Chapter 14

12 0 0
                                    

Natapos na ang lahat  ng subject namin 8pm na ako nakauwi ng bahay dahil pumunta pa kame kila Mean para kumain at tumambay, at ng makadating na ako sa bahay humiga ako at kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko. Nagulat ako sa text ni ace, galit nga to. -____-
Ace <3: Bat mag katabi kayo?
Ako: Ha? Eh, kinukulit niya kase ako eh.
Ace <3: Gusto mo din naman ehh.
Ako: Hindi ahh, maniwala ka.
Ace <3: Tsk, tumabi ka no? Pwede ka namang lumayo ahh? Ang sabihin mo gusto mo lang talaga!
Ako: Hindi nga! Bakit ikaw? Gumawa kapa ng kwento para mapalayo loob ko sakanya.
Ace <3: Nag sasabi ako ng totoo. Hindi mo nalang sinabe na gusto mo tumabi sa iba, ako nalang sana nag sabe kay jr na tabihin ka!
Ako: Hindi ko gusto yon!
Ace <3: May boyfriend kana lumalandi kapa sa iba?
Ako: Well, simula ngayon wala na! grabe ka makapg salita! Break na tayo!
Ace <3: Talaga! Mag sama kayo ng jr mo!
Hindi na ako nag reply dahil ayoko na makipag talo pa. Atska ok nadin siguro na nakipag break ako, bawas problema nadin. Hayyy 2weeks lang ang tinagal namen ni ace. Habang nag papahinga ako nag text saakin si jr.
Jr: Hi?
Ako: Wag ngayon.
Jr: Bakit?
Ako: Break na kame ni ace! Masaya kana? Yan gusto mo diba?
Jr: ha? Sorry? Hindi ko gusto ang nangyare sainyo.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog nalang. Inoff ko din yung cellphone ko para wala ng makaistorbo saakin. Maaga pa pasok namen bukas para sa announce ni maam, baka di ko pa maabutan.

Charlito’s POV

Lumabas kami ng room ng Makita kong nakatingin si ace kay marielle, biglang pumasok sa isip ko na nakita ni ace na mag katabi kame ni marielle. Hindi ko sinasadya na ipakita kay ace yon, gusto ko lang talaga na mag sorry kay marielle. Pag uwi ko ng bahay ay tinext ko agad si marielle. Nabigla ako dahil nalaman ko na break na sila, Hindi ko ginusto yon pero ewan ko kung bakit meron akong koting saya na nararamdaman sa Puso ko. Itinulog ko nalang ang lahat. Kinabukasan ay tinext ako ni wilmer at sinabing pumasok na dahil sa announce ni maam. Nag madali akong mag bihis at pumunta na sa school. Nilalakad ko lang papunta ng school dahil sobrang lapit lang ng bahay namen sa school. Pumasok na ako ng room at napansin kong wala pa si marielle.
“Si marielle?” Tanong ko ng mahina kay wilmer habang nakatingin sa upuan ni marielle.
“Wala pa ehh.” Wilmer. Asan na kaya siya? Papasok kaya siya? Habang tumitingin ako sa labas at hinihintay ang pag dating ni marielle wala padin siya. Ng nag kaklase na kami ay biglang dumating si marielle, parang walang nangyari ahh, kase ang blooming padin niya parang hindi sila nag break ni ace. Balak ko sanang tumabi sakanya kaso dun siya umupo sa tabi nila mean, atsaka baka magalit lang siya saakin. Kaya hindi na muna akong tumabi sakanya. Pero habang gumagawa kami ng activity napansin ko na parang namumutla si marielle, may sakit kaya siya? Ano kayang nangyayare sakanya? Tinanong ko si danica at uly na nasa likod ko lang.
“Pst? Tingnan nyo si marielle? Namumutla? Ako. Habang itinuro ng nguso ko si marielle.
“Ts? Pag pagod yan o stress lagi yan ganyan. 1styear palang para na siyang walang dugo.” Sabi ni danica saakin at nag sulat na ulit. Ahh, baka stress lang siya. Pinasa na namen ang mga papel namen at lumipat na sa kabilang room, sa science room. Tiningnan ko kung san uupo si marielle para matabihan ko siya. At yun sa unahan siya umupo. Sakto walang nakaupo sa tabi niya. Danica-Shaina-Mean-Uly-Marielle-Ako-Wilmer-Crisfel ganyan ang ayos ng upuan namen, nasa likod namen si Camille, rios at kaila. Nakita ko na nabigla si marielle ng nakita niyang tumabi ako sakanya, pero ng makaupo na ako, hindi niya ako pinansin.
“Get 1whole sheet of pad paper” Maam alegre. Wala akong papel kaya humingi ako kay marielle. Para nadin makausap ko siya.
“Penge akong papel?” Ako habang nakatapat sakanya ang kamay ko na nanghihingi.
“Wala! Nakita mong nanghingi lang ako kay uly ng papel diba?” Marielle. Galit ata to saken ehh.
“Edi ihingi moko.” Ako. Gusto ko lang siyang asarin.
“May kamay ka at bibig, gamitin mo!” Pabulong niyang sinabe saakin.
“Uly? Pahingi ako?” Ako. Pumunit ng papel si uly at iniabot saakin, nag kunwari akong hindi ko abot para maiabot saakin ni marielle.
“Paabot marielle?” ako.
“Kakasabi ko lang diba? May kamay ka? Pwede mo din gamitin yang paa mo para tumayo at abutin.” Wala ata sa mood si marielle. Kaya inabot ko nalang ang papel. Nakakatakot siya biruin ngayon.
“Sunget.” Bulong ko. Tumingin lang siya ng masama saakin at nag patuloy sa pag susulat. Sobra kaya siyang nasaktan sa breakup nila? Kung tanungin ko kaya siya? Mamayang hapon nalang siguro.. Habang nag susulat kame ay tahimik ang buong klase, nakakabingi ang katahimikan -____- Katabi ko nga si marielle pero di naman siya nag sasalita, kitang kita din sa muka niya yung inis at galit. Mag oonehour na kameng nasa room at puro sulat lang ang ginagawa namen. Dahil nammimiss kona si marielle inisin hinila ko ang upuan niya papunta saakin.
“Ano ba?!” pabulong niyang sinabe.
“Ngumiti ka kaya?” Ako.
“Wala kang pake saken ok?” Sabi niya at nilayo ang upuan niya saakin.
“May pake ako sayo.” Tinitigan ko siya, seryoso ako dito. Ewan ko ba? Parang ang gaan ng loob ko sakanya nung nag break sila, parang gusto ko lagi ko siya katabe? Bawal to. Aasarin ko lang dapat siya diba? Hindi to pwede.

Marielle’s POV

Hindi ko alam bakit ang sunget ko kay jr, pero kahit ganon parang gusto ko siya katabe. Mag iisang oras na kame sa classroom, Napansin ko na hindi nag susulat si Jr, tamad talaga tong lalaking to. -____- Habang nag susulat ako hinila niya ang upuan ko papunta sakanya.
“Ano ba?!” pabulong kong sinabe sakanya.
 “Ngumiti ka kaya?” Sabi niya ng nakatingin saakin.
“Wala kang pake saken ok?” Ayoko man sabihin sakanya to, pero ito ang dapat. Para layuan niya ako.
“May pake ako sayo.” Jr. Nagulat ako sa sinabe niya, muka kase siyang seryoso ehh. Nung sinabe niya yon meron konting saya ang naramdaman ng puso ko na para bang ayoko ng lumayo sakanya. Pero inisip ko na baka isa lang to sa mga jokes niya kaya hindi ko nalang siya pinansin. Labasan na namen, kinuha ko kaagad ang bag ko para hindi ko na siya makausap o makita man lang. Nauna akong lumabas sa mga kaibigan ko, hindi ko alam kung bakit naaasar ako sa mga ginagawa niya. Ayoko ng ganitong nararamdaman, AYOKO! ><
“Marielle bakit? Exsayted lumabas?” Sabi saakin ni mean.
“Ang init na kase sa room ehh.” Pagsisinungaling ko.
“Ge tara na.” Sumama na ako sakanila, gutom lang ata tong nararamdaman ko. -_____-
Natapos na kaming bumili at hinatid na nila ako sa bahay. Babalik pa kase kami ng 12pm ehh, kaya pinauwi kami ng maaga. Nagpahinga muna ako feeling ko kase pagod na pagod na yung katawan ko ehh.
Nakatulog na ako ng biglang tumunog na ang cellphone ko, nag alarm kase ako ng 11:30pm para makapag ayos pa ako ng sarili ko. Kumain-Nagayos-Nagpahinga saglit at pumasok na ako ng school, Papunta na ako sa likod dun kase ang room namen, habang nag lalakad ako nakita ko si Jr na may kasamang babae, Nag slowmotion ang pag lalakad ko, hindi ko alam kung bakit parang nadurog yung puso ko, nakita ko na nakatingin saakin si Jr. Bakit ganto nararamdaman ko? Hindi to pwede, wala lang to. May girlfriend pala siya.Ok lang, wala akong pake. Nasa loob na ako ng room at umupo na, lima palang kami sa classroom, wala pa ang mga kaibigan ko. Inilabas ko muna ang earphone ko at isinaksak sa cellphone ko, habang naka yuko ako sa desk ko, may tumabi saakin.
“Marielle?” Boses ni jr, alam ko yun. Kaya hindi ko siya pinansin.
“Usap naman tayo? Sorry na nga eh? Hindi ko naman gusto na mag break kayo.” Pag papaliwanag ni jr.
“Bakit nandito ka? Dun ka sa girlfriend mo!” Hindi ko alam kung bakit ko sinabe yon sakanya.
“Ha? Umalis na siya ehh, may klase na sila.” Jr. Itinaas ko ang ulo ko at tumingin sakanya.
“Bakit hindi mo sinabe sakin na may gf ka pala? Bakit nag sinungaling ka!!” Nagulat nalang ako sa sarili ko dahil nasigawan ko siya, ewan ko ba. Nabigla lang ako.
“Teka lang? bakit nagagalit ka? Atsaka hindi ako nag sinungaling sayo, nung nag tanong ka hindi naman kita sinagot non ah? Atsaka bakit ko pa sasabihin sayo e diba wala kang pake?” Oo nga naman. Bakit siya mag sasabi saken kung may gf sya o ano. Hay. Nababaliw lang ako.
“Ewan ko sayo!” Umalis ako ng classroom at pumunta nalang sa canopy. Dun ko nalang hinintay mga kaibigan ko. Hindi pa ako nag tatagal dumating na si uly kasama si mean.
“Uy mean!” sigaw ko at pinapunta ko sa canopy.
“Oh? Bat nag iisa ka jan?” Mean.
“Emote emote ? haha” Sabi ni uly habang nag tetext.
“Gaga! Hinihintay ko kaya kayo, wala pa akong makasama sa room ehh.” Ako.
“Tara na sa room, ang init dito.” Uly. Ayoko muna pumamsok sa room, nahihiya ako sa naging ugali ko kay jr kanina.
“Maya na, exsayted?” Sabi ko kay uly.
“Tara na, bala ka jan.” Mean. Wala na akong nagawa kundi sumama nalang sakanila. Habang papunta kame sa classroom ay hindi ko alam kung anong muka pa maihaharap ko kay jr, hiyang hiya ako. Papasok na kame ng room at nakita kong naka upo si jr kasama si crisfel at wilmer. Umupo na kameng tatlo nila mean at tahimik na nakinig ng music.

When the ICE KING fall inlove. &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon