Chapter 22

29 0 0
                                    

Pinauwi ako ng maaga ni Kevin, ang boyfriend ng classmate ko na si kimly, hindi ko alam pero nung pag uwi ko nakita ko sila na nag iinuman sa kubo, nag text si Kevin na nandun si jr at lasing na lasing na. lumabas ako para tingin at yun nga, totoo nakita ko ito na nakaupo at namumula na. bago kasi ako pumasok ng school kaninang tanghali ay nasa bahay na ito, meron talaga silang balak na uminom, galit ako sakanya non kaya hinayaan ko nalang sila. Naliligo ako nun at kinakatok niya ako at panay sabe ng sorry na, hindi ko siya pinapansin dahil todo talaga ang galit ko sakanya. Hindi ko na sasabihin ang dahilan. Eto na ulit, nakita ko siya na namumula na, tinext ko si Kevin at pinapunta muna saglit sa bahay. “Anong meron?” sabi k okay Kevin at nag kamot sa ulo. “Ehh, nag kkewento saamin ehh, makikipag ayos na daw sayo. Kanina kapa kinakatok sa cr nun ah? Ayaw mo naman daw pansinin kaya eto hanggang ngayong hapon nag iinuman kami.” Sagot niya . “Nag lalabas ng sama ng loob, nasasaktan daw siya eh. Batiin mo na kase!” 
“Ahh.” Yan nalang ang nasabi ko, pinaalis ko na siya, pumasok ako ng kwarto at nag isip, ibbreak ko nab a sya? Hays. Ittext ko na siya sana na magbreak na kami ng tawagin akong muli ni Kevin.
“Uy anne! Iiwan muna naming si jr don sa kubo ah? Dun lang kami sa may tulay ni kimly, puntahan mo dun, tulog!” Kevin.
“Ah okay.” Umalis na siya, at papunta naman ako sa kubo, nag dadalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya o hindi nalang talaga, ng malapit na ako sa kubo, nakita ko siya na nakahiga at pulang pula, mukang lasing na nga at tulog na. eto nanaman ang puso ko, nanghihina, sa tuwing makikita ko siya na nahihirapan ng ganon napapatawad ko na siyang agad, naaawa ako. Mahal ko padin siya kahit ganon ugali niya ehh, bakit ba gantooo! As in mahal na mahal, nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang ulo, hinimas himas ko ito , at sinasabe sa aking isip na, “ Namimiss na kita, sana mag bago kana. “ naiiyak ako dahil nakikita ko sya na nag kakaganon, nag lalasing at dito pa sa malapit sa aming bahay. Pinapatunayan nya talaga na sisirain nya ang buhay niya pag wala ako. Habang tinititigan ko lang siyang matulog ay bakas sa mga mata niya ang mga namumuong luha, maga ang mata.
“Baby.” Pabulong niyang sabi habang nakapikit ang mga mata.
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, L” at tuluyang bumagsak ang mga luha ko na kanina pang gustong bumagsak. Hindi na siya nagsalita, nakita ko sa muka niya ang lungkot, lasing na lasing nga siya.
“Teka, kkuha ako ng unan at bimpo, pawis na pawis ka,” Kumaha ako ng unan at bimpo para sakanya, at bumalik agad sa kubo.
"Tumayo ka nga muna, umupo ka dito.” Isinandal ko siya at inilagay ang bimpo sa likod niya. “Basang basa ka ng pawis oh! Makita ka ng mama mo sabihin pinabayaan pa kita!”
“Napaka ano mo naman! Pinapabayaan mo sarili mo.” Pag ssermon ko sakanya. Nakita ko ang isang luha na pumatak mula sakanyang mata.
“Dito ka nalang baby,” Hinila niya ako paupo at inihiga ang kanyang ulo sa leegs ko.
“Wag mo ng ulitin to ah?” habang hinihimas ko ang kanyang buhok ay nakikita ko ang saya sa kanyang muka, pinainom ko siya ng tubig kaya naman mejo ok na siya.
“Wag mo kong iiwan ah? Kahit ganto ako, mahal na mahal kita baby.” Ipinikit niya ang kanyang dalawang mata at nagsimula ulit na umiyak.
“Shhh, oo na.. mahal din po kita,” Habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko ang kanyang muka. Mahal na mahal ko talaga ang lalaki nato, at hindi ko na siya kayang mawala pa. mga 2hours siyang tulog, ginising ko siya ng 6:30 dahil mag ggabi na at para makapag ayos siya ng sarili.
“Baby? Tara napo? Hahatid kana namen sa bahay nyo.”
“Okay, akina yung bag ko.” Jr. habang nag aayos siya ang inabot ko ang bag niya sakanya.
“Iloveyou baby.” Nag back hug ako sakanya, at siya naman ay humarap ako kiniss ako sa noo.
“Iloveyou too, tara na?” Jr, inihatid na namen siya sakanila para hindi na masyadong magpagabi. Hindi muna kami umuwi sakanila dahil bumili muna kami ng icecream sa 7-11, para daw mahimasmasan siya. :D ng makarating na kami sakanila ay nag babye na siya at humalik siya sa aking pisngi. Kahit talaga mag away pa kami, hindi padin kami nag hihiwalay, nananaig padin yung pag mamahalan, hihi ;D ayoko na talaga siyang iwan, pakawalan. Ganon din naman siya eh, parehas lang kami ayaw namen na mag hiwalay. Forever na talaga to :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the ICE KING fall inlove. </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon