Chapter 16

11 0 0
                                    

Charlito’s POV

Hindi ko man gusto na maging partner ni marielle si renan pero wala nakong magagawa ehh. Gusto naman ni marielle ata ehh, hay ewan! Bakit ba ko ganto. -______- Nasasaktan ako kapag may ibang kasama si marielle, yun ang dahilan kung bakit lagi ko siyang tinatabihan, para hindi siya malapitan ng iba, hindi nga niya ako boyfriend pero over protective ako para sakanya.
Nang dumating na ang araw ng Friday ay, naisip ko na nag simula na ang intrams, 7am na kase ehh. Siguradong escort na ni marielle si renan, hindi ako pumasok dahil sa tinatamad ako, ayoko din Makita silang dalawa na mag kasama. Wala akong magawa dito sa bahay, buong umaga lang akong nakatanga at hinihintay mag text si marielle.-__- hay. Wala padin talaga, Mag dadalawang oras na ako dito sa bahay. Naisip ko na pumunta sa school siguro naman tapos na ang intrams nag lalaro nalang siguro sa school. Lumabas ako ng bahay at sakto nakita ko si archie na paalis. Papunta din siya sa school at sumabay nadin ako.
“Bat di ka pumasok?” Archie.
“Ala, kakatamad.” Ako.
“Kayo ba ni marielle?” Archie.
“Hindi ah,” Ako.
“Bat di mo ligawan?” Archie. Napangiti nalang ako at nag lakad, napasok din sa utak ko na ligawan ko kaya si marielle? Kaso kaka break lang namen sa mga syota namen, kaya wag na muna. Nang makarating na kame sa labas ng school ay nag hihintay pa kami, nakatambay lang kami, Mag kakalahating oras na at sakto nakita ko na si marielle na naka all pink, sando at maikling shorts na naka rubber shoes. Ang ganda niya O____________O Nakita niya ako at ngumiti lang. Pauwi na ata sila ni Uly. Inaamin ko na nagagandahan padin talaga ako kay marielle, sa mga ex ko siya ang pinaka maganda, Bakit kaya ganto? Kahit nag break kami ni bande, ok lang saakin basta napapasaya ako ni marielle ok nako. Wala akong problema sa breakup namen ni Bande. Wag lang kami ni marielle ang mag break bilang mag kaibigan. Umuwi na ako sa bahay at agad kong kinuha ang cellphone ko upang itext si marielle at kamustahin.
Ako: baby? Kamusta? J
3mins after ..
Marielle <3: Muka mo!
Ako: Gwapo. J
Marielle <3: Balewww~ haha, ok naman ikaw?
Ako: Ok lang din, kamusta intrams?
Marielle <3: Ayun, nakakapagod.
Ako: Ok lang, mamahalin naman kita ehh.
Marielle <3: Abnormal -____- sige mamaya nalang. May pupuntahin pa kame ehh, bye.
Ako: Ingat baby. <3
Hahaha, ansarap nya talagang asarin lalo na kapag nasa mood, buti nga hindi sya nagagalit saakin pag tinatawag ko siyang Baby ehh, siguro nung una oo nagagalit sya, pero ngayon hindi na. At ang sarap nun sa pakiramdam. Pero bawal mainlove Jr, B A W A L! :D Gumala muna kami ng mga kaibigan ko kung saan-saan, hanggang sa ginabi na kami at nakauwi ng 9pm. Buti nalang hindi strict ang parents ko J) Satuday naman bukas ehh habang nakikinig ako ng music sa tapat ng bahay namen ay nag text si marielle.
Marielle <3: Jr payat!
Ako: Marielle taba! Baket J
Marielle <3: Wala lang. J Kamusta ka?
Nagulat ako, marunong din pala mangamusta tong babae na to. Siguro nga wala na siyang galit saakin. Haaaay ang sarap ng ganto :D
Ako: Ok naman, miss kana L
Marielle: Why so oa? Hahahaha mga lalaki talaga -___-
Ako: Oh baket? Totoo naman ah? Saturday pa bukas, di ko makikita yung maganda kong seatmate.
Marielle <3: Excuse me? Di kita seatmate no, tumatabi ka lang sakin.
Ako: Ayaw mo nun? Pinoprotektahan kita? J
Marielle <3: Gawin mo yan kung may taong susugod saakin at sasabihin saakin na mang aagaw ako, kilala mo tinutukoy ko?
Ako: Sino?
Marielle <3: Edi si bande! Haha
Ako: Kaya kitang protektahan sakanya o sa ibang tao. Atsaka wala na kami.
Sa loob ko, hindi biro tong mga sinasabe ko. Totoo to, kaya kong protektahan si marielle kahit kanino para lang hindi siya masaktan. Ewan ko ba kung bakit over protective ako sakanya, siguro dahil kaibigan ko lang siya.
Marielle <3: Sinasabe mo lang yan. Sige tulog na ko. Goodnight.
Ako: Mamaya na? Aga pa e
Marielle <3: La? Haha osige. Tawag ka?
Tatawag kaya ako o wag na? Nahihiya akong kausap to. Hayyy bahala na nga ! sige tatawag na ko. ( Ring …. )
Marielle <3: Hello?
Ako: Bakit baby?
Marielle: Ikaw tumawag ehh, hahahahaha
Ako: Sabi mo tumawag ako?
Marielle <3: Haha, ehh ayaw mo pako patulugin ehh. Mag kwento ka?
Ako: Ako?
Marielle <3: Hindi, yung aso nyo.
HAHAHA, napapatawa talaga ako ng babae na to. Baliw talaga to. :D
Ako: Baliw! Alam mo date nung nasa Liwag pako nag aaral naiisip kita kung kamusta na kaya si marielle, pero pag nalalaman ko na may bf ka kinakalimutan kita nag seselos ako. Kahit na may gf ako inaalala kita, pero kapag wala kanang bf naiisip ulit kita J
Marielle <3: Ahh, oa mo naman, alam ko joke yan.
Ako: Hindi ahh, totoo lang kase.
Marami pa kaming pinag usapan ni marielle hanggang sa umabot kami ng 12am, at yun nakatulog na siya. Hahahaha, pagod siya siguro, natulog na din ako inaantok nadin kase ako pinilit ko lang na wag matulog para makatext si marielle :D

When the ICE KING fall inlove. &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon