3. Pag-iisipan

13.2K 297 4
                                    

Alas-onse y Medya ng makarating ako ng Bahay, laking gulat ko ng makitang sira ang lock ng pintuan ko at pagkapasok isang makalat na paligid ang bumungad sa akin. Pagod na pagod ako galing trabaho at ganitong kalagayan pa ang bubungad sa akin. Ang laking swerte ko naman! Lintik na magnanakaw to!

Kailangan ko ng bumili ng panibagong lock para sa pintuan, tamad akong gumalaw para simulang ayusin ang Mga kalat na Iniwan ng magnanakaw na iyon. Lintik na buhay to' nakakapagod din pala.

Tumulo na lang Bigla ang luha ko, Kung dati masaya kame Nina ama at ina siya naman kabaligtaran ngayon. Kalungkutan at paghihirap ang Karamay ko.Kung pwede lang sana ibalik ang dati naibalik ko na, sadyang mapag laro ang tadhana. Ito na nga yata ang sinasabi ni Ina noon, Kung may kasiyahan May kaakibat iyan na kalungkutan.

Mahigit isang Oras din bago ako matapos sa pag-aayos at bagsak ang katawan ko dala ng pagod at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

-----------------

"Magandang umaga!

Laking gulat ko, si Manong na mukhang ingrown!

"Ang aga niyo yata ngayon Manong!

"Kahapon pa kame nandito, akala namin tumakas kana.

"Hindi ko po magagawa Yun, nagtatrabaho po ako ng may mabayaran ako sa inyo. Nadadaan naman po sa usapan ang lahat Bakit kailangan niyo pang isira ang lock ng pintuan ko ikalat ang gamit ko sa loob.

"Baka sakaling Iniwan mo ang pambayad sa loob at tumakas kana, Ipaalala ko lang sa iyo na limang Araw na lang ang palugid ni bossing sa iyo.

"Hindi pa po sapat ang na ipon ko, bukas pa po ang sweldo ko. Hindi po ba pwedeng hulugan? Kada linggo? Hindi ko po kayang Ibayad ang ganong kalaking Halaga sa katapusan.

"Iyon na ang kondisyon ni bossing, matagal na din namin sinisingil iyang ama mo.

"Patawad po, pero Hindi ko po Talaga kayang Bayaran kayo sa katapusan.

"Pag-iisipan Mong mabuti. Problema mo na iyan. Kung Hindi, todas kana. Makikita na lang iyang bangkay mo na lumulutang sa pasig.

Napalunok ako sa sinabi Niya, hindi ko maatim na ganun lang ang magiging kamatayan ko. Perwisyo Talaga ang Iniwan ni ama. Pati ako damay na damay sa kalokahan Niya.

"Aalis na kame, magkikita uli tayo sa katapusan.

-------------

"Jade, sunog na iyang pizza mo! Bakit kaba tulala diyan?! -kuya June

"Po?!

"Ano ka bang bata ka! Naku, kabawasan iyan sa sweldo mo.

"Naku po!

"Kanina kapa wala sa sarili iha, may dinaramdam kaba?

"Wala po kuya June, may iniisip lang ako.

"Magsabi ka nga ng totoo iha, binuntis kaba ng nobyo mo at tinakbuhan ka?

"Naku kuya June! Hindi ako buntis at wala akong nobyo!

"Bakit parang naiwanan ka ng nobyo mo? Kita sa mukha mo ang labas na kalungkutan at problema.

"Hindi po nobyo kundi Mga magulang.

"Anong klaseng Mga magu-----

"Patay na po sila.

"A-ano?!

Nilahad ko kay kuya June ang kwento ko sa buhay,

"Kawawa ka naman iha, mabuti na lang marunong KANG lumangoy mag-isa. Paano na iyan ngayon ang utang ng ama mo? Saan ka maghahanap ng pambayad?

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon