problema nyo? Kayo ba may ari ng kalsada? Tumabi nga kayo!” mayabang na sabi ni Nathan saka akmang sasakay na ulit sa kotse niya pero hindi iyon natuloy dahil agad siyang sinuntok ng lalaking nakajcaket.
Napatumba lang ito sa tabi ng kotse niya. Babangon na sana siya ng kwelyuhan si ulit nito.
“wag na wag ka ng lalapit sa girlfriend ko!” galit nitong sabi kay ethan.
Natawa si ethan “ girlfriend mo? Kelan pa dude?” pang aasar niya.
Saka sinuntok ulit siya nito sa tiyan dahilan kung bakit napaluhod ito sa harap ng lalaki.“ gago! Matagal na. niloloko ka lang niya.” Ani nung lalaki.
Nawalan na ng gana si ethan na tumayo sa mga narinig.
“kaya distansya na dude. “ pahabol pa nito.
Nakayuko lang si ethan sa sahig hanggang sa nakaalis na yung mga lalaki sakay ng kanilang kotse.
Sa sobrang pagkakalasing at medyo hilo dahil sa suntok na kanyang natamo ay nawalan nalang siya ng malay.
Kinabukasan
Ethan pov
Nagising ako sa sobrang sakit ng panga ko agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil kumirot ito.
Medyo Malabo pa yung paningin ko kaya pupungas pungas akong bumangon. Saka ko lang narealized na wala pala ako sa kama ko nasa ibang bahay ako.
“uy buti naman gising kana!” biglang bungad naman sa akin ng babaeng akala mo nakalunok ng microphone sa lakas ng boses.
“nasaan ako?” tanong ko habang iniinda ang sakit sa ulo ay bumangon na ako sa aking hinihigaan,
“nasa heaven kana. Isa akong anghel bulag kaba? nasa bahay kita!” sarcastic na sagot ng babae. Tss anghel? Baka nasa hell na ako. Hindi naman siya mukhang anghel mukha kaya siyang alagad ni satan. Tss
“uh yeah,” aniko saka akmang tatayo.
“wait saan ka pupunta?” pagpigil niya sa akin. “hindi pa magaling yung sugat mo gamutin muna natin” yaya niya saka ako hinila pabalik sa higaan
“no need. Marunong naman ako maggamot noh. Doon nalang ako sa bahay “ suplado kong sabi saka tumayo ulit
“ang sungit mo naman hindi ka naman gwapo.” Bulong niya pero rinig na rinig ko. Lakas nga kasi ng boses eh. Kaya kahit bulong niya parang normal na salita lang ng tao na nakikipagkwentuhah na sapat na para marinig ng sampung tao.
“what did you say?” nilingon ko siya ng magkasalubong ang kilay
“ha? Na hindi ka gwapo? “ tss inulit niya nga. Babaeng to!
BINABASA MO ANG
Marrying Ms. Annoying (ONS II)
ChickLitLOVE is finding that special someone you want to annoy for the REST OF YOUR LIFE. :) <3