. . . ⇢ 13 ˎˊ˗

455 33 0
                                    

"wait, wait, jake—!" pagpapatigil ni heeseung kay jake na kunot noo na napatingin sa kanyang kaibigan.

"bakit, hyung?"

"samahan mo muna ako—"

"what!? kailangan ako ni cyril—"

"jake." pagputol niya dito. "gusto ni cyril may fruits siya, nag-chat siya at nagpapabili."

dahil doon ay napatigil si jake at napabuntong hininga. "hindi ba pwedeng ikaw na lang? mauuna na 'ko." at bago pa makahakbang si jake ay agad na siyang nahila ni heeseung.

"hindi, kailangan mo 'kong samahan. 'wag kang excited makita ang jowa mo, hindi 'yon aalis don."

at wala na ngang nagawa si jake kundi ang magpahila kay heeseung.

-♡️-

heeseung
@heeheehee

heeseung
okay na

cyril
thanks

heeseung
teka bakit nga pala?

heeseung
anong nangyari sa inyo?

heeseung
bago pa lang naging kayo tapos lq na agad?

heeseung
cy, kung ano man yan dapat pinag-uusapan ninyo at hindi lang kayo puro iwas

heeseung
kayong mga babae talaga, haist naaawa ako kay jake

cyril
im sorry

-♡️-

napabuntong hininga na lang si cyril at saka agad na lumabas ng clinic. masakit pa ang paa niya at likod dahil sa pagkalaglag niya sa puno kanina. paika-ika nga rin siyang naglalakad pero wala siyang pake, gusto niya lang makaalis doon bago pa siya makita ni jake.

maging siya ay hindi alam kung bakit niya iniiwasan si jake. siguro dahil ayaw niyang malaman ni jake ang iba pa tungkol sa kanya? na natatakot siya na baka may iba pa siyang malaman at husgahan siya?

mula kasi nang mag-transfer si cyril dito ay si jake agad ang hinanap niya at balak niya talaga itong kausapin dahil ilang years din noong huli silang nagkita.

jake and cyril were childhood best friends. bago pa tumira sila cyril sa states, sa australia siya unang tumira at pinanganak. doon din ay nakilala niya si jake at naging matalik silang magkaibigan.

pero dahil nga lumipat na sila cyril sa states simula nang mamatay ang dad niya ay hindi na sila nagkaroon pa ng communication. lalo pa't sa murang edad ay inatake na ng depression si cyril.

and it was because of her mom.

"you're such a slut, useless kid! get out, i don't wanna see your face again! go to hell, whore!"

"m-mom.. please i'm so sorry, i didn't mean to—"

"i don't fvcking care, get out!"

napapikit na lang si cyril at kasabay non ang pagtulo ng sunod-sunod na luha mula sa kanyang mga mata habang inaalala ang nakaraan. ang mom niya rin ang dahilan kung bakit siya umalis sa states at piniling tumira dito.

hindi niya kasi maintindihan kung bakit mas pinapaniwalaan pa ng mom niya ang ibang tao kaysa sa kanya na sarili niyang anak. maging sa states kasi ay madaming galit kay cyril dahil halos ng lalaki sa university nila sa states ay nasa kanya ang atensyon.

at dahil sikat ang mom niya sa states, nakarating ang balita na nilalandi daw ni cyril ang mga lalaki at boyfriends nila which was a lie. at dahil sa takot na masira ang pangalan ng mom ni cyril ay pinaalis niya ng states si cyril.

at minsan na ring tinanggi bilang anak.

natawa ng pagak si cyril, "damn her and her fvcking reputation."

hindi dapat magiging ganito ang buhay niya kung sana ipinagtanggol siya ng mom niya noong una pa lang. kaso hindi at kasama pa ito sa mga nanghuhusga sa kanya at may galit.

kung sana naging mabuti siyang ina at ginawa ang responsibility niya bilang ina sa kanyang anak ay hindi dapat magiging masama ang impression ng bawat tao sa kanyang paligid.

i wish you were here, dad..

-♡️-

✎ .ೃ notes ;
eto na, nagsisimula na ang heavy dramas kdkdkd

my mom is an alien. sjyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon