Chapter 15

16 0 0
                                    

Charlito’s POV

Anong nangyare kay marielle? Bakit siya nagalet nung nalaman niyang kami ni Bande? Nag selos ba siya? Bakit naman kaya? Ang gulo talaga nung babae na yon. Habang nasa room kami ay bumalik na si marielle kasama si uly and mean, padami na ng padami ang dumadating sa room, ng dumating na si maam padual ay nag simula na kaming mag lecture. Habang nag susulat ay tinitingnan ko si marielle, nakikita kong tumitingin siya saakin, Kaya naman lumipat ako sa likod niya kasama si crisfel at wilmer. Sinubukan kong kausapin si marielle kahit alam kong maiisnob lang ako.
“Marielle?” Ako, habang naka taas ang paa sa upuan niya.
“Yung paa mo!” Marielle. Binaba ko ang paa ko at kinalabit siya.
“Bakit ba?!” Marielle.
“Dito ka sa tabi ko?” Ako. At tinuro ang upuan na nasa tabi ko.
“Ayoko!” Marielle. Hayy! Ang hirap niyang kausapin. Natapos na ang klase namen at pinalabas na kami ni maam, Last subject na namen ang English. Pumunta na kami sa English room, tumabi ako kay marielle para kausapin siya.
“Sorry na? kahit wala akong kasalanan.” Ako habang nag ccellphone.
“Oo na, sorry din sa naging ugali ko kanina.” Nagulat ako dahil hindi niya ako inisnobb.
“Wew. Selos ka lang eh,” Pangaasar ko sakanya.
“Gusto mo bang hindi ule kita pansinin?” Marielle.
“Joke lang. di mabiro.” Ang saya ko dahil ok na kami ni marielle.
“Si bande oh? Nakatingin saatin.” Ako.
“Haha, bat kase saakin ka tumatabi. Alis ka nga dito.” Hinila niya ang tshirt ko na parang pinapaalis ako.
“Ayoko nga. Gusto kita katabi ehh.” Ako. At kinindatan si marielle.
“HAHA, pa cute. Baliw ka alis ka! Haha, sapakin kita jan.” Marielle. Nakita ko na siyang tumatawa at ako ang dahilan. Mas maganda talaga siya kapag Masaya siya. J
“Ayan na si sir, wag kanang magulo Baby.” Pabiro ko siyang inakbayan at tumawa.
“Baby baby, sapak gusto mo? Alis mo nga yang kamay mo. Baliw ka talaga.” Sabi ni marielle habang inaalis ang kamay ko sa balikat niya. Habang nag eexplain si sir para sa gagawin naming activity ay sinisiko ko si marielle, ang sarap niya kaseng kulitin eh.
“Wag ka magulo.” Pabulong na sinabe saakin ni marielle. At ng mag sulat na kame ay kinuha ko yung notebook ni marielle at binigay ko naman ang notebook ko sakanya.
“Palit tayo, sulat mo ko, susulat din kita.” Ako.
“Ayoko, ampanget ng sulat mo ehh. Haha.” Pilit niyang kinukuha ang notebook niya.
“Kayabang ni baby ohh,” Sabi ko ng matawa tawa.
“Joke lang, akina mag susulat nako. Bala ka jan papagalitan tayo ni sir.” Sabi niya with maamo face.
“Palit na tayo pls?” *Paawaface*
“Sige, ayusin mo sulat mo ahh, pag yan panget.” Marielle.
“Sige ano? Pano kung panget?” Ako, habang nakatitig sakanya.
“Kakagatin kita sa braso.” Marielle.
“Papangitan ko nga.” Ako, at nag sulat na.
“Baliw.” Marielle. Tahimik na kaming nag susulat. Pag lipas ng isang oras ay nag pauwi na si sir. Binigay ko na ang notebook ni marielle sakanya.
“Ampangeeeet!” sabi niya habang naka pout.
“Wow, ganda ng sulat mo. Haha palit na tayo palagi ng notebook ah?” At nilagay ko na ang notebook ko sa bag ko.
“Kawawa naman ako, baka sabihin ng mga teacher kababaing tao ampanget ng sulat ko.” Pang aasar ni marielle.
“Yabang -____________- ge alis na ko, pumasok ka bukas ah?” Ako. At lumabas na ng room.
Nasa bahay na ako at tinext ko kaagad si marielle.
Ako: Nakauwi kana ba baby? ;)
Marielle <3: Baliw! Oo.
Biglang nagtext saakin si bande.
Bande: Bakit ba tabi ka ng tabi kay marielle?
Ako: Masama?
Bande: Oo! May girlfriend ka kaya gago!
Ako: Gago ka din! Bahala kana sa buhay mo, sawang sawa nadin naman ako sayo ehh. Break na tayo!
Bande: Talaga! Ayoko nadin sayo!
Oh kitams? Sabi ko naman sainyo ehh, balewala lang saakin kapag nakikipag break ako sa gf ko. :D minahal ko din naman si bande eh, kaso nag sawa nako sa puro selos niya kaya brineak ko na.

Marielle’s POV

Hayyy! Nasa bahay na ako! Nakipag ayos nadin ako kay jr, nag sasawa na kase ako sa pag susunget ko sakanya ehh, Kaya nakipag ok na ako sakanya. =) Habang magkatext kame ni jr ay hindi ako tinatamad na replayan siya. Kaibigan lang tong nararamdaman ko, wala lang to. 8pm na .
Jr: Pasok ka bukas?
Ako: Oo, baka mamiss mo ako ehh.
Jr: Ngayon palang miss na kita ehh. <3
Ako: Wew. Haha, Ok na . sige inaantok na ako ehh, goodnight.
Natulog na ako at inilapag na ko na ang cellphone ko sa cabinet.

(Kinabukasan) sa room -____- Pumasok na si jr, napansin namen ni rios na parang namamaga mata niya at malungkot siya. Habang nag ddiscuss si maam ay nag usap kami ni rios.
“Tingnan mo si jr? parang umiyak?” Ako. Habang nakatingin kay jr.
“Oo nga no? Baka break na sila?” Rios.
“Oa naman? Sila pa kahapon ehh.” Ako.
“Ehh, ewan ko. Tanong mo mamaya? Rios.
“Hu, baka magalit pa sakin.” Ako. Muli kaming nakinig kay maam, pinag sulat kami ni maam wala akong katabi sa isa kong side kaya inilagay ko dun ang bag ko.
“Paupo.” Nagulat ako dahil tumabi saakin si jr. Tatanggalin ko na sana ang bag ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. O_________O
“Ok lang, jan mo na lagay.” Jr. at muling binitawan ang bag ko.
“Bakit?” Mahina kong tanong sakanya.
“Anong bakit?” Jr.
“Ganyan ka? Para kang umiyak?” Ako, habang itinuro ang mata niya.
“Di ahh.” Jr.
“Eh, bakit ka ganyan?” Ako.
“Break na kame eh.” Jr.
“Bakit?” Ako.
“Kadami mong tanong baby.” Baliw to, nag break na sila lumalandi pa.
“Ehh masama ba?” Ako.
“Nakita niya tayo laging magkatabi.” Jr.
“Bat sila ganon no? magkatabi lang galit na, kaya nadadaan sa break eh” Ako.
“SELOS!” Mahina niyang diniin ang salitang selos.
“Baka nga.” Patuloy na akong nag sulat.Lumipat na kami sa kabilang subject namen, sa science. Mag katabi nanaman kami jr sa room. Habang nag ddiscuss si maam ay kinukulit ni jr ng paa niya ang paa ko, kaya kinukulit ko din siya.
“Marielle, isulat mo nga to sa board. Page 108.” Maam alegre.
“Oh, kopyahin nyo lahat ng isusulat ni marielle ah. Ayoko ng maingay.” Maam alegre. Tumayo na ako at isinulat sa board ang nakalagay sa book.
“Marielle asan science mo dito?” Tanong ni jr habang kinakalkal ang bag ko.
“Kulay orange, May notebook kase hindi dun mag sulat.” Pagtataray ko.
“Ehh ayoko eh.” Jr. Habang nag susulat ako ay tumingin ako sa likod, seryosong komokopya si jr habang katabi niya si wilmer. Bumalik na ang tingin ko sa board.
“Laki ng binti ni marielle oh,” Wilmer.
“Uy pre, wag mo gaguhin.” Jr habang na susulat. Tiningnan ko lang ng masama si wilmer. Concern ba si Jr? Haha, whatever. -______- Habang nag susulat ako ay lumilipas ang isang oras at yun hanggang sa matapos na kame. Lumipat na kame sa math room, Katabi ko nanaman si Jr -_____-
“May sports day tayo bukas, Friday umaga. Intrams yun so sino ang gusto niyong maging muse ng section naten?”Maam Castillo.
“Maam si marielle!” Sigaw ng mga classmates ko.
“Wag na po si marielle maam!” Sabi ni jr kay maam. Loko to ah, ayaw pa akong maging muse.
“Na kay marielle ang desisyon.” Maam Castillo.
“Ok lang po maam sige po ako nalang.” Sabi ko, gusto ko kaseng asarin si jr. :D
“Sige si marielle na ang muse naten and ang escort ay si renan nalang.” Maam Castillo. Nagulat ako sa sinabe ni maam, ang akala ko kase si Jr ang kukunin na escort ko eh, nakita kong nakatingin saakin si Jr. Habang nag susulat kame ay biglang nag salita si jr.
“Bat pumayag kapa?” Jr.
“Ehh, yaan mo na.” Ako.
“Mababastos ka lang dun.” Jr.
“Oa mo naman. Bakit naman?” Ako.
“Basta.” Jr. Nag uwian na kaming lahat dahil wala na kaming klase. May meeting ang mga teacher, Kaya ng makadating ako sa bahay ay pumili na ako ng susuotin ko para bukas. Biglang nag text saakin si Jr.
Jr: Hindi ako papasok bukas.
Ako: Why?
Jr: Katamad ehh, tas makikita ko lang na may kasama kang iba?
Ako: Oa mo naman, ano naman?
Jr: Basta, ge na. pahinga lang ako.
Hindi ko alam ano nagyayare dun, selos? Ahaha, di siguro. Malabo. Sobrang labo, haha :D Hmm, pipili na nga lang ako ng susuotin ko.Dapat pang sports ang isuot ko dahil intrams. Ano kaya dito sa mga to? Tatawagan ko na nga lang muna sina Mean papapuntahin ko dito sa bahay. =)

When the ICE KING fall inlove. &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon