18. Five long days

8.5K 239 2
                                    


"Miss mo na siya ate amour noh?! -tukso ni Maria sa kanya

"H-hindi ah!

"Sus deny pa.

"Talagang hindi ano ka ba Maria. Halika na nga Kumain na tayo ng hapunan.

Ilang araw na bang hindi nagpapakita sa kanya si frank? Tatlo? Apat? Nagsisi tuloy siya Kung bakit nag-inarte siya ng araw na iyon, ang araw na first date daw nila ni frank but didn't turned out well and ruined.

Hindi pa rin mawaglit sa Utak Niya ang eksenang niyakap ni brenda si frank at ang reaction ng binata dito at ang nalaman Niya sa senyora Mismo na talagang may paghangang nararamdaman ang binata Kay brenda bonus pang nagluluto Ito para sa binata na tingin Niya ay nagpapapansin.

Eh ano ngayon Kung niyakap siya ng brenda na yon? At least sa kanya si frank unang nangyayakap, ano naman ngayon Kung crush niya din Ito? Pero ako naman ang nililigawan at ano naman ngayon kung nagluluto Ito? Eh mas masarap ang luto ko kesa dun noh! Kita pa lang sa adobo Niya na kulang sa toyo ay Hindi na masarap! Naku Akala Niya ha! Wika ng mahadera niyang isip,

"Ate amour? May problema ba?

"H-huh? Wala naman b-bakit?

"Kanina niyo pa Kasi tinutusok tusok gamit ang tinidor iyang kawawang isda. Yung totoo May Galit po ba kayo sa isda na iyan na walang kamuwang muwang?

"Wala naman akong galit sa mga isda Maria, sa mga linta na mukhang higad meron.

"A-ano po?!

"W-wala! Ang sabi ko kumain ka ng marami para naman magka laman ka masyado ka kasing sexy eh.

"Ako ba ang topic dito? Diba ikaw? Tsaka ate alam kong may nangyari nung araw na iyon hindi mo lang sinasabi sa akin.

"W-wala namang nangyari.

"Hindi na kita pipilitin na magsalita ate pero nandito lang ako at handang makinig Kung ano pa man iyan.

"T-tapos kanaba?

"Opo, kayo po hindi niyo man lang nagalaw ang pagkain.

"Busog pa naman ako. Napadami yata ang Kain ko kaninang tanghalian eh.

"Konti lang kaya ang kinain mo ate ni hindi mo pa nga naubos eh. Diet ka ba? Slim kana Kasi ate.

"Diet? Wala naman iyan sa vocabulary ko alam mo namang laking kusina to.

"Ilagay ko na lang po sa loob ng frigider ang natirang pagkain Baka Kasi mamaya magutom kayo.

"Ako na ang magligpit niyan maria.

"Huwag na po ate kaya ko na kokonti lang naman Ito.

Kinaumagahan ay busy na naman sila ni Maria sa pagluluto at pagaayos ng kanilang ihahain mamaya. Inaayos na Niya ang mga lalagyan ng ulam ng mahagip ng tingin Niya ang mabilis na pagtakbo ng itim na kotse sa kalsada. Bumilis ang pintig ng puso Niya Dahil kilalang kilala Niya Kung kanino at sino ang nagmamaneho nun.

"Tulala kana naman ate. Sino bang tinitignan Mo diyan sa kalsada? -tanong ni Maria na nakatingin din sa kalsada

"W-wala naman.

"Miss mo na si senyorito frank noh? -tukso nito sa kanya

"Hindi noh!

"Akala mo siguro ate hindi ko napapansin ang lagi Mong pagtingin sa pintuan? Iyang patingin tingin ka diyan sa labas? Yung tipong May hinihintay o inaabangan ka? Ate naman hindi na bago sa akin iyan Dahil ganyan din ako kapag hindi ko makita sa isang araw si lando. Kapag nga siguro mahal mo ang isang tao gustong gusto mo siyang makita araw araw, Oras Oras sa bawat minuto o segundo. Kung Hindi mo naman siya nakikita namimiss mo siya, sa lagay mo ate limang araw ng hindi nagpapakita sa Iyo si senyorito frank nag-away po ba kayo?

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon