15. Laglag panga! Tinamaan silang pareho!

9.5K 246 5
                                    

Alas singko pa lang ay busy na sila ni Maria sa paghahanda ng mga rekados na gagamitin sa pagluluto. Napag desisyon niyang apat na putahe lang ang lulutuin Niya para hindi siya kapusin sa Oras lalo na't maaga siyang sunduin ni frank.

Kailangan Niya ding ayusin ang sarili Niya at paghandaan ang susuotin para naman mag mukhang presentable siya sa paningin ng mga magulang ni frank lalo na't mayaman ang mga Ito.

Wala pa man pero gayon na lamang ang kanyang kaba na nararamdaman lalo na't bago Ito sa kanya at first time niyang mag unlak ng date. Dati na siyang niyayang makipag date ng mga admirer Niya pero laking tanggi Niya dito sapagkat wala siyang Oras para sa date Dahil nga working student siya.

"Anong pakiramdam ate? -tanong ni Maria sa kanya habang nagbabalat Ito ng sibuyas at bawang

"Nakakatakot at nakakakaba

"Bakit po? Ganyan ba talaga iyan ate?

"Iba Kasi Ito Maria eh, date at the same time makikilala ko na din ang mga magulang ni frank. Diba nakakatakot iyon?

"OO nga noh? Pero kaya mo iyan ate amour, ikaw pa. Tapos kwentuhan mo saken Kung anong nangyari sa first date mo Mamaya ah? Excited na ako.

"Sana nga.

"May maisusuot ka na ba ate?

"Mamaya ko na lang tignan kapag na tapos tayo dito.

"Tutulungan kitang mag-Ayos, kapag first date dapat mas lalo kang maganda sa paningin ni sir frank.

"Ikaw talagang bata ka.

"Para mas lalong mainlove sa Iyo si sir frank ate. Mabuti na lang at di na tayo nagluluto sa de kahoy, salamat naman at naisipan ni sir frank na bilhan ka ng gas stove talagang madali tayong Matapos nito at may Oras pa tayo para ayusan ka ate.

"Parang mas excited kapa saken eh noh?

"Hindi ko maiwasan ate tsaka wala pa man eh kinikilig na ako!

"Niyaya kana ba ni lando na makipag date Maria? -ganti Niya Kay Maria

"Yan tayo ate eh, Lagi mo na lang binabalik saken ang kwento.

"Eh bakit namumula ka? Niyaya kana ba?

"Ahmm opo.

"Kita mo to. Mas nauna pa pala kayo kesa Samin ni frank!

"Pero Hindi po ako pumayag takot ko lang Kay itay.

"Sabagay. Bakit ba ayaw ni kang pedring Kay lando? -takang tanong niya

"Kasi po ate mas gusto ni itay si kuya roger para sa akin.

"Si roger? Aba'y bakit daw?

"Dahil mas kaya daw po akong buhayin ni kuya roger kesa Kay lando na wala daw mapupuntahan ang buhay.

"Ok naman si lando ah, tsaka Hindi naman si roger ang gusto mo kundi si lando bakit ka pinapangunahan ni mang roger?

"Iniisip lang din po ni itay ang kapakanan ko pero talagang ayoko Kay kuya roger eh. Hindi ko masabi Kay itay Dahil nananaig ang takot ko sa kanya.

"Kaya niyong dalawa ni roger iyan Maria. Magtiwala lang kayo sa isa't isa, Malay mo isang araw bigla na lang nagustuhan ni mang pedring si lando yun nga lang kailangan niyang makuha ang loob nito ng sa gayon ay mapalapit siya dito ng Mabuti.

"Eh ang Kasi ate takot din siya Kay itay. Pareho kameng takot dito.

"Huwag kayong magpapadala sa takot niyo. Kailangan niyong ipaglaban iyang pagmamahal ninyo Dahil Kung pagiralin niyo iyang takot na iyan wala ding mangyayari, forever na kayong ganyan puro nakaw sandali, nakaw tingin.

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon