“OMG KAYE! SO TOTOO NGA ANG BALITA NA JOWA MO SI MILLEXIS?! TARAY! ALL THE WAY FROM FRANCE PA IYANG JOWA MO YAYAMANIN!”
Pagdadaldal sa akin ng kaklase kong bakla. Nandoon siya kanina sa parking lot nu’ng saktong inihatid ako ni Millexis.
“Crush mo?” pagtutukoy ko kay Lexis.
“HINDI MO DAPAT TINATANONG ANG MGA BAGAY NA IYAN KAYE ANO KABA. ALAM MUNA ANG SAGOT DIYAN KALURKEY KA GURL!” Matinis na sagot niya sa tanong ko. Napatakip ako sa tainga ko.
Right! Base sa paraan ng pagsasalita niya gwapong-gwapo siya kay Millexis. Hindi ko naman iyon makakaila though.
Kasalukuyan naming binabagtas ang hallway papuntang elevator. Wala pang masyadong estudyante na dumadating. Sa bagay ala syete pa ng umaga. Tiyak na dadagsa din ang mga estudyante mamaya. Maaga akong inihatid ni Millexis dahil may practice sila ng ka team niya para sa nalalapit na Sports Festival.
“PERO GURL BAGAY NA BAGAY KAYO NI MILLEXIS OMG! BOTO AKO SA INYONG DALAWA. KUNG KAYO LANG DIN NAMAN MAGKAKATULUYAN HINDI KO NA KAYO GUGULUHIN!” Patuloy na pagdadaldal niya sa akin. May plano pala siyang manggulo? Hahaha gago. By the way he’s Rex Maynard Torayno. He’s madaldal right? Hahaha. Pero magpipiloto iyan. Magaling iyang magdrive hahaha. Lalo na kapag lalaki ang sinasakyan.
“Hindi ko nakita si Wilkins at iyong mga kateam niya. Dapat nagjajogging sila ngayon e sayang. Hindi ko masisilayan ang mga malulusog nilang pandesal. Pero sabagay okay lang iyon. Nasilayan ko naman ang gwapong mukha ni Millexis.” Kinikilig na sabi niya. Pero agad rin itong nawala.
“Pero hindi talaga e, inagahan ko pa naman ang pagpasok rito masasayang lang pala.” Nakacross arms na dagdag niya. Nakasimangot pa ang mukha niya. Halatang nadidismaya talaga. Biglang bawi si bakla.
Wilkins and his friends are our basketball players. Manyak iyang si Wilkins at pinaglalaruan lang ang mga feelings ng babae pero sa larangan ng paglalaro ng basketball hindi mo makakailang magaling sila.
Pumasok kami sa elevator at pinindot ang 4rth floor. Akmang sisirado na sana ang elevator na biglang may kamay na humarang rito.
Bumukas ng malaki ang elevator. Pumasok si Wilkins at ang kaniyang mga ka-team mates. Nakasuot silang lahat ng white sando at black shorts. May nakasabit pang panyo sa leeg nila at may hawak na mineral water.
Agad akong napatungo ng lumanding ang tingin sa akin ni Wilkins. Damn! Sana hindi niya nakita ang mukha ko. Hindi kopa nalimutan ang mensahe nito at ang pagbabanta nitong magiging sa kaniya raw ako. Creepy.
Parang binudburan naman ng asin itong si Maynard sa gilid ko. Kilig na kilig ng mapagtanto na sila Wilkins pala ang pumasok sa elevator.
“OMG KAYE! ITO NA YATA ANG PINAKASWERTENG ARAW SA BUHAY KO. NASILAYAN KO KANINA ANG GWAPONG MUKHA NI MILLEXIS AT NGAYON NAMAN SI WILKINS AT ANG KAGRUPO NIYA AHHHHHHH! THANK YOU LORD I’M SO BLESSED TODAY!”
Naikuyom ko agad ang aking kamay. Bwisit na Maynard na iyan dahil sa kaniya mapapansin pa ako ni Wilkins e.
“Ow! What a nice morning. My beloved Kaye is here!” Hindi ko napansin na nasa harapan kona pala si Wilkins.
Hinawakan niya ang mukha ko at madahan itong itinaas. Kaagad kong winaksi ang kamay niya. Disgusting.
Biglang nawalan ng imik si Maynard matapos niyang masaksihan ang ginawa ni Wilkins. Tahimik lang ding nanonood ang mga kaibigan ni Wilkins. Walang ekspresiyon na nakalakip sa mukha nila.
BINABASA MO ANG
Je't aime, My Captain (Pilot Series #1)
Romance1st installment of the Pilot Series. At the age of 10 after Catliya Kaye Mapa also known as CK graduated elementary level she decided to pursue a Pilot course for she wants to pleased her parents. Even though for herself she know, she doesn't want i...