44. Gwapong Ginoo

9.7K 259 3
                                    


Move on, napakadaling sabihin pero mahirap gawin. Kasabay din ang tanong na kung gusto ko ba nga talagang mag move on o hinde? Gayong sa bawat araw na binigay sa akin ng Diyos ay lagi siyang sumasagi sa isip ko at laman ng panaginip ko, magagawa ko nga ba talagang mag move on? Kung hindi ko naman siya kayang kalimutan at siya pa rin ang isinisigaw ng bawat pagtibok ng puso ko, Siya pa rin ang hinahanap hanap ng sistema ko, siya lang ang bukod tanging May kakayahan na magpatindig ng balahibo ko sa batok at higit sa lahat mahal na mahal ko pa rin siya kahit masakit na, kahit wala kameng official closure.

"Sweety. -malungkot na usal Niya habang tinitignan ang picture nilang dalawa ni Frank sa lock screen ng cellphone, iyon yung mga panahong masaya pa sila.

Hope, tama nga si manang Lucy na kahit sa kabila ng nangyari ay umaasa pa rin siya na isang araw umiba ang ihip ng hangin at bumalik sila ni Frank sa dati.

Assurance, na pinanghawakan ko Dahil pumayag ako sa kasunduan naming dalawa na kame ay para sa isa't isa hanggang ngayon kaya umaasa pa rin ako.

Expectation, kapag pumasok ka sa isang relasyon expect mo na ang may away, tampuhan, problema, iyakan, kasiyahan, pero hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang expectation mo na talagang kayo pa rin ba hanggang sa huli, ika nga nila walang Forever pero isa ako sa mga taong taimtim na kumakapit kay forever Dahil hangad ko lang naman ang maging masaya kasama ang pinakamamahal ko kaya umaasa pa rin ako.

Chance, maraming pwedeng Ilagay ang salitang Chansa isa na dun ay deserve nating lahat ang mabigyan ng pangalawang pagkakataon para itama ang Mali na nagawa natin depende sa situation na kinakaharap, sa situation ko naman umaasa ako na sana nga mabigyan kame ng chance ni Frank na ibalik ang dati.

Kahit Ilang buwan na din ang nakalipas alam Niya sa sarili niyang umaasa pa rin siya kahit na taliwas ito sa sinasabi niya, napaka lakas ng kapit Niya sa salitang
"habang may buhay, may pag-Asa" hindi naman masayang umasa Diba? Ang masakit lang kung wala ng patutunguhan ang pag-Asa na itinayo ko para sa sarili.

Katok sa pintuan ang nagpabalik sa kanya sa realidad, Hawak Hawak Niya pa rin ang cellphone at Napa kunot noo ng makitang may message ito ng hindi man lang Niya Naramdaman. Ganun ba kalalim ang attachment Niya sa iniisip kaya hindi Niya narinig na tumunog ito? Nilapag Niya muna ito sa kama at tumayo para buksan ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Senyorita, may tawag po kayo sa telepono sa baba. -wika ng kasambahay Niya

Nung una hindi siya pumayag na kumuha ang kanyang Lola at Lolo ng Kasambahay para Gawin ang trabaho sa loob ng mansyon Dahil wika Niya ay hindi siya sanay na pagsilbihan siya at kaya niyang Gawin ang trabaho lalo na't nariyan ang nana rosita Niya at manang Lucy na lagi niyang kasama ngunit laking tanggi ng mga ito gayong Iba na raw ang Antas ng pamumuhay ko na hindi na Gaya dati. Pumayag na din ako sa huli lalo na't kasama na Niya sa mansyon ang kanyang Lolo Mauro at Lola Liezel na talagang kinulit Niya ng husto para lagi Niya ng nakikita ang mga Ito at kasalo sa pagkain gayong ngayon na lang din sila nagkita pagkatapos ng Ilang taon na hindi sila nagkasama.

"Sino daw, manang?

"Kaibigan niyo daw po. Nagmamadali nga po eh.

"Huh? -takang tanong Niya at bumaba

Sa limang buwan Niya sa bagong tahanan ay wala pa naman siyang naging kaibigan dito at nakaka-alam ng numero ng telepono niya kaya takang-takang siya.

"Hello? -wika Niya

"Jade! -Sigaw ng nasa kabilang linya na kilalang kilala Niya ang boses

"Veronica?!

"Oh god Jade! Papunta na siya diyan! Alam kong diyan siya pupunta sa Iyo!

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon