13. Selos dito, selos doon kaya pa ba?!

11.3K 269 10
                                    


"Salamat sa tanghalian ate amour! -Wika ni popoy

"Walang anuman, Bakit hindi niyo kasama si roger?

"May tinatapos pa kasi iyon amour, tsaka nagtatampo yata. -lando

"Nagtatampo? -takang Tanong Niya

"Ewan ko ba dun, kapag tinatanong hindi naman nagsasabi.

"Nagtatampo? Baka naman nagseselos! -popoy

"Masama ba pakiramdam Niya o ano?

"Maayos naman Yun ate, nagseselos lang iyon kasi abanteng abante na si senyorito Frank sa pag diskarte sa iyo.

"Ano bang pinagsasabi mo popoy? -amour

"Ang manhid mo ate amour, may gusto si kuya roger sa iyo Noh!

"Ano?!

"Ikaw talagang bata ka ke lalaki Mong tao Napaka daldal mo. Pasensya kana dito amour kung ano ano ang sinasabi nitong si popoy. -lando

"Totoo naman eh, kapag ang lalake laging bukambibig ang isang babae Ibig sabihin may gusto siya dito. Katulad mo kuya lando at si kuya roger, lagi ko kayong naririnig na nag uusap tungkol kAy ate Maria at ate amour. -mahabang litanya ni popoy

"Popoy! Malilintikan ka Talaga sa akin huh. Iyang bunganga mo palang preno. -diin na Sabi ni lando

"Eh sa totoo naman eh.

Nagtinginan na lang si amour at Maria sa inasta mg dalawa.

"Pakibigay na lang itong Kanin at ulam kAy roger. -amour

"Ikaw na lang kaya ate? Para mawala ang ta po nun kapag makita ka. -popoy

"Ganun ba? May Mga kostomer pa kasi ako popoy eh, tsaka kapag mamaya ko pa ito dalhin sa kanya hindi na mainit.

"Busog pa iyon tiyak ate, tsaka pambawi mo na lang sa tampo Niya.

"Oh sige na nga. Sabihan niyo na lang siya na hahatiran ko siya ng pagkain Pagkatapos naming magligpit ni Maria.

"Sige amour, salamat. Aasahan ka ni roger mamaya. -lando

"Aalis na kame ate amour, salamat Talaga. Ate Maria una na po kame. -popoy

"Maria, pupuntahan kita uli mamaya dito huh? May ibibigay ako. -lando

"Iyon na bang----

Hindi na natuloy ni popoy ang sasabihin dahil kinaladkad na siya ni lando palabas, tumawa na lang si tinuran ng Mga ito at binalingan si Maria na namumula.

"Ang pag-Ibig nga naman. -ngiting Wika Niya dito

"Ate naman. -nahihiyang saad ni Maria

"Oh? Wala namang masama, alam ko namang nagkaka-igihan na kayo. Tsaka ok naman si lando, masipag at may ichura higit sa lahat mukhang mahal na mahal ka.

"Hindi ba nakaka-asiwa ate? 18 lang ako siya 28.

"Hindi hadlang ang edad sa nagmamahalan Maria.

"Natatakot kasi ako kAy tatay eh.

"Kung maayos ang pakikitungo ni lando sa tatay pedring mo maintindihan naman Niya siguro, malinis din naman ang intensyon sa iyo ni lando kaya paniguradong maaprubahan iyan ni mang pedring basta ba huwag ka lang niyang maloko dahil ha habulin siya ng itak nito. -patawa tawa niyang Sabi

"Sana nga ate. Mabuti pa kayo ni sir Frank.

"At papano naman napunta sa Amin ang kwento?

"Nakakainggit kayo ate at bagay na bagay kayo. Dagdag pang mahal na mahal kayo ni sir Frank.

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon