Chapter 21

18 0 0
                                    

4days na siyang hindi pumapasok dahil sinasabi ko na hindi ako pumapasok at wala ako sa bahay.Ganun din ang sinasagot sakanya ng mga kaibigan ko, walang araw na hindi niya ako tinext ng “ Miss na miss na kita baby, “  Sorry na pls, “nagsisisi nako, “ Mahal kita.” Yan marami pa at puro miscall, 4days nadin akong di nag ttext sakanya, puro practice lang ang ginagawa namen school at sobrang saya dahil free ako sa kahit anong gawin ko. 4pm na at nag practice padin kami ng sayaw. Habang nakaupo kami at ang iba naman ay nag papractice ng sayaw ay nakita naming papalapit si danica at rios saamin at parang merong malaking problema.
“Mariiiiiiiiiiiiiiiielle!” Danica.
“Problema to! Nanjan si jr at mukang papasok dito sa school.” Rios.
“Haaaaaaaaaaaa?!” Hindi ko alam ang gagawin ko, pano niyang nalaman na pumasok ako, lagot ako neto si ace pa naman ang partner ko baka ano pa ang gawin niya kay ace.
“Pano gagawin mo?” Rios. Inihanda ko na ang sarili ko, nakita kong papalapit si jr saamin, sobra akong kinakabahan, bahala na kung ano ang mangyayare.
“Dito lang kami sa tabi mo.” Sila. Nakalapit na siya at nasa harapan ko, halata na umiyak siya, aba! Marunong din pala umiyak to.
“Mag usap tayo.” Jr. mahina niyang sabi at ang nag mamakaawa face. -__-
“Ok guys, balik na. practice na!” Maam roseann.
“Mamaya na, mag practice pa kami.” Ako. At umaslis na, ngunit pinigil niya ako at hinawakan ang kamay ko.
“Sumali ka sa sayaw? Sino partner mo?” Jr.
“Si ace,” Nakita ko sa muka niya ang pagka gulat.
“Ang daming iba jan bat siya pa?”  Jr.
“Siya ang pinili ni maam saakin.”
“Wag kanang sumali, tara na.” Jr.
“Ayoko, nakasali na ako.” Tuluyan na akong umalis, siya naman ay umupo at nanuod nalang samin mag sayaw, kita sa muka niya ang lungkot. After 20mins, Nag pahinga uli kami.
“Baby, sorry na ah?” Parang lumalambot nanaman ang puso ko. Kaya naman pinili ko na patawadin na siya, nakatingin sakin ang mga kabigan ko. At sinabi ko sakanilang Ok na kami ni jr. tumango nalang sila, alam ko na ayaw nila to. Pero wala eh, mahal ko talaga si jr.
“Pls? mag back out kana? Wag kanang sumali jan.” Jr.
“Hindi kase pwede ehh. Sige wait moko ah? Last practice na to.” At iniwan ko siyang muli. Tapos na kaming mag practice at nakita ko na kinausap ni jr si maam. Habang inililigpit ko ang gamit ko ay, bigla akong isinandal ni jr sa pader at hawak ng mahigpit ang aking braso.
“Ikaw pala ang pumili kay ace e! nag sinungaling kapa ah!” Patay nalaman niya. Omoooo O_____O
“Ha? Ehh, wala kasi akong mapili eh.” Hawak padin niya ng mahigpit ang braso ko, napaka moody talaga niya, akala ko ok na pero di pa pala.
“Mahiya ka nga! May bf kana marielle! Tsk, sasapakin ko na talaga yang si ace.” Papalapit na sana siya kila ace, pero inawat ko siya. Kinausap at pinakalma.
“Ginawa ko yun dahil naiines ako sayo.” Ako. At nakayuko.
“Bat siya pa? ts, tindi mo din no?” Jr.
“Hoy charlito! Wag mong saktan si marielle, sige na.” Nagulat ako dahil lumapit pala samin si maam.
“Hindi po ah, kinakausap ko lang. tara na marielle uwi na tayo.” Pag sisinungaling ni jr, habang nasa bilihan kami ng favorite namen na pagkain Flying, ay kinakausap niya ako at minumura. Eto nanaman siya -____- 6pm na, nakauwi na ako sa bahay, umiiyak at nakakulong sa kwarto. Hindi ko na alam anong gagawin ko kay jr. Hindi ko siya tinetext dahil sa mga ginagawa niya saakin. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. At hindi nadin siya pumapasok. 2weeks na ang nakakalipas pero wala, hindi ko na siya nakikita at hindi ko nadin siya tinetext tahimik na ang lahat. Habang nag hihintay kaming dalawa ni rios sa canopy ( 12pm ) ay nagulat kami sa nakita namin si jr O_____O Nalaman nanaman niya pumasok ako. Aalis na sana kami ni rios pero hinayaan nalang naming na lumapit siya, 4 lang kaming nasa canopy 2 4thyear at kaming dalawa ni rios. Tumabi si jr saakin ngunit ako naman ay nakatalikod sa kanya, ayoko na ata talagan makipag balikan, habang nakahawak ako ng mahigpit sa kamay ni rios ay kinausap ako ni jr.
“Baby sorry na talaga. Miss na miss na kita.” Jr. nakita naming ni rios, na magang maga ang kanyang mga mata. At parang pinuno niya ng luha ang buong 2weeks naming di pagkikita. May nag sabi din saakin na laging umiinom at naninigarilyo si jr. Pilit niya akong inihaharap sakanya, nakulitan na ako kaya humarap nako sakanya.
“Sorry na?” Nakangiti niyang sabi, natatawa nalang ako dahil namamaga ang mga mata niya.
“Ayoko.” Ako.
“Luluhod pa ako dito gusto mo? Sasabihin ko pa na iloveyou.” Tiningnan ko lang kung gagawin niya oh hindi, agad naman niya itong ginawa, nagulat ako sa nangyari na iyon O/////O
“Sorry na iloveyou anne marielle tubio.” Sabi niya habang naka luhod, agad ko naman siyang itinayo at hinampas ng mahina sa balikat.
“Patawarin mo na kasi,” sabi nung dalawang 4thyr na kasama namen sa canopy. Tiningnan ko si rios at nginitian ko ito. Ayoko parin talaga siyang kausapin kaya pinilit ko nalang  at nag kunwaring ok na ang lahat. Habang nasa Filipino room kami ay nagsusulat siya sa notebook ng “ Sorry na ahh? “ natatawa nalang ako, pero deep inside parang ayoko na talaga. Kaya naman nung uwian na ay, hindi ako masyadong dumidikit sakanya sinabi ko din na mauuna na akong umuwi, naaawa ako dahil hindi niya alam na fake lang ang pagpapatawad ko sakanya.
( Sa bahay ) Katex ko siya .
Ako: Sorry pero hindi pa kita kayang makasama.
Yan nalang ang last na sinabi ko kay jr, marami siyang texts and miscall pero dinidedma ko nalang ang mga iyon.
Matagal na akong di pumapasok ng school. Kapag pumupunta si jr sa bahay ay ipinasasabi ko sa kapatid ko na wala ako at umalis kasama ang tita ko. Kaya naman umaalis na din siya. Dumating pa ang araw na maghapon siyang nasa bahay, hinihintay niya akong umuwi, grabe natiis niya yon? Ang mga ate ko lang ang kumakausap sakanya, nung hapon na yon nadatnan ko siya na nasa kubo kasama ang isa niyang barkada muka talaga siyang nagsisisi sa mga nagawa niya. Naaawa na ako sakanya kaya naman di ko na natiis, pinatawad ko na siya. Mahal na mahal ko pa talaga siya, yung feeling na kahit ilang beses niya akong saktan ok lang saakin wag lang siyang mawala, alam ko naman na ayaw din nya na nasasaktan niya ako, alam ko naman na nagsisisi din siya kaya ganon. Pumupunta ng bahay, nagttext kila mama at hinahanap ako, nag sosorry sa fb, humihingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Kaya nakikita ko ang mga effort na ginagawa niya kapag di kami ok, kaya naman napapatawad ko siyang agad. Marami na kaming pinagsamahan lagi siya nandito sa bahay namen kasama mga kabigan ko, makulit siya hindi rin naman siya madamot, ang problema lang talaga ay yung nananakit siya. Maraming beses kaming nag aaway pero ito padin kami 5months na matatag at hindi padin sumusuko. =)

When the ICE KING fall inlove. </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon