Chapter 19

10 0 0
                                    

2months na ang nakakalipas, 2months nadin kami ng babaeng mahal ko. Marami kaming pinag awayan, may mga araw na nasasaktan ko siya, nadadaan lang naman ako sa selos. Kaya nasasaktan ko siya, ayoko na lumalapit siya sa mga lalaki, gusto ko na lagi lang siyang nasa tabi ko. Oo, mahigpit ako sakanya ayoko ng nag susuot siya ng maiksi na damit, ayoko ng gumagala siya, ayoko ng nag ffacebook siya ng di ako nakaopen, ayoko ng nag mumura siya, ayoko ng dumidikit siya sa iba. Mas gusto ko na na ganito ako sakanya kesa naman sa maagaw siya ng iba. Madalas kaming nag aaway, madalas kaming mag break pero nag babalikan din agad, Tuwing monthsarry naming ay lumalabas kami para kumain, o kaya binibigyan ko siya ng gift. Kilala na ako ng mama niya, Minsan nasa kanila ako hanggang 7 or 8 pm. Uwian na ng tanghali, inaya ko si marielle na samin kumain para nadin makilala siya ng mama ko.
“Samin ka kumain, tinext ko na si mama fhel.” Jr. mama niya yung tinext ko.
“Haaaa? Ano sabi nakakahiya ayoko,” Halatang kinakabahan si marielle habang nag sasalita siya.
“Oo daw, pumayag siya. Lakas ko kaya sa mama mo,” Ako. At kinuha ko na ang bag niya.
“Waiiiit, inhale-exhale! Kinakabahan ako, baka magalit mama mo, nag paalam kana ba? Ahh- ahh? Ano? Ano sabi?” Natatawa ako sa reaction ni marielle. Kaya hinila ko na siya.
“Wag kang oa baby. Si mama nga nag sabi saakin na samin ka kumain.” Nang makarating na kami sa gate ay huminto si marielle.
“Wait, mygaaash! Haha” Marielle. Pilit ko siyang hinihila.
“Maaaa! Nandito si marielle.” Sigaw ko. Pumasok na kami sa sala, at nag hain na muna ako sa kusina.

Marielle’s POV

Kila Jr ako kakain, Hiyang hiya ako no! First time to -________- Wala naman na kong magagawa dahil hinila na ako ni jr, kinakabahan ako dahil baka ayaw saakin ng parents niya, o ano pa sabihin nasa harap na kami ng gate nila.. Inayos ko muna ang sarili ko inakap ko ng mahigpit si jr at sinabing ..
“Baby, pag ayaw nila sakin papakamatay nako.” Habang naka akap ako kay jr ay sinabi ko sakanya yan.
“Oa ni baby, tara na kasi sa loob.” Jr.
“Ganda ko naman diba? Ok nako.” Sabi ko kay jr at kinindatan siya. Habang papasok kami sa loob nila ay hinila ko ulit siya.
“Wait. Kinakabahan ako :/ “ Humawak ako sa puso ko dahil feeling ko talaga hinang hina nako.
“Tara na.” Jr. Pumasok na kami sa sala nila, nakita ko ang mama niya na nakahiga sa sofa.
“Ma, si marielle” Jr.
“Ay, sige mag hain kana sa kusina at kumain na kayo” Nakangiti ang mama niya saakin, muka namang mabait at muka namang gusto niya ako.
“Baby wait lang ah? Jan ka muna.” Jr.
“Ihh, ayoko sama ako sayo.” Hawak ko ang kamay niya, muka akong tanga na hinihila siya.
“Haha, baby muka kang tanga” Jr. at tuluyan na siyang umalis.
“Oh, ma. Interviewhin mo muna baka kakilala mo pamilya niyan.” Kuya ni jr. Umupo ang mama at kuya niya sa harap ko.
“Galing talaga pumili ni jr oh, Buti nalang maganda ka. Yung mga dinadala ni jr dito noon ay jusko! Wala ko masabi” Mama niya. Mukang sinasabi nito na ang panget ng mga dinadala ni jr sakanila date. Hahahaha
“San ka nakatira?” Tanong ng kuya niya saakin.
“Sa riles po.” Ako. Kinakabahan ako habang kausap sila pero nakangiti padin ako.
“Ahh, ano pangalan ng mama mo at papa mo?” Mama niya.
“Nasa manila po ang papa ko. Dun po talaga kami nakatira, nag transfer lang po ako dito. Marifel tubio po ang name ng mama ko.” Ako.
“Ma, wag niyo naman takutin si marielle, hahaha”  Jr. at tumawa ng malakas.
“Abnormal ka talaga jr.” Mama niya. “Ah, sige anak, kumain na kayo ni jr dun.” Ahaaay, salamat at nakaalis nako sa sala nila. Sobrang nakakakaba -___-
“Baby, kumain na tayo.” Jr. Habang nilalagyan ako ng rice sa plato ko.
“Baliw ka talaga, iniwan moko dun :(“ Ako. At nag pout.
“Ehhh baby nag handa kasi ako ng pagkain ehh.” Jr. Habang kumakain kami ay nag salita ang kuya niya.
“Sige marielle kain ka lang ng kain, wag ka mahiya dito.” Ang bait naman pala ng pamilya niya.
“Oo nga, mag huhugas ka pagtapos” Jr. At tumawa.
“Ayoko nga.” Pabulong kong sinabi. “Kumain ka ng madami, para naman mag ka laman ka.” Tumawa ako ng mahina.
“Sama ni baby oh, lakas ko nga kumain eh.” Jr. At ngumiti sa harap ko at itinaas baba ang kilay.
“Hahahahaha, di halata.” Tapos na kami kumain  at iniligpit ko na yung mga pinag kainan namin.
“Baby wag na tayo pumasok ngayong tanghali?” Jr.
“La? Baka pagalitan tayo?” Ako.
“Di yan, dito nalang tayo sa bahay. Nuod tayo cd.” Jr.
“Ahhsge.” Mga 1hour na kaming nasa kanila. Maraming nag tanong ng Girlfriend daw ba ako ni jr, at sinasabing nakajackpot nanaman daw si jr. Hahaha :D Swerte nga naman kasi ni jr no, ganda ganda ko eh. Lul Umalis ang kuya niya dahil may trabaho ito, wala din ang papa niya dahil nasa work. Nag paalam naman ang mama niya na aalis muna dahil nga marami din itong ginagawa sa barangay dahil isa itong konsehala. Kaya kaming dalawa nalang ni jr ang natira sa kanila, habang nanunuod kami ni jr ng cd ay nakahiga siya sa leegs ko. At ako naman ay inaayos ang buhok niya.
“Baby, wag ka ngang lumalapit sa mga lalaki.” Jr.
“La? Hindi naman ako lumalapit ahh?”
“Di daw, kanina kay renan.” Jr.
“Hindi naman ehh.”
“Ts, gaslaw mo kasi ehh,” Jr. Umupo siya at tumalikod saakin, mukang galit siya. Napaka moody talaga netong lalaki na to.
“Sorry na?” Ako. At inakap siya mula sa likod niya.
“Wag mokong hawakan.” Jr. nagulat ako dahil inalis niya yung mga kamay ko na naka akap sakanya.
“Hindi ko naman talaga siya kinausap ehh.”
“Wag ka ngang sinungaling! Kaya ayoko mag tiwala sayo ehh. Kahit kitang kita na dinedeny mo pa.” Jr. Parang gusto ko ng umiyak dahil sa sinabi niya saakin.
“Lahat nalang binawal mo.” Ako.
“Ehh anong gusto mo? Payagan pa kita? May boyfriend kana tsk.”Jr. Nagulat ako dahil hinila niya ang braso ko ng mahigpit, sinasaktan nanaman niya ako L Yumuko nalang ako, hindi ko naman siya ma control kapag nagagalit siya.
“Edi dun kana! Ang landi mo!” Jr. sanay nako sa mga sinasabe niya saakin, umalis siya at pumasok sa kwarto nila. Naiwan ako sa sala ng mag isa at umiiyak. Sa mga sinasabi niya ako nasasaktan. Sobrang liit ng tingin niya saakin, bakit ko ba siya sinagot? Hindi ko pa alam totoong ugali niya.  Ibang iba na siya. Ito ako ngayon umiiyak at iniisip kung ano na gagawin ko. Naisip ko na umuwi nalang. 30mins na ako na nasa sala nila kaya tumayo ako, at paalis na sana sakanila.
“San ka pupunta?” Jr. di ko namalayan na lumabas na pala siya sa kwarto.
“Uuwi nako.” Hindi ako nakatingin sakanya, lalabas na ako ng bahay nila ng bigla siyang mag salita.
“Grabe ka, aalis ka agad? Hindi ka talaga marunong mag first move.” Jr. at lumapit saakin.
“Nag sorry ako, pero sinaktan mo lang ako at sinabihan ng malandi.” Lalong tumulo ang mga luha ko. Tumalikod na ako sakanya.
“Halika nga dito!” Hinila niya ang braso ko. At inakap ako.
“Sobra mokong nasaktan.” Habang umiiyak ako sa balikad niya ay unti unting nanghihina ang puso ko.
“Sorry, masyado lang akong over reacting, ayoko lang na nakikita kang lumalapit sa iba, alam mo yan.” Jr. Habang hinihimas ang likod ko para tumigil sa pag-iyak.
“Im sorry” Yan nalang ang mga nasabi ko.
“Wag kanang umalis ah? Sige na, bibili muna ako ng makakain naten. Dito kana muna, wag kang mag papapasok ng panget ah?” Jr. umalis na siya at sinara ko na muna ang gate, Habang hinihintay ko siya ay agad naman siyang bumalik.
“Bat nakasara to? Baby! Buksan mo na yung gate.” Sigaw ni jr.
“Ayoko nga!”
“Hala bakit? Dali na ang init dito.” Jr.
“Sabi mo wag mag papapasok ng panget? Kaya alis na!” Pang aasar ko sakanya.
“Baby naman ehh.”
“Hahahaha, sige na nga.” At binuksan ko na ang gate, pag ka bukas ko ay agad niya akong hinila at inakap ng mahigpit.
“Kahit baliw ka, Mahal na mahal kita. Kahit sinasaktan kita, Mahal na mahal kita.” Jr.
“Ako din naman ehh, kainin na naten yan.” Sabay kuha ng dala niyang pagkain.
“Ang sarap neto no?” Jr. Hahaha, bumili lang naman siya ng chunkee, hindi ako kumakain nun dati dahil matigas, ang hirap kainin. Pero nung natikman ko, ok naman. Ang sarap nga ^_________^
“Oo nga eh, bili kapa nga.” Ako. Habang kumakain kami ay nanunuod kami ng cd, ang saya kase para kaming mag asawa na nasa iisang bahay.
“Baby, from now on, ilalagay nalang naten sa iisang wallet ang pera naten. Atsaka lahat ng problema sasabihin sa isat isa. Hindi pa kase tayo pwede mag karoon ng Atm eh, ahahaha. Simulan naten yung mga pangarap naten sa maliit na bagay. Alam kong magtatagal tayo, ay di pala. Alam kong di na tayo mag kakahiwalay. Kaya mag share na tayo sa isat isa. Ok?” Jr.
“Yea sure. Ok saken yun!” Ako. At inakap ko siya ng may kasamang kiss sa pisngi. ^__________<

When the ICE KING fall inlove. &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon