41. Maligayang pagbabalik dito sa Laoag

8.8K 236 5
                                    


Napagpasyahan niyang mag-eroplano na lang gayong Ilang Oras lang din naman ang byahe maynila patungong laoag, kesa barko ay aabutin sila ng tatlong araw at tutal May sapat naman siyang pera pambili ng ticket nila ng nana rosita Niya.

Nagpaalam siya ng Mabuti kay Aling Maria at nagpasalamat sa mabait na pakikitungo nito sa kanya, nangako din siya dito na tatawag at balitaan Niya ito kapag nasa ilocos na sila ng nana rosita niya.

Maayos silang nakarating ng laoag at ngayon ay nasa labas na sila ng airport para pumara ng tricycle na siyang primary transportation ng laoag, may nakita din siyang taxi at bus kaya lang nasa malayong parte ito gayong may dala silang mga gamit ng nana rosita Niya.

"Manong, alam niyo po ba kung saan ang lugar ng mga valderosa dito sa laoag? -tanong Niya sa tricycle driver

"Wen. -wika nito

"Po?! -kunot noong tanong Niya ng hindi naintindihan ang Sinabi nito

"Ah eh pasensya na ang Ibig kong sabihin ay Oo, bisita ba sila?

"O-opo.

"15 mins. Lang naman papunta dun.

"Sige po. -wika niya at sumakay na sa tricycle kasabay si nana rosita

Habang nasa Daan ay mahigpit ang pagkakahawak Niya sa kamay ng nana rosita Niya at hindi mapakali. May lalo siyang kinabahan ng makita ang malaking senyales na nakasulat na,

WELCOME LAOAG CITY

"Relax ka lang iha.

"Hindi ko po maiwasan nana rosita. Napaka Estranghero ng lugar na ito sa akin kahit na dito lumaki sina inay at itay.

"Naiintindihan ko iha.

"Inay at itay mo ba ineng ang bibisitahin niyo? -sabat na tanong ng driver

"Ah eh hindi po, yung Lolo at Lola ko po na magulang ng inay ko yun po ay kung buhay pa sila ngayon.

"Ganun ba, ano ba ang pangalan ng Lolo at Lola mo? Baka kilala ko tsaka sa mansyon ba sila ng Valderosa namamasukan o sa tubuhan at pinyahan?

"S-si Mauro at Liezel Toralba po.

"Ay Oo! Kilala ko sila, kita mo nga naman. Sakatunayan niyan eh sakanila kame kumukuha ng asukal. May tindahan Kasi si misis.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob at tila May naramdaman siyang impit na saya ng malamang buhay pa ang mga magulang ng kanyang inay.

"Asukal? Ano pong Ibig niyong sabihin? -takang tanong Niya

"Nung tinanan ni senyorito Errold si Anita ay sila na ang namahala sa tubuhan at pinyahan. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari dun sa dalawa, wala nga kameng balita eh.

"G-ganun po ba. Saan po ba nakatira sina------

"Ibig sabihin ikaw ang Anak ni Anita at senyorito Errold?! -gulat na tanong nito

"Ah eh-----

"Siya nga po. -biglang sabat ni nana rosita

"Isa kang Valderosa! -masayang wika nito

"O-opo.

"Mabuti naman at naisipan niyong pumunta dito senyorita. Matutuwa tiyak ang mag-asawa Dahil sa wakas makikita na nila ang apo nila na matagal na nilang ina-asam na makita.

"Saan po ba sila nakatira ngayon? Pwede po bang doon tayo dumeretso? Tsaka huwag niyo naman akong tawagin na senyorita, Jade na lang po.

"Dun pa rin sila nakatira kasabay ng mga trabahador sa malapit sa tubuhan. Teka ayaw niyo po bang umuwi muna ng mansyon?

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon