3rd person Pov
“Hi, its you again.” Bati ng lalaki na lumapit kay Nadine.
“uh. Hi? Hi me? Hi din.” Kabadong sagot naman ni Nadine. Para na siyang naestatwa doon sa harap ng opisina ni Ethan at hindi na siya makagalaw.
“what are you doing here anyway?” nakangiti nitong tanong.
Napalunok ng laway muna si Nadine bago sumagot “ uhm. Umutang?” hindi sigurado niyang sabi,
Napakunot noo naman ang lalaking kaharap niya habang nakapamulsa “umutang? Kanino? Kay Mr. Villafrancia?”
“oo. Sakanya nga. Hehe” nahihiya nitong sabi. “ugh sige una na ako “ agad naman nitong pagpapaalam.
Tumango nalang yung lalaki saka agad na umalis si Nadine.
Pailing iling itong nakingiti habang tinitignan na paalis si Nadine.
Agad namna na siyang nakabalik sa ulirat kaya derechong pumasok nalang siya sa opis ni ethan
“yow.” Agad nitong bati pagpasok nito.
Nakita niya si ethan na busy sa kabubulatlat ng mga papers na nasa lamesa nito at nakakunot noo. Halatang kinacareer ang kanyang trabaho.
Tumango lang ito ng mapansin si Stephen na naupo sa sofa niya sa mini sala.
“what do you want? Wala kabang trabaho?” masungit na bungad naman sakanya ni ethan.
“bakit ang suplado mo? Inaway kaba ng chix mo?” nakangiting puna naman ni Stephen
Napatigil naman sa ginagawa si ethan saka nilingon sa gilid si Stephen na ngayon ay ngiting aso na.
“what? Chix? Ako may chix? “ parang hindi makapaniwala nitong sabi.
“deny pa. hindi ka magaling na artista.” Anito saka tumayo at lumapit sa table ni ethan na nakapamulsa.
“I saw her. Kanina lang kakalabas lang galling sa opisina mo.” Stephen
“sino?” nagtataka nitong tanong. Agad naman nanlaki ang mga mata niya ng maiisip ang babaeng tinutukoy niya ay si Nadine.
“ah. Great. She’s not my girl and literally not my type. You know me.” Saka ito nagpoker face.
‘ha ha! “ fake na tawa naman ni Stephen saka naupo sa harap ng mesa ni ethan
“ah, so totoo pala yung sinasabi niyang nangutang siya sayo?” napataas na kilay niya.
“wait. You guys talked?”
“yeah. Kaninang umaga nakita ko na siya sa harap ng building. And the 2nd time sa harap ng opisina mo.”
Napailing nalang si ethan saka bumalik sa ginagawa “yeah. Pinautang ko nga siya. Don’t worry sarili ko yun pera hindi iyon galling sa kumpanya.” Paliwanag ni ethan habang tutok sa mga papers.
“she’s beautiful though.” Bigla naman singit ni Stephen
Napatango nalang si ethan sa sinabi ni Stephen. “you like her?” he added.
Ethan laughed from the bottom of his heart. “ are you serious? Dude. As I’ve said earlier she’s not my type. “ aniya
“really ha? Fine. So what’s her name?” tanong ulit ni Stephen.
Napangiti naman ng nakakaloko si ethan kay Stephen “ you like her?” tanong niya.
“nah. Just asking what’s her name. may gusto agad? Cmon! “ nakangiting sagot naman din ni Stephen
BINABASA MO ANG
Marrying Ms. Annoying (ONS II)
ChickLitLOVE is finding that special someone you want to annoy for the REST OF YOUR LIFE. :) <3